NANGINGINIG na ako sa sobrang takot. Hindi ako makausap ni Axel kahit na nasa sasakyan na kami. Iyak akong iyak. "Jesus! Hindi ka na makahinga!" sabi ni Axel at inabutan ako ng bottled water habang nasa sasakyan kami pero umiling ako. "N-n...ooo..." Nanginginig at hirap akong itawid maski kapiranggot na salita. "A-an...g-ge...l-la..." Bumuhos ang luha ko. Malabo ang mga mata at hindi ko makita ang mukha ni Axel sa tindi ng aking luha. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. "There's a reason for... e-everything, hmn?" masuyo niyang sabi. Maski siya umiiyak na pero pumiyok ang salita sa bandang huli. Ramdam ko rin ang panginginig ni Axel pero sinisikap niyang alalayan ako dahil mas matindi ang emosyon ko kumpara sa kanya ngayon. I can't think straight, for Pete's sake! Hindi natigi