I became paranoid when I saw that older woman go out of the market and was looking for me. Alam ko naman na ako 'yon. Hindi niya lang nakita kung saan ako sumakay. I thank God that my car is heavily tinted. Mabuti na lang talaga pinadala ni Axel iyong sasakyan ko kung hindi walang ibang magagamit kung hindi van. Kahit na safe naman ako sa sasakyan. Kabado pa rin ako. Gusto ko na ngang paandarin ang sasakyan at iwanan si Manang pero hindi ko magawa dahil syempre sabay kaming pumunta dito. Hindi ko naman p'wedeng iwan basta-basta. Sumandal ako sa upuan. Nanghihina ako talaga. I keep tapping my phone in my hand. Sumisilip ako sa may market at inaabangan kung lalabas na ba si Manang pero wala pa rin. Wala na rin iyong babae kanina. Unti-unti akong kumalma sa bawat paglipas ng minuto. Naka