KABANATA 13

1503 Words
NABIGLA ako na tipong hindi ako agad nakapagsalita. He grinned while he started cleaning the kitchen. "I... I don't know what to say," sabi ko at napainom ng tubig pero napangiwi dahil maasim iyong nainom ko dahil may lemon. Napansin niya iyon kaya maagap itong kumuha ng baso at nagsalin ng malamig na tubig. Tinanggap ko 'yon at natahimik. "Kumain ka na. Hindi mo na na-critique ang bagong recipe ko," aniya at naghugas nang plato. Sinulyapan ako. Tumango ako. "O-okay..." I replied and tried to eat again. Naghuhugas na siya ng mga ginamit niya sa pagluluto nang mag-comment ako sa pasta niya. "Do you think so?" tanong niya nang sinabi kong masarap talaga at wala akong pangit na comment or may kulang sa lasa. Nakakahiya na sa tuwing nagkikita kami, palagi niya akong pinapakain. Hindi pa naman ako sanay na nililibre nang lalaki. Lalo na hindi naman kami. "Yeah, bakit? May pinapabago ba sila sa lasa?" I asked. Tinutukoy ko iyong iba niyang food taster. "Pinagawa nila ako ng less creamy and that's the result of their suggestion. Natatamisan at creamy masyado ang una kong gawa kaya binasawan ko. Approved naman, iyan na 'yong niluto ko," sabi niya at naghugas ng kamay na. Tumango ako. Kanina ko pa naiisip iyong sa asawa niya. I mean dati niyang asawa? Ano bang tawag? Asawa pa rin naman 'yon kasi sabi niya ongoing pa ang annulment case. Gusto kong malaman na kung may ideya ba siya na may alam ako. Nahihiya at hindi ko lang alam paano ko sisimulan. Lumapit siya sa akin. Patapos na rin ako sa pagkain. "I just uh... wanna ask," panimula ko. "Shoot," aniya at umupo bakanteng high stool sa harap ko. "Do you... uh, know that... uh... ano, pumupunta siya sa ESM?" I tried to look at his eyes but I can't take it any longer. Kinuha ko ang baso at uminom ng tubig. Hindi ako maka-focus. "Yeah, I do," he whispered, still looking at me intently. Para bang sinusuri akong mabuti. Tumango ako ng marahan. Hindi pa rin makatingin sa kanya. "Alam ko pero hindi na siya nagpupunta doon noong nalaman ko. You know it too... right?" aniya at tila sinadayang bitinin ang huling salita. Now that he mentioned it. I felt guilty. Hindi na ko lalo makatingin. "Oh, no. You don't have to feel guilty, Sofia. I understand. We're not friends, so I understand if you decide to keep quiet. Naisip ko rin na wala sa personality mo ang mangialam sa buhay ng iba. You are well raised... elegant and dignified woman." I pouted. Nahiya ako sa pagpuri niya sa akin bandang huli. "Alam ko, Axel. Tama ka. Pinili ko lang manahimik dahil hindi tayo close friend and ayoko makialam sa buhay ng ibang tao. But now that we usually together, naiisip ko din kahit papaano na ma-guilty. Sana sinabi ko na lang din. Naging concern ako." "No, Sofia. Tama lang ang ginawa mo. At kahit na sabihin mo man o hindi. Walang magbabago. Niloko niya ako. She chose to cheat and the worst thing is... she's pregnant. He got her pregnant." Namilog ang mga mata ko at awang ang aking bibig. Mas lalo akong nabigla kumpara sa kanina. Napailing na lang si Axel. Natatawa. Tinatawanan lang niya 'yong sitwasyon niya. Iyong niloko siya nang asawa niya. Na nabuntis nang iba? How can he be so calm? "Wait... how did you know that the baby is not yours?" Humalukipkip ako. Mas naging interesado ako sa kwento niya kaysa sa kwento nang mga kaibigan ko tungkol sa kanya. Hindi ako mahilig maki-usosyo pero hindi ko na napigilan. Bukod tangi si Axel na nakapagawa sa akin nang ganito. "Siya mismo nagsabi. Wala namang nangyari sa amin nang isang buwan at 'yong pagbubuntis niya halos pa-tatlong buwan na. How did it happened when we had just one s*x and that was last month? Two weeks bago ko nalaman ang lahat." Namula ang buong mukha ko dahil medyo bulgar sa akin iyong ibang nasabi niya. Hindi ako sanay makarinig nang salitang ganoon lalo na sa lalaki. "I'm sorry. Nabigla ka tuloy," sabi niya. I chuckled and waved my hand to signal him that it was okay. "So, hindi nga sa'yo. Oh my god. That's so shocking. Now I wonder what's her reason for cheating?" wala sa sarili kong tanong. Uminom ako ulit ng tubig. Nauhaw ako sa mga nalaman ko. Axel shrugged. "Maybe, I'm not enough." Natigilan ako sa kanya. Parang hindi ko maisip kung bakit hindi siya sapat. Natawa si Axel sa reaksyon ko. "Nakakabigla ba? Hindi kapani-paniwala? Na hindi ako sapat kaya niloko ako? You know, people are used to the idea that men are cheaters. According to the data, men are most likely to cheat than women. 20% men and 13% for women. And sadly... my ex-wife belongs to that 13%. Well, that's fine. Maybe we're really not meant for each other. Baka nagmadali lang din ako... kami... pareho. We thought that what we had for each other is true love. I mean, may pagmamahal na mababaw at hindi totoo. At iyon ang mayroon sa aming dalawa noon." Tumango ako na tila naintindihan ang sinabi niya. Nakakalungkot na makarinig nang ganitong kwento. Na may kasal na hindi naging matagumpay. Marami ngayon sa artista at mga kakilala ko na nagpakasal tapos naghiwalay din. After one? Two? Or three years? Parang ayoko na rin yatang maniwala sa kasal kung ganyan lang din ang aabutin ko. "Hindi na ba maayos? Like you know... maybe do you still love and care for each other? Nakakahinayang din kasi. Did you guys try to work it out?" I asked. Nawala na iyong hiya kong magtanong. Napakurap-kurap ako nang tinanggal nito ang suot na uniform. Medyo na-distract ako. Akala ko wala siyang panloob pero may puti siyang fitted shirt. Bakat pa nga iyong muscles sa dibdib. Umiwas ako ng tingin. "I don't deserve that kind of love, Sofia. I changed. I changed for her, and that's all I will get from her? I can't easily forget everything. Mahihirapan ako at malaki ang magbabago. Lalo na may anak siya sa iba. That's my dream. She knows my dream. I want a child. But she can't give it to me so quickly then suddenly she's pregnant with another man's child? If the true meaning of love is to forgive whatever bullshit your partner will do in life, then I don't wanna be in love. It's so unfair. f*****g unfair. The damage has been done. My love for her wasn't like before. The first year of our marriage life was happy pero habang tumatagal hindi na. Hindi na kami parehong masaya. Ramdam naming pareho 'yon pero pinili kong maging tapat. That's my vow. I will keep my promise but not to the point you'll make me stupid for the rest of my life." Hindi ako nakapagsalita. I got his point. Hindi kaya nang pride at ego niya na makipag-ayos na dahil sa ginawa ni Mary Anne at syempre iyong pagmamahal niya para sa dating asawa ay unti-unti nang nawala. Ang hirap nang sitwasyon. Kapag nagpakasal ka, nanumpa ka na sa hirap at ginhawa magkasama kayong dalawa. Kasalanan ba sa Diyos na matapos mong sumumpa ay hindi mo na gugustuhing ipagpatuloy pa na gawin iyon? Tatalikuran mo ang pangako mo sa Diyos? I don't like to sin. Kaya kung ako ang nasa sitwasyon niya. Hindi ko alam. Kung mananatili ako dahil sumumpa ako sa Diyos pero hindi ako masaya. Habang-buhay kong dala-dala iyong sakit. O, aalis ako. Hindi ko tutuparin ang sinumpaan ko pero masaya ako. May peace of mind at malaya. Gagaling sa sakit na dulot nang mapait na nakaraan. Hinatid niya ako hanggang sa aking sasakyan. Pero bago ako pumasok. Sinubukan kong tanungin si Axel. Kanina ko pa ito pinag-iisipang mabuti. "Axel, kanina ko pa gustong itanong ito. Uh, kasi you guys vowed to be with each other no matter what. Kay God, 'di ba? Sa tingin mo ba kapag hindi mo sinunod ang pangako mo o sinumpaan mo kay God magagalit siya sa'yo?" Natigilan si Axel sa tanong ko pero titig na titig siya sa akin. "Sofia, God made me see it. Siya ang dahilan at pinakita niya sa akin lahat ng ito dahil mahal niya ako. Ayaw niya akong masaktan dahil hindi niya ito gusto para sa akin. The love of God for us is unmeasurable. Hindi siya mapanghusga at hindi ibig sabihin na porket pinili kong tumalikod sa sumpaan namin ni Mary Anne ay hindi na ako tatanggapin sa langit," he smiled. Ngumuso ako. Nahiya ako bigla. "Huwag mo nang isipin ang failed marriage ko. Wala na tayong magagawa do'n. Pumasok ka na sa sasakyan mo kasi gabi na. Babiyahe ka pa pauwi sa Batangas," sabi niya sa akin. Marahan akong tumango. Napatingin ako sa paperbag na bitbit ko. May laman iyong carbonara. Niluto niya pala kanina tapos tinago para ibigay sa akin. "Axel?" Natigilan kaming dalawa dahil sa boses nang babae. Pagsilip ko sa bandang likodni Axel ay mukha ni Mary Anne ang aking nasilayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD