KABANATA 16

3025 Words
NAHIMASMASAN ako matapos nitong lumayo. Mabuti na lang at madilim. Iniwas din niya ang ilaw. Kung hindi ay kitang-kita kung paano kapula ang buo kong mukha dahil sa halik niya! Hinayaan ko siya. Napaatras ako. "S-sofia—" I cut him off. "No. Huwag mo ng ulitin 'yon. Sobrang mali 'yon," sabi ko at tinalikuran ko siya. "Senyorita?!" Napatingin ako sa guard namin na hinahanap na ako. Kasabay niyon ay ang matinding liwanag na mula sa flashlight niya. "Nandito kami!" sabi ko. Hindi ko pa rin magawang tignan si Axel. Nahihiya ako na hinayaan ko siya kahit alam kong hindi niya dapat iyon gawin. "Kanina pa po kayo hinahanap nila Senyora," sabi ng guard nang mahanap kami. "Mauna ka, susunod kami," utos ko na siyang ginawa niya. Naramdaman ko rin naman ang pagsunod ni Axel. Tahimik at wala kaming kibuan habang nasa service pero panay ang sulyap niya sa akin. Tinatantya niya kung dapat na ba akong kausapin. Pagbaba ay tsaka ko siya kinausap. Hindi ko pa rin matignan sa mga mata. "Ginabi ka na. Mag-iingat ka sa daan. Salamat sa pagpasyal sa amin," sabi ko pero ang mga mata ay nasa SUV na nito. "Sofia..." tawag niya. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat sabihin. Sinulyapan ko 'yong driver nang service namin na nasa 'di kalayuan. "Don't mention anything about it. Let's pretend that it didn't happen. Huwag mo na rin sanang ulitin dahil hindi ko gusto. That's... rude," I said—still looking at the ground. "Ako. Ako gusto ko." Kumibot ang kilay ko sa narinig. Literal iyong saglit akong hindi nakahinga at isang sulyap lang ang nagawa ko para sa kanya. Hindi ko talaga matagalan na titigan siya. "Sofia, gusto ko kasi... gusto kita. I like you—" "Then let's stop seeing each other. Axel, I treat you as a friend and business partner. Don't make this awkward for both of us. I'll go straight to the point. I am not interested in you," sunod-sunod kong sabi. I need to tell him this so that he will stop. Wala naman sa isip ko ang bigyan siya ng chance o ano. Axel might be oozing with so much s*x appeal, but he isn't my ideal man. I mean—he's not the complete package. He has flaws, and those flaws are a significant turn-off to me. Hindi siya nagsalita. Napahiya yata siya sa sinabi ko. Hindi pa siya nagsasabi nang iba kung manliligaw ba siya pero tinanggalan ko na nang pag-asa. Nanatili ako sa harap niya. Saglit na katahimikan ang namayani. Nahihiya naman akong bigla na lang talikuran ito at hindi ko antayin na umalis. That was so rude of me. "I'm so sorry to hurt your feelings. You are a wonderful man, Axel. Makakahanap ka rin nang iba. Gabi ka na talaga makakarating sa Manila. It's seven pm na," sabi ko habang nakatingin sa aking relo. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong marahan siyang tumango. Hindi na nakatingin sa akin. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko 'yong pagtunog at pagbukas niya nang pinto ng kanyang sasakyan. Tumabi ako sa gilid. "I'm sorry for what happened, Sofia. Hindi ko na uulitin. Sana... huwag mo naman akong iwasan. Just like other men out there, I appreciate your beauty. That's why I said I like you and even kissed—" "You're forgiven. We can still be friends basta hindi mo na uulitin. Sige na at ginabi ka na. Drive safely," sabi ko at tinalikuran ko siya at naglakad palapit sa may puno. Humarap ako ulit sa banda niya. Pinapanuod itong minamaniobra na ang sasakyan. Nag-assist agad ang guard sa kanya sa palabas. Nang mawala sa paningin ko si Axel ay tsaka ako nakahinga nang maluwag. Kanina pa nanginginig ang mga binti ko! "Anong nangyari sa'yo, Senyorita?" tanong ng katulong pero umiling ako at nagdire-diretso sa taas. My phone beeps, and I get a message from Axel. Kaalis lang niya, ah? Maybe he parked on the road just to text me. Paglabas sa gate, nag-message agad. Kinakabahan pa ako habang binabasa iyon. Axel: I'm so sorry sa inasal ko kanina. I hope we can still be friends. I chose not to reply. Unti-unti ko nang na-realize 'yong mga ginawa ko for him. In-entertain ko siya kahit na dapat may limitation. Hinayaan ko siya na ipagluto ako. Small acts of kindness sometimes has a meaning. Has malicious intentions. Alam ko 'yon pero bakit hindi ko nakita sa kanya. Bakit hinayaan ko lang. I went to his resto and I let him entertained me. Hindi ko na namalayan na nakukuha ko nang magustuhan iyong presence niya. I immediately cut ties whenever I feel the guy is hitting on me pero hindi ko naisip sa kanya iyon. Pakiramdam ko kasi hindi naman niya kasi ako gusto o bulag lang ako sa mga hints? This is also the first time I let a man enter our house, even if I had a guy friend in high school or college. Never na nakapunta sa bahay. Now that I'm thinking about it. I was so stupid for not realizing this earlier. He has his own motives. Why would he kiss me out of the blue? Hindi ako naniniwala na bigla mo lang mararamdaman na gusto mo ko ngayon at nagandahan ka bigla kaya mo ko hinalikan. It's a process. At ngayong isa-isa nang pumapasok sa utak ko 'yong mga eksena kung anong reaksyon niya kapag magkausap kaming dalawa. Maging ibang gestures niya. Naiisip ko nang may gusto nga talaga siya sa akin. Nasapo ko ang noo. I don't know what to feel. Ayokong magpaka-ipokrita pero nagugustuhan ko 'yong feeling na gusto niya ako. It's like because... someone appreciates my beauty. But my mind is telling me to stop. To stay away from him. Niligo ko na lang 'yong dami kong iniisip. Habang nag-to-toothbrush ako. Nag-flash back sa isip ko 'yong halik niya sa akin. Napailing ako at napapikit ang mga mata. "God! Bakit ko ba hinayaan 'yon. Kasalanan mo rin, Sofia! I should've push him, so he can't kiss me." Pulang-pula ang buong mukha ko. Umuwi ako sa sarili kong bahay kinabukasan. Tanghali na nang umalis ako sa mansion. Hindi na nag-message si Axel sa akin. Huli iyong nag-sorry siya tapos hindi ko naman ni-reply-an. "What?" bungad ko sa videocall ni Stacy. "What's the real score between you and Axel?" iyon agad ang tanong niya at nanliliit ang mga mata. I frowned. "What are you talking about? Bakit bigla-bigla mong tinatanong sa'kin 'yan?" Sumandal ako sa sofa habang kausap siya. Medyo kabado ako sa kung anong alam niya. "Sofy, nakita ka nila Quinn na kasama si Axel sa resto niya sa Makati. Tapos kahapon, Atisha saw you din sa SM City Lipa! Oh my gosh! You're with him again. Do the girls knew about this? Are you guys dating?" Namula ang buo kong mukha. Lahat nang binanggit niyang pangalan ay kakilala namin. "Don't put malice about it. We're business partners, Stacy. Also, do'n sa resto. He invited me to be his food taster. Tsaka we supply na rin sa resto niya kaya may connection kaming dalawa. Kahapon, nasa Batangas siya to check his other branch. Since he knew na taga dito ako. Nagkita kami kahapon at pinansyal ko sa mansion." Stacy chuckled. "I thought you were dating him. Kung makakwento kasi si Atisha kanina akala mo talagang may something sa inyo. Iko-congratulate sana kita kasi happy ang heart mo," aniya at humagikgik. "Hindi noh! I am happy to be single. Don't worry, I don't feel jealous pa rin kahit na tatlo kayong may bitbit na boyfriend kapag may gala tayo. I don't need another headaches." "Sofy, if you're gonna look for that spark. Baka may apo na kami, ikaw nagbo-boyfriend pa lang. Tapos hindi pa sure. Girl, we're not getting any younger. Two years from now nasa thirties na tayo. Go and flirt. Kapag hindi mo gusto leave him. Look for another man again. Kapag naramdaman mong it's different like it's serious na. Do everything to keep that love on fire... to keep a healthy relationship and settle down. By the age of thirty, dapat we hear wedding bells na." "You are clearly pressuring me. Kaya nga ayaw ko magmadali. Kasi baka mapunta ako sa lalaking masakit sa ulo. You know what? It's fine with me if you guys are married na and ako hindi pa. I'll be happy for all of you. I'm here to cheer for you guys. If I get married in my forties, it's fine. If I don't get married in this lifetime, it's okay. Life isn't a race. We live to enjoy life, do good, and appreciate what we have. We can love and spread that love to everyone. Hindi lang para sa boyfriend or asawa ang love. Right now, wala pa sa isip ko ang boyfriend and wedding bells. I want a successful career. Marami pa akong gustong gawin." Ngumuso si Stacy sa haba ng lintaya ko. "I just want you to be happy—the different kind of happiness and love, Sofy. I want you to feel what we are experiencing in our love life. And it's the best feeling ever, and you deserve it. Ayoko nang kami lang ang itsi-cheer mo sa lovelife namin, Sofia. Gusto ko... gusto namin. Kami din sa'yo. In time. Maybe not now, but sooner. Kami naman ang number one na magiging masaya para sa lovelife mo. You are an amazing woman inside and out. Hindi na ko mangungulit about it. Anyway, sasama ka ba sa charity event sa twenty? Pupunta kami." "Yeah. Hindi lang ako naka-reply kagabi but yeah... I'll come." Nag-usap pa kami saglit at natigil din matapos ang sampung minuto. I sighed. My friends are concern about my lovelife. Magtu-twenty eight pa lang ako pero sa buong buhay ko, isang boyfriend pa lang ang mayroon ako. My parents are also worried about it too. Gusto na nga akong ipa-blind date ulit ni Daddy. Kaso ayaw ko. Wala akong gana. O, normal pa ba ito? Mabilis na lumipas ang isang linggo. Tahimik at sobrang busy pa rin naman ng buhay ko. Kaya lang para bang may mali sa akin. May kulang o may hinahanap ako na hindi ko maintindihan. Naiinis ako kung bakit pakiramdam ko may mali. "Are you okay? Mukha ka kasing matamlay," puna sa akin ni Teacher Elle. "I'm okay. Pagod lang ako," sabi ko at tumayo na para ligpitin ang aking gamit. Bumisita ako sa school nang monday dahil may bisita kami. Ginawa ko na rin ang trabaho ko rito para sa friday hindi na ako babalik. "Tapos na ako dito. Thank you," sabi ko at abot nang pinirmahan kong cards sa kanya. "Uwi na tayo," yaya ko sa kanya at sinukbit na ang bag. "Oo nga. Uuwi na rin kami," sabi niya at sabay na kaming lumabas nang office ko. Sinilip ko pa 'yong phone ko after ko makasakay sa kotse. Ang tahimik. Malungkot ang cellphone ko. Napupuno lang ang inbox dahil sa text nang simcard network at bank updates maging OTP. "Do you need anything else, Maam?" Umiling ako sa staff. Inilapag sa harap ko ang order kong carbonara at mango shake. I went to other resto just to eat. Aabutan kasi ako ng hapunan sa daan kaya bago bumiyahe nang malayo ay kakain na ako. I am contemplating whether to eat in Axel's Cucina or not. Natatakot akong makita siya. Hindi ko alam ang gagawin ko rin. Para akong bumalik sa umpisa na nahihiya o naiilang sa kanya. He didn't message me anymore. Isang linggo na. Mukhang nahiya nga yata siya sa ginawa niya sa akin. Ibinaba ko ang fork matapos ang ilang subo. My mouth is not happy with the food I ate. Napapikit ako sa kaartehan kong taglay. Alam ko na agad kung anong pagkain ang hinahanap ko. Simula nang tinikman ko 'yong luto ni Axel. Hinahanap na ng dila ko 'yong ganoong klase ng luto niya. Iyong kanya na ang standard. Hindi na ganito. "Yes, Maam?" the waiter asked. "Do you have a version na without so much cream? Iyong egg lang ang ilalagay, something like that?" "I'm sorry, Maam. Iyan po ang sa resto namin. Creamy carbonara." Tumango ako at ngumiti sa kanya. I dismissed him immediately. Inubos ko na lang ang mango shake para naman mabusog ako. I lft the resto with a sad heart. Pagkain na nga lang ang magpapasaya sa akin tapos wala pa. Ganito ako noon pa. Kakain lang ako ng gusto kong pagkain. Masaya na ko. Kuntento na. I ignored the cravings for Axel's carbonara. Kaya ko namang mabuhay nang wala 'yon. Nakakainis lang talaga na hindi man lang niya kasi i-release sa menu 'yon. Hindi sana ako mahihirapan. Delivery lang katapat solve na ko. Hindi ko na siya kailangang makita pa. Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko dahil sa message tone. I was so disappointed nang makitang text lang iyon galing sa internet provider ko. Billling info. Bumuntong-hininga ako at binalik sa drawer ang cp. Matamlay na humiga sa kama. Hanggang ang tamlay ko na 'yon ay nagiging iritasyon na. Napansin na nila Cassy. "You're so grumpy," puna ni Cassy. "Kanina ka pa nakasimangot habang tumitingin ng paintings. Pangit ba sa paningin mo lahat?" Megan chuckled. "Mood swings. Magkakaroon na yata ako," sabi ko dahil aminado ako sa pagiging iritable ko. I donated for the charity event. Hindi na ko nakisali sa bidding at gusto ko na nga umuwi. Ayoko na ring umupo para sa buffet kaya lang kasama ko sila Stacy. Magmumukha akong KJ. Ngayon na nga lang kami nagkita-kita. We are here to support the founder which is Cassy's new boyfriend. "Where have you been?" Stacy asked to Cassy. Bigla kasing nawala tas ang tagal bumalik sa table. After this, uuwi na rin kami. "Bathroom. Nakita ko pa kasi si Axel kaya nagtagal. We had a small talks lang," sabi ni Cassy dahilan para mapatuwid ako ng upo. Napatingin tuloy sa akin si Megan pero wala namang sinabi. "Ah, yeah. Nakita ko rin siya kanina pa. Pagpasok pa lang. Sabi ni George, he's so generous. He donated two million for the charity." "Yeah, malaking tulong 'to sa mga underrated artist," Cassy said. Napainom ako ng juice. Hindi ako nakikisali pero nagsimula nang maglikot ang mga mata ko. Pinasadahan ang buong paligid. Nanlamig ang tiyan ko nang makita siya. He was talking to a foreigner beside the long buffet table. May hawak na wine glass. He is still looking a good-looking man as ever. Takaw atensyon kahit na nakatayo lang siya doon at nakikipag-usap lang sa tabi. Alam ba niyang nandito ako? Hindi ko alam na nandito siya. Napainom ulit ako ng tubig. Nag-uusap na iyong tatlo pero ako? Lumilipad ang isip ko. I feel like someone is watching over me. "Tara! Let's go to Paris next month! Cassy and I will gonna have a fashion show there tapos pasyal na rin tayo. It's been a long time!" Stacy said. Madali naman kausap ang mga kasama ko kaya oo ang sinagot nila. Si Megan naman tapos na sa last drama niya kaya nagpapahinga na. Ako itong araw-araw may pasok. Sabay-sabay silang napatingin sa akin. Nag-aantay ng sagot. "I'll join, of course. Kapag sinabi kong no. Parang you guys will gonna kidnap me," I rolled my eyes. They all laughed. Nakisali din iyong mga boyfriend nila. Napatingin ako sa cake na nasa harap ko at tumikim. Pagsulyap ko kay Megan ay nag-uusap sila nang boyfriend niya. Ganoon din ang dalawa pa. Kanya-kanya sila. Then something hits me. Naalala ko 'yong sinabi ko kay Stacy noong nakaraan. Talaga bang okay lang sa akin? Okay lang naman sa akin. Noon. Pero bakit iba na ang pakiramdam ko. Iba na ang nakikita ko. Ngayon. The jealousy slowly kicks in. I swallowed hard. I told myself na hindi kainggit-inggit ang lovelife ng iba. Pero naiinis ako na ang tahimik ng cellphone ko. Walang nagtatanong kung nasaan ako. Kung kumain na ba ako. Wala naman akong pakialam noon, eh. Bakit ngayon naiinis ako kasi wala ako ng mayroon sila. Tumayo ako dahilan para mapatingin si Stacy sa akin. "Powder room lang," sabi ko at kinuha ang clutch bag. Tumango siya at nagpatuloy sa pakikipag bulungan sa kay Sandler. Nagmamadali akong naglakad patungo sa banyo pero hindi pa ako nakakarating doon ay nakita ko na mula sa gilid ng aking mga mata ang nag-jog na repleksyon ni Axel papunta sa akin. "Sofia," he asked. Natigil ako sa paglalakad. Hindi namna kami magka-away nang maghiwalay kami noong nakaraang linggo. I forced to fake a smile before I turn my head to him. Tinitigan niya agad ako sa mga mata na tila ba binabasa ang laman ng aking isip. "Good to see you here," anas niya habang nakapamulsa. He looks really manly with his suit and necktie on. Kahit hindi mo rin amuyin, tignan mo lang. Alam mong mabango siyang lalaki. Nagbago ang tingin ko sa tulad niya na may stubble. Hindi lahat ng may ganyan madumi at mabaho tignan. Dahil sa kanya nag-iba ako. "Me too," tipid kong sagot. Ang ibang tao tuloy ay nakatingin na sa amin. "I didn't know you're here," agap niyang sagot. "Hindi ko rin alam na nandito ka," I replied. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Naalala ko lang iyong huli naming pagkikita. "Well, uh... hindi ka nag-reply sa message ko last time. Iniisip ko galit ka," sabi niya dahilan para hindi ako makapagsalita. "Excuse me..." Napatingin kami sa babaeng dumaan kaya gumilid kaming dalawa. Balak pa niya akong hawakan sa braso para alalayan pero tinigil niya agad at baka iba ang maging dating sa akin niyon. "Busy ako. Kaya hindi ko nasagot," nahanap ko rin ang isasagot ko sa kanya. Tumango ito at ngumiti. Natigil tuloy ang mata ko sa labi nito. "I hope you're not mad at me." I shook my head. "Hindi." "Then, you'll reply now if I text you?" "Depende." "Regarding business." "For sure… I’ll reply," nabitin pa ang huling salita ko. Tumango ito pero sa ibang direksyon tumingin. Nahuli ko iyong tila ba nakahinga ito ng maluwag sa sagot ko. I bit my lower lip and looked away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD