KABANATA 14:
MALAMLAM ang mga mata niya at halatang galing sa matinding iyak. Saglit lang niya akong tinapunan ng tingin pero nakuha naman nitong ngumiti saglit bago binalingan si Axel.
"Mauna na ko," sabi ko dahilan para linunginin ako ni Axel. Mula sa salubong ang kilay at galit na ekspresyon ay lumambot iyon nang harapin ako.
Tumango ito at inalis ang nakapatong na kamay sa pinto ng sasakyan ko. Hindi ko na magawang magpaalam kay Mary Anne dahil hinarangan na ni Axel ang view ko. Isa pa, naiilang din ako dahil alam kong hindi maganda ang mood niya. Mukhang mag-uusap nang masinsinan ang dalawa.
Pumasok ako sa loob ng aking sasakyan. Heavily tinted ang mga bintana kaya hindi nila ako basta-basta makikita sa loob. Nakita ko pang tumabi ang dalawa nang pinaandar ko na ang sasakyan.
Habang nasa biyahe tuloy ay hindi ko maiwasang maisip ang sitwasyon nilang dalawa. Pati ako saglit na namroblema kahit hindi naman ako involve sa kanila.
Nananakit ang aking balikat at leeg dahil sa maghapong nakaupo sa opisina. Natambakan ako ng papeles na puro lahat pipirmahan pa. Mabuti na lang at sabado na. Imbes na uuwi ako sa amin ay pinili kong bumisita sa clinic para sa derma at dadaan din sa spa para magpamasahe.
My phone beeps. Hindi ko maidilat ang aking mga mata dahil abala ang staff sa pagpapahid ng kung anong gel cream sa aking mukha. Hanggang sa kaninang message tone ay naging ring tone na.
"Sandali. Baka emergency," sabi ko sa staff kaya tinigil niya iyong pag-ma-massage sa aking mukha.
"Sure, Maam," anito at tumayo muna para patayin ang machine.
Pagsilip ko sa cellphone ko ay si Axel ang tumatawag. Kumunot ang noo ko. Akala ko kung sino na.
"Hello," bungad ko.
"Hi, Sofia. Nasa Batangas ako ngayon. Saan ka banda dito? Are you at home?" he asked.
Kumunot ang noo ko.
"Sa Lipa pero nasa SM City Lipa ako. Where are you exactly?" Napaahon ako. Mukhang pupuntahan pa niya ako. Para saan?
"Woah! Nandito rin ako. Binisita ko 'yong isang branch namin dito kaya naisip kita. Hindi kasi ako taga rito at naisip kong pumasyal sana."
"Sure. Nasa YSA clinic lang ako pero patapos na rin. You can wait for me here or ite-text na lang kita kapag nakalabas na ko. Let's meet," sabi ko.
"I'll go there para sabay na tayong umalis mamaya," aniya.
"Okay, sige."
"Bye!"
Pinatay ko ang cellphone at humiga ng maayos. Saan ko siya ipapasyal dito? May ganito rin naman sa Manila. He waited for fifteen minutes bago ako lumabas.
Axel was sitting comfortably in the lounge area. Pinagtitinginan siya nang mga babae dahil sa agaw pansin ang kanyang aura. Foreigner na foreigner kasi ang dating. He was wearing an aviators. Kahit nakasalamin ay alam mong gwapong lalaki siya. Even with a plain white polo, khaki shorts and brown loafers. Malakas pa rin ang kanyang dating.
Ngumiti agad siya ng makita ako. I smiled too and looked at the receptionist.
"Boyfriend mo, Maam?" Nakatingi niyang tanong. Tinampal pa siya sa balikat nang kasamahan nitong receptionist.
Mabilis akong umiling.
"Hindi. Kailan ang next schedule ko? Nakadalawang session na ako," tanong ko sa kanya habang inaayos ang pagkaka-zip ng Dior handbag ko.
"Next week po ulit, Maam. Every saturday po. Available slot na lang po is two pm onwards," aniya.
"Okay, I'll take the two pm slot," I said.
"Noted, Maam."
"Thank you," sabi ko at nilingon si Axel na nasa likod ko na pala.
"Thank you, Maam!" sabay pa na bati nila pero nang lingunin ko lahat kay Axel nakangiti at nakatingin.
Natawa na rin ako.
"I think you should say hi to them," biro ko kay Axel dahilan para matawa ito at balingan iyong dalawa na hindi na maalis-alis ang ngiti. Kinikilig na.
"Hi," Axel's deep tone of voice makes them go gaga.
I laughed.
"Hi, Sir!"
Humakbang na ako papunta sa pintuan. Sumunod si Axel sa akin. Nagkangitian pa kami bago lumabas sa clinic.
"So, kumain ka na ba? Saang branch ka galing?" I asked. Mayroon kasi sila dito sa SM. Hindi nawawalan ng Axel's Cucina sa malls.
"Malapit sa Hi-precision clinic. Hindi pa ako kumain ng lunch. Nagkape lang ako," sabi niya.
Tinignan ko siya at natawa ako.
"Galing ka na sa resto mo hindi ka nakakain doon?" I asked while smiling.
Ngumuso siya at umiwas ng tingin.
"I want something new. Araw-araw na akong kumakain sa sarili kong resto. Anyway, may pupuntahan ka pa ba?" he asked.
Huminto kami sa tabi ng escalator.
"Magpapa-massage sana ako."
"Sasamahan muna kita. Tapos ipasyal mo ko sa inyo. Uuwi rin ako..." aniya sabay sulyap sa wrist watch nitong suot, "mga bandang alas-singko."
"Matagal pa pala. I'll go to the spa na muna. Are you hungry?"
Umiling siya.
"Alright. Sa Hacienda na tayo kumain. Although hindi ganoon kalawak kumpara sa ibang Hacienda diro para sa pasyalan pero dadalhin kita para makita mo 'yong planta rin."
"That's cool!" aniya at halata ang excitement sa mata.
Sinamahan niya nga ako sa Spa. Pinagtitinginan agad kami pagpasok sa loob. Pagpasok ko sa room tinatanong na agad ako ng babae.
"Boyfriend mo, Maam? Ang gwapo po. Parang nasa Turskish drama. Mahilig pa naman ako manuod. Bagay na bagay po kayo," sabi niya dahilan para matawa ako.
"Hindi ko siya boyfriend," sabi ko habang sumasampa na sa kama.
Kinakausap pa niya ako habang naghihilot siya. One hour lang ang kinuha ko kasi nahihiya ako kay Axel na nag-aantay sa labas. Pagtapos ko ay hinanap ko siya.
"Ay si Sir po ba? Nasa loob din, Maam. Nagpapamasahe din po," sabi ng receptionist.
Napa-oh ako. Akala ko nag-aantay. Hindi rin nakatiis nagpamasahe na din.
"Patapos na rin po 'yon. Magkasabay lang kayo," sabi ng babaeng staff sa akin.
Wala pa ngang limang minuto ay nakita ko na siya. Nakikipag-unahan pa ko sa bayad pero ayaw niya. Ngumuso ako habang binabalik iyong card ko sa wallet. Natawa na lang siya sa akin.
"I'll pay because you'll be going to treat me to a nice lunch," sabi niya.
"Ganoon ba? I got a lot of debts na to you. Ilang free meal na ko. Nakakahiya," sabi ko habang naglalakad na kami palabas.
"Wala namang nagbibilang. Hindi ba tayo magkaibigan?"
Napatingin ako sa kanya.
"Even if friends. Nagsisingilan kami nila Stacy." Humagikgik ako.
"Ako kasi hindi pagdating sa.... kaibigan..." humina ang boses niya.
"Wow, generous," puna ko. Naglalakad na kami papunta sa parking at kanya-kanyang sasakyan ang gamit namin. Sinundan niya lang ako.
Kumpleto kami sa mansion. Hindi ko na nasabi kay Mommy na may bisita ako at isa sa dealer namin. Sumunod ang sasakyan ni Axel papasok sa loob ng malawak na entrance.
Huminto kami sa tapat ng malaking bahay. Lumapit agad ang guard sa akin. Pinagbuksan ako ng pinto.
"Magandang tanghali po, Maam."
"May bisita ako. Sina Mommy?" I asked.
Tumingin ako kay Axel na kababa lang mula sa pulang raptor nito.
"Nasa maze pa po, Maam. Nagkakayaan kasi sila Sir Shawn kanina at doon na nagpadala ng brunch."
Tumango ako at nilapitan si Axel.
"This is our mansion. Welcome to Hacienda Carillo. Tara pasok ka muna sa loob," yaya ko sa kanya. Pinapasadahan pa nito ang buong paligid.
Pagtapak ko pa lang sa sahig ng mansion ay humahangos na ang mayordoma nang mansyon papunta sa amin.
"Magandang tanghali, Senyorita! Sa iyo din po, Sir," sabi ni Manang at nginitian si Axel. Nagpabalik-balik ng tingin sa aming dalawa.
"Magandang tanghali po," sagot ni Axel.
"Pakitawagan sila Mommy, Manang. Pasabi na nandito ako at may bisita. What's our lunch pala? Naku, gutom na kami ng bisita ko," sabi ko at humagikgik.
"Mayroon, Senyorita. Sandali, ipapahanda ko agad kila Pinyang. Sandali lang po, ha?" anito at tinawag na iyong mga katulong namin para ipahanda ang pagkain sa lamesa.
Niyaya ko si Axel sa living area na muna habang nag-aantay.
"Yaya, drinks muna. Water sa akin, ikaw?" baling ko kay Axel.
"Water lang," aniya at umupo na sa sofa.
"Sige po, Senyorita," sagot nang katulong at nagmamadali ng tumalima.
"May Maze garden kasi kami dito. Doon sila Mommy nagpahatid ng pagkain kaya wala rito. Anyway, ipapasyal kita doon mamaya."
"Baka iligaw mo ko," sabi niya pero tinawanan ko lang.
Napasulyap ako sa mga katulong namin na napapatingin sa direksyon naming dalawa. Mga natataranta pa na pumunta sa kabilang hallway.
Umiinom na kami ng tubig nang ipatawag kami ni Manang at handa na raw ang sa dining.
"Papunta na raw po sila Senyora. Mainit na rin kasi doon kaya sakto pabalik na rin daw sila."
Tumango ako at napatingin kay Axel na tahimik lang sa aking tabi.
"Umupo ka muna," sabi ko sa kanya. May mga pagkain na sa ibabaw ng lamesa.
"Sandali lang at naiwan ko 'yong phone ko sa bag," paalam ko sa kanya at nagmamadaling pumunta sa living area. Hindi ko na inutos pa sa katulong kasi busy iyong dalawa sa pag-aasikaso sa lamesa.
"Yaya, padala nito sa kwarto ko," sabi ko sa katulong matapos kunin ang aking cellphone.
"Senyorita! Ang gwapo-gwapo naman ng boyfriend mo."
"Huy!" tulak sa kanya ng katulong din naming isa.
Nag-angat ako ng tingin at kumunot ang noo kay Yaya Rizza. Matagal na namin silang katulong. Mga tatlong taon na rin.
"Hindi ko boyfriend 'yon. Dealer namin 'yon," I laughed and shook my head while walking towards the dining area.