KABANATA 102: WE stayed pa rin in Queenstown for a week for a vacation. Para lang masulit namin din. Namasyal kami kasama ang mga kaibigan. Kaya lang nauna nang bumiyahe pauwi sila Megan dahil sa taping o trabaho nito. Sumunod sila Cassy. Naiwan kami at nanatili pa ng dalawang araw doon. “So, paano? We have to go. Let’s see each other na lang in Manila?” Tumango ako. Binisita kami ni Stacy sa room para magpaalam. “Bye, little girl!” ani ni Stacy kay Angela na nag-wave pa sa kanya ang huli habang may hawak na stuff toy ang isang kamay. Bigay ni Stacy sa kanya noong nakaraang araw. “Let’s keep in touch na lang, ha? Sofia… Axel,” ani ni Sandler at nagtapikan pa sa balikat ang dalawa bago tuluyang umalis ang mag-asawa. Para sa araw na ‘to ay sa Alexandra kami pupunta. Naroon ang kamag