KABANATA 15

2128 Words
NAUNA kaming kumain ni Axel dahil sila Mommy ay nakakain na rin naman na. Nasa kalagitnaan na kami nang tanghalian nang marinig ko na 'yong boses nila Selena nang pumasok sa sala. Kumakanta-kanta pa siya. "That's my sibling," I chuckled. Tumango si Axel at tipid na ngumiti. Para bang kinakabahan siya at natutulala kapag napapatingin ako sa kanya. "You look like you're going to pee in your pants," I chuckled while looking at him. Napangisi lang ito habang umiinom ng tubig. Napatuwid nang upo si Axel. Ibinaba ko ang baso kong hawak at tumayo para salubungin si Mommy. "Sandali lang, ha?" paalam ko sa kanya. Narinig ko na si Mommy na nagsalita sa hallway. "She's with someone daw—oh, Sofia!" Nagulat si Mommy nang makita ako. Kasama si Daddy na naka-saklay pa. Nakipag-beso ako sa kanya at niyakap si Daddy. "Kanina pa kayo sa maze?" I asked. "Yeah, kanina pang eight AM," sagot ni Mommy. "Ate! Where's your boyfriend na?" Selena asked. Biglang sumulpot sa gilid. "Boyfriend? Boyfriend mo ang kasama mo?" Dad asked—sounds excited. "Really?" tanong ni Mommy at tumingin sa akin. "No! He's our dealer, and he's my friend. Nag-su-supply tayo sa resto nila. Why don't you guys see him? He's in the dining area. Let's go," yaya ko sa kanila at lumapit kay Daddy para alalayan siya kaya lang nagpatawag si Mommy ng katulong para kay Daddy. "I'll make silip lang," sabi ni Selena at sumunod sa amin. Pagpasok sa dining ay tumayo agad si Axel para sa magbigay galang. "Good afternoon, Maam... Sir," aniya at nag-extend ng kamay para sa Daddy at kay Mommy. "Hi! I've heard we supply sugars on your resto. You made a great choice," sabi agad ni Mommy at umupo sa kabilang bakanteng silya. "What's your name?" Dad asked. Nakatayo pa at matiim na tinitignan is Axel. Si Selena naman ay umalis matapos masilip si Axel. "Selena!" mahina kong tawag at pinandilatan siya ng mata. Bumalik siya at natatawa. Nahihiya sa bisita. Nakatingin na si Axel sa amin. "She's my only sister. Bunso namin," pakilala ko kay Selena. "Hi!" Selena greeted him. Ngumiti si Axel at tumango. "Hello," aniya. "I'll go upstairs," paalam niya kaya pinabayaan ko na. Nagsimula nang interview-hin ni Mommy si Axel. Si Daddy naman ay nagpaalam na aakyat. "I'll leave you all for now. Sumasakit ang tuhod ko. What's your name?" Dad asked Axel. "Axel Montero, Sir." "Sige, mauna na ako, Axel," sabi ni Dad at inalalayan na nang yaya palabas sa dining. Naiwan si Mommy sa amin at balak pa yatang tumambay kasama namin. Umupo ako at ganoon din siya. "Guys, just eat. Ikaw, hijo. Don't mind me. If you need anything, sabihin mo lang," sabi niya at bumaling sa akin, "Sofia, anong plans niyo? Ipasyal mo siya dito sa Hacienda. Mas maganda makita din niya ang planta. Kaya lang walang trabahador ngayon. Wala kasing pasok." "Yes, Mom. Mamaya," sagot ko. Nagtanong na siya kay Axel nang kung ano-ano tungkol sa negosyo. Matapos din nang sampung minuto ay nagpaalam din naman siya sa amin na aalis na. "I'll go na, ha? Maiwan ko na kayo, bye!" paalam ni Mommy. Umiinom lang ako ng tubig nang sinundan siya ng tingin. Kami na lang ang naiwan sa dining. Wala ring katulong na naiwan. Tapos na rin naman kami kumain. Napatingin ako sa kanya nang napabuga ito ng hangin. "What is happening to you?" Natatawa kong tanong. He shook his head and grabbed the glass to drink some water. "They are kind to business partners," sabi ko at hinawi ang buong buhok ko sa kabilang gilid. "Well... uh, how about uh, boyfriends?" Sinulyapan ko siya pero hindi siya makatingin sa akin at panay ang inom ng tubig. "I don't know. Wala pa naman akong naipapakilalang boyfriend sa kanila." Naibaba ni Axel ang baso at napatingin sa akin. "Wala? You never had a boyfriend?" mangha niyang tanong. "I had. Isa lang pero hindi ko naman nadala pa dito para maipakilala," sabi ko at ngumiti. Natahimik si Axel pero may binulong siya na hindi ko naman maintindihan ako. "Ako pa lang..." "Huh?" Sinulyapan ko siya pero umiling lang ito. "Gusto nila akong magka-lovelife na. So, I guess. Hindi naman sila strict if ever," sabi ko habang nakatingin sa kanya. "Then why didn't you introduce to them your ex?" marahan siyang bumaling sa akin. Mga tingin na tila ba binabasa ang laman ng aking isip. "Hindi ako basta-basta nagpapakilala sa family ko kung hindi ko nakikita ang future ko sa kanya. That's my mindset until now," sagot ko at ngumiti. Ibinuka ni Axel ang bibig niya pero itinikom din. Walang salitang lumabas doon. "Your future boyfriend must be lucky to meet your family. Kasi once they meet them, you'll gonna marry him for sure." Ngumiti lang ako sa sagot niya. "Shall we go? Para masulit mo 'yong pamamasyal mo. Uuwi ka rin agad kasi," sabi ko sa kanya na tinanguan lang nito. "Sure! I'd love to roam around the whole area," aniya at tumayo na rin. Sakay ng caddy cart ay pinakita ko sa kanya 'yong plantation area. Sa huli, sa maze farm ko siya dinala. "This is where we always play with my siblings. Bihira na lang ngayong malalaki na. We had great childhood memories here," I chuckled while looking at the whole area. "Kabisado niyo na ito kasi noong bata pa kayo dito na kayo naglalaro," aniya at tumayo sa gitna ng maze entrance. Nakapamulsa. I smiled. "My Dad would yearly renovate this for us. Kaya nandito sila kanina kasi first time din ulit naming makikita after maipabago ang maze. Wanna try? You will get to the other exit for thirty minutes. Kapag tama ang daan, kapag hindi. Aabutan ka ng gabi o baka dilim," I chuckled. Nakangisi ito habang tinitignan ang suot na relo. "I still have an hour, so... let's try!" aniya at bakas sa mga mata ang excitement. "Ikaw ang mauna para ma-try mo, tapos aabangan kita sa exit." 'Huh? Sabay na tayo. Para kapag naligaw ako, pareho lang tayo," sabi niya ngunit natatawa na. Napairap ako habang nakangiti. "Tara na nga!" yaya ko sa kanya at nauna nang pumasok sa entrance. "Sumusunod ka naman sa'kin. Doon ka para malaman natin kung saan ang tamang daan. Tapos sigaw-sigaw ka na lang kung saan ka banda," sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang ako na para bang hindi ayaw niya nang ideya ko. Natawa na ako. "Para nga mabilis tayong makalabas. We have to look for another way," sabi ko ulit. Napilitan tuloy itong tumango. "Go..." sabi ko at nag-wave pa nang kamay para lang sabihing umalis na siya. Tinignan niya pa ako habang naglalakad na palayo. Pinipigilan ko tuloy na mapangisi. Nang nawala na siya sa paningin ko ay tsaka ako naglakad na. "Sofia?!" sigaw ni Axel. Wala pang dalawang minuto hinahanap na ko. Wala pa man ay humahagikgik na ko. "Nandito ako! Naghahanap pa!" sabi ko at lumiko na. "Sabihan mo ko, ha!" sabi nito. Syempre kahit sabihin ko sa kanya kung nasaan ang daan, paano niya malalaman kung hindi namin makita ang isa'y-isa. Mahihirapan siya kahit sundan niya ang boses ko. "Oo! Wala pa!" sigaw ko at lumapit sa dingding na gawa sa halaman. Nagmamadali kong hinawi 'yong makapal na halamang bakod at tumambad sa akin iyong maliit na map. You are here. Entrance. Exit. Humagikgik ako. Walang ibang may alam nito kung hindi ako at si Daddy. Dalawa kaming nagpapa-ayos nito para talaga sa tatlo kong kapatid dahil mahilig sila sa puzzles or maze game noon pa. Kapag sumali ako lagi akong talo kaya para makalabas ako sa exit. Pinasadya namin ito. May palatandaan kami na linya sa ilalim. Lahat naman ay may lines pero makapal ang sa bandang ilalim nang palatandaan. Hindi naman nila mapapansing sign na iyon para sa direction. Nagmamadali akong naglakad. Naririnig ko siyang tinatawag ang pangalan ko. "Sofia! Where are you?!" "Nandito pa! Hanapin mo 'yong daan, huwag ako!" Humagikgik ako lalo na nang makita ang exit. Hinihingal akong tumayo sa labas at nameywang. Hindi ko na narinig si Axel. Baka nga naghahanap pa rin. "Pakidalhan kami dito nang drinks and snacks. Hinihingal ako, grabe..." sabi ko dahil hindi biro ang laki ng garden maze namin. Totoo ang sinabi ko na inabot nang isang oras o higit pa ang naligaw doon. At ako 'yon. "Sofia!" tawag niya at saktong dumating ang drinks kaya doon muna ako sa may umbrella na may upuan. "I'm still here!" sabi ko at natatawa. Hindi siya nagsalita na. Ewan ko bakit gusto ko siyang pag-trip-an ngayon. Natutuwa ako. Sumisimsim ako ng mango shake habang nakatingin sa exit. Nagsimula akong kumain ng chips. Nanuod ako ng videos sa internet at hindi ko na namalayang naka-thirty minutes na ako ay hindi pa nakalabas si Axel. Naubos na rin ang shake ko ay wala pa rin siya. Tumayo na ako at tumigil sa harap ng exit. "Axel!" tawag ko pero hindi sumagot. Kumunot ang noo ko at humalukipkip. Sinilip ko 'yong relo ko at thirty five minutes na ay wala pa rin siya. "Axel!" tawag ko at pumasok na sa loob. Binundol ako sa kaba. Although alam kong nandito lang siya, hindi ko maiwasang hindi kabahan. "Gosh, nasaan na 'yon," bulong ko at naglakad na. "Axel!" Sinubukan ko nang tumakbo. Wala pa rin akong naririnig sa kanya. Hindi ko na rin makita kung nasaan ang map dahil nagdidilim na! Hindi naman kasi pinalagyan nang ilaw dito kung hindi sa pinaka magkabilang dulo lang ang mayroong poste ng ilaw. "Axel! Nasaan ka ba talaga?!" sigaw ko. Umaasa na baka marinig niya. Kinukutkot ko na 'yong kuko ko dahil kabado na baka biglang nahimatay 'yon. May sakit pala o ano kaya hindi na nakalabas. Kinapa ko 'yong bulsa ko. Tatawagan ko na sana. Hindi ko na naisip na p'wede ko nga pala siyang tawagan. Kaya lang naiwan ko sa lamesa iyong cellphone ko." Nasapo ko ang aking noo. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko na makita ang linya. Iyong palatandaan ko dahil dumidilim na nga. "Axel! Naliligaw na ko, andiyan ka pa ba?!" Kumalabog na ang puso ko lalo sa kaba. "Manang!" tawag ko na sa katulong. Sana marinig ako. Baka mamaya nagbanyo naman. Wala naman kasing nagme-maze dito nang gabi. Wala pa man din akong flashlight o kahit ano. Napagod ako. Fifteen minutes akong nagpa-ikot-ikot. Nakapameywang ako habang nagpapahinga. Nakatingin na sa kalangitang unti-unti nang umiitim. "Are you looking for me?" Napalingon ako at mabilis na ipinikit ang mga mata dahil tumama sa mukha ko ang liwanag galing sa flashlight. Napabuga ako sa hangin na tila nakahinga ako ng maluwag. "Kanina pa ako sigaw ng sigaw kakahanap sa'yo. My goodness! It's so dark! Where have you been?" I asked. Humakbang ako palapit sa kanya. Ibinaba ni Axel ang hawak na flashlight habang titig na titig sa akin. Medyo namumula ang mga mata. "What happened to you?" I whispered while looking at him intently. "I'm sorry. Nakatulog ako. Kanina ko pa hinahanap ang daan palabas pero hindi ko makita. I thought you'll gonna look for me immediately." Napangiwi ako at napaiwas ng tingin. Na-guilty ako dahil hindi ko siya hinanap agad. Natulog pala siya kaya pala namumula pa nang kaunti ang mga mata niya. Nagising marahil sa paulit-ulit na sigaw ko. "Kanina ka pa ba naghahanap sa akin?" mahina niyang tanong at humakbang sa akin palapit. Tiningala ko siya. Nahigit ko ang aking hininga nang hindi man lang binasag ni Axel ang tingin niya sa akin. Unti-unting lumamlam iyon. Tingin na para bang ako iyong pinakamagandang babae na nakita niya sa buong buhay niya. "Nag-alala ka ba?" tanong niya. I found myself slowly nodding at him. "I'm sorry for making you worried," he said huskily. Sobrang lapit niya sa akin dahilan para halos maduling ako at mangawit sa ang aking leeg. Bumaba ang tingin niya sa aking awang na labi. I know I should stop staring. But I just couldn't... para bang hirap akong tanggalin ang aking mga mata sa kanya. "Your beauty is ... breathtaking..." anas niya habang nakatitig sa akin. Bumagsak ang mga mata ko sa adam's apple nitong nagtaas-baba dahil sa paglunok nito. Nakaramdam ako nang kakaibang init. Kilit na dumadaloy sa aking tagiliran. Kabog nang dibdib na hindi ko maintindihan. Hindi ko kailanman naranasan sa ibang lalaki kahit na sa ex ko pa. Ang mga mata ko ay namimigat na. Tila inaantok na. Unti-unting nilapit ni Axel ang mukha niya sa akin. Sapat na ang ilaw galing sa cellphone nito para makita ko nang buo ang mukha niyang tila ba naliliyo na. Naikuyom ko nang mahigpit ang aking kamao nang dumapo ang labi niya sa akin. Napapikit ako. His lips were soft and wet. Magaan lang ang halik na iyon pero nang lumayo siya ay bigla akong napadilat na parang natauhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD