HINAYAAN ko si Axel sa pag-asikaso tungkol sa issue. Hinang-hina ako at mas gusto ko na lang sa kama. Kaya lang maraming bumabagabag sa akin kapag ganitong mag-isa lang ako. Nagpapahatid na lang ako ng pagkain sa kwarto at nang uwian na ang mga bata ay sa akin lahat sila nagpupunta. Iyon nga lang hindi ko masabayan ang energy ngayon dahil sa masama talaga ang pakiramdam ko. "Where's Daddy?" Inka asked. "He's on his way. Maraming work kasi si Daddy kaya late umuwi," sagot ko. Sanay ang mga bata na bandang alas-singko ay kumpleto na kami. Alas-sais na ay pauwi pa lang ito. Hindi naman na ako kinulit pagkatapos. Maya-maya pa ay dumating na si Axel. Saglit ko lang siyang binalingan. Nagkagulo na agad ang mga anak namin at nag-uunahan sa pagyakap sa kanya. Napuno ng halakhak ni Axel ang bu