TUESDAY came at muntik na kong late na magising dahil umuwi ako sa mansion kagabi. Naglaro kaming magkakapatid nang games at may inuman dahil birthday ng isa naming Yaya kahapon.
I wore a long-sleeve satin green bow tie top paired with black trousers and stilleto. Bitbit ko ang Hermes top-handle bag. Nakasuot pa ako ng Gucci sunglasses bago sumakay sa aking sasakyan.
Kahapon ay tinawagan ako ni Axel para sa place kung saan kami magkikita. He has Axel's Cucina branch in Taal at sabi niya mas maganda ang view doon which I agreed. Although hindi ko pa na-try sa branch nila sa Taal ay alam ko namang maganda ang ambiance at presko ang hangin.
I winced when I saw his name on my phone screen. Axel is calling me.
"Hi! I'm already here," aniya matapos kong i-on ang speaker.
"Oh, wow. You're early. I'm still on my way," sabi ko habang tumitingin sa side mirror.
I heard him chuckle.
"Nasa Batangas na ako kanina pa kaya maaga. Are you driving?" he asked.
"Yup," I replied and looked straight on the road.
"Don't be in a hurry. I am willing to wait. See you here, Sofia. Bye," aniya.
"Bye!"
Namatay ang tawag. He's really approachable. Siya pa lagi ang kumokontak sa akin para sa meeting na ito. No wonder he's succesful. Masyadong hands-on sa negosyo.
Hiyang-hiya ako. Late ako ng five minutes. Tumayo siya ng makita ako. Napansin kong may inumin na siya sa lamesa.
"I'm sorry for making you wait. So nakakahiya sa first business meeting natin," sabi ko matapos kong lumapit sa kanya at pinag-usog niya pa ako ng upuan.
"No, don't feel guilty. I'm okay," aniya at natawa pa bago sumulyap sa manager at pinalapit sa amin.
"Let's order. Almost lunch time na rin naman," sabi niya sa akin at inabutan ako ng menu. Kabisado ko na nga kung anong nasa menu board pero tumingin pa rin ako. Hindi naman ako makaka-order ng favorite ko dahil iyong luto ni Axel ang gusto ko.
Habang nag-aantay ng orders ay nagkaroon na kami ng discussion. Hindi ako nahirapan magpaliwanag sa kanya at tila ba paglapag ko ng mga dokumento ay halata na sa mukha niyang sure na sure na siyang kami ang kukunin niyang supplier para sa resto niya.
"You prepared a contract, right? I'll sign."
Napaawang ang bibig ko. Ang bilis naman makubinsi ng lalaking ito. I smiled and looked at the waiter who was standing beside our table. Holding our foods.
Pinanuod namin siyang naglapag ng pagkain sa lamesa. Tsaka ako nagsalita nang matapos na.
"Yes, I have it prepared," sabi ko at inabot sa kanya ang folder na may contract. Nilapag niya iyon sa kabilang side at pinanuod ko siyang pumirma na.
"Aren't you going to read it?" manghang tanong ko.
I was a bit shocked that he was going to sign the contract. It's a five-year agreement at usually na nakakausap ko kino-consult sa company lawyer pero siya pumipirma na lang at binigay ang tiwala sa akin.
"You already discussed everything with me—no need to read this thoroughly."
Tumango ako at malawak na ngumiti sa kanya.
"Thank you for trusting us, Axel," sagot ko nang abutin ang mga dokumentong pinirmahan nito.
"My pleasure. Let's eat?" aniya at minuwestra ang pagkain.
Tumango ako at marahang kinuha ang spoon and fork. I ordered a rice meal. Hindi ako nag-almusal at gutom na rin talaga ako kaya okay na rin. Bawat subo ko ay nahuhuli ko talaga siyang nakatingin sa akin.
Sabi ko nga ay ayokong bigyan ng kahulugan ang mga tingin niya. Baka ganyan lang talaga siya.
"You didn't crave my pasta?" he asked while smiling.
Umiling ako.
"Hindi pa kasi binigyan mo ko nang baon, eh," I chuckled.
"Kapag gusto mo tawagan mo lang ako. By the way, I am planning to launch another recipe. Kaya lang gusto ko ng titikim. Can you be my taster?"
"Oh, really?" Natigil ako sa pagkain dahil sa sinabi niya.
He nodded. May kung ano sa mga mata niya na nakakapanghalina. Probably his thick eyelashes and deep blue eyes like an ocean. Masyadong nangungusap ang mga mata niya.
"I invited ten people to taste my new recipe. I need opinions before officially including it in the menu and releasing it to the public."
"Wow, sure! It's an honor to be your food taster. Kaya lang, I'm just curious. Why me?"
Natigilan ito sa sagot ko pero agad ding nakabawi. Ngumiti siya at uminom ng tubig.
"Why not you? You have the qualities. Although, I invited trained food tasters. What I need now to fill the last slot is a regular customer. I invented another pasta recipe. Naalala kita kaya, I thought it would be best to invite you too since kumakain ka rin sa resto ko at ikaw ang kaibigan na nakapansin nang pagkaka-iba ng luto kong carbonara sa sine-serve sa mga tao. My family new about it but my friends... they don't recognize the differences."
My mouth formed into a small circle O shape.
"God, I don't know that. But anyway, I'll come. It's my first time, and it sounds exciting!" sabi ko dahilan para humalakhak siya.
"I'll call you for the details," aniya.
Tumango ako at sumimsim ng tubig.
"Ngayong buwan ba?" I asked.
"Yup, this week."
Namilog ang mga mata ko.
"This week? Agad? Ang bilis!" I chuckled. Ibinaba ko ang baso sa lamesa at binalingan siya na nakatingin na sa malayo habang nakangisi.
"Mas maaga, mas maganda. Para mailabas na rin sa publiko."
Tumango-tango ako.
"I agree. Sige, pupunta ako."
It was a smooth business meeting we had. Umuwi na rin ako sa bahay pagkatapos dahil aalis na rin siya para lumuwas pa Manila. Madali lang pala kausap ang lalaking 'yon.
Naglalakad ako habang nag-i-inspect sa planta. Kasama ko ang quality inspector at nagpapaliwanag nang tumawag sa akin si Axel.
"Sandali, Mr. Roxas. I'll take this call muna."
"Sige po, Senyorita," sabi niya at tinalikuran ko na habang pinindot ang answer button.
"Hello?" Napangiwi ako sa ingay ng machine kaya nagmamadali akong naglakad palayo.
"Hi, Sofia! Sorry to disturb you. Medyo maingay. Tatawag na lang siguro ako mamaya. Wrong timing busy ka yata," sabi niya.
"Hindi naman. Nasa planta kasi ako. I have five minutes naman. Why ba?" Ngumiti ako sa ilang staff na napatingin sa akin at bumati.
"Uh, regarding the delivery. Gusto ko sanang mapaaga."
"Oh, okay. Walang nasabi sa akin si Francine. Sige sasabihin ko na lang din," sabi ko. Francine is my secretary.
Natahimik sa kabilang linya.
"Is there something else?" I asked and looked back. Naroon pa rin sa loob iyong inspector na kasama ko.
"Wala na. Iyon lang. Thank you for the time," aniya.
"No problem. Bye!" sabi ko.
Napakunot pa ang noo ko at napailing. P'wede naman niyang utusan ang secretary niya tungkol doon at secretary ko na din ang kausapin dahil meron na din naman ako. But then, I just shrugged it off. Siguro nga sobrang hands-on at metikuloso niya na tipong maliit na bagay ay siya ang umaasikaso.
It was Thursday night when I received a call from Axel.
"Hey, Axel!" bati ko at sinara ang pinto ng aking kwarto.
"Hi, Sofia. Sorry for calling you at this hour. I was so busy the whole day."
I frowned.
"Okay lang. Wala na rin naman akong ginagawa. What's with your call?" I asked while I turned on the aircon.
"About the food tasting. Are you free tomorrow?"
"Oh, yeah. Oo nga pala. I can make a time for you. Nasa Makati ako tomorrow. What time ba?" tanong ko at lumapit sa drawer para kunin ang remote at binuhay ang TV monitor.
"Five PM. I know you're a busy woman, so I plan to invite you after your office hours," he said.
"Wow, that was so thoughtful of you. Sige, I'll come tomorrow. Diyan pa rin naman sa main branch 'di ba?"
"Yes. I'll be expecting you tomorrow. Thank you, Sofia," he whispered.
His voice is too damn deep and rusty.
Huminga ako ng malalim. Axel's physical trait is now definitely my type but his civil status? Ayoko. Ayoko nang lalaking may sabit. I mean, kung p'wede naman ako sa single. No history nang kasal na sa iba o kahit annulled pa 'yan o hindi na nagsasama. Doon ako sa single talaga. I want a clean relationship without extra baggages or negative image na sa marriage.
There are a lot of men out there. Iyong katulad din niya na matangkad, lalaking-lalaki tignan, malaki at maganda ang katawan, successful in life. All I need is to wait.
So when Friday came, tumawag naman sila Stacy sa akin. Nasa Manila sila at nagyaya na lumabas kami.
"Hindi ako p'wede, Stacy. May lakad ako," sabi ko habang naglalakad na palabas nang school building.
"Aw, bad timing. Update na lang sa GC, ha? Take care, Sofy! Bye!"
The call ended. Tunog ng tunog ang cellphone ko sa chat nila Megan at Cassy sa GC pero hindi na ko nakisali at nakibasa.
"This way, Maam Sofia," sabi sa akin ng manager at minuwestra ang VIP room.
Pagdating ko ay walang tao.
"Nasaan si Axel? I thought may iba akong kasama?" tanong ko sa Manager.
"Pababa pa lang po si Boss, Maam," sabi niya at minuwestra ang upuan.
"But where are the other food tasters?" I asked.
"I have no idea, Maam. Let's wait for Boss na lang po. I'll get your drink po muna," aniya.
Tumango ako at hindi na lang nagsalita. Sinilip ko na iyong phone ko habang nag-aantay. Wala pang limang minuto ay bumukas ang pinto at pumasok si Axel. Naka-suot pa ng chef uniform, apron and hat.
"Sorry, katatapos lang ng meeting," sabi niya at sinilip ang relo.
Dumating ang manager bitbit ang drinks and snacks.
"Are you hungry? You can eat first while I'm cooking," aniya.
Umiling ako.
"Baka hindi ko masyadong ma-critique ang luto mo kung kakain na ako. It's better to taste your recipe first before I'll eat another food," sagot ko.
"Yes, good point. But if you're hungry, you can eat. I'll serve you a palate cleanser later."
"I'm still full. Don't worry about me," I smiled.
Tumango ito at binalingan ang Manager.
"Get all these food and transfer to the kitchen. Sasama siya sa akin sa loob," utos ni Axel na dahilan para mamilog ang mata ko.
"Wait, sasama ako sa'yo diyan?" sabi ko at tinuro ang malawak nitong kusina.
"Yes, para makita mo nang mas maigi kung paano ko hinahanda ang pagkain," sabi niya at ngumisi.
Napangiti na rin ako. I can't remember the last time I got so excited to see someone cooking. Like it's my first time to watch na sobrang lapit ko.
Umupo ako sa high stool. Lumapit na sa lalagyan ng kutsilyo si Axel. Nag-angat pa siya ng tingin sa akin at ngumiti. I smiled too. Napalingon ako sa likod ng sumara ang pinto.
Pinasadahan ko ang buong kitchen niya. Malinis, maayos ang mga gamit, malaki at mabango. Stainless iyong sa lababo and mahabang lamesa. All his machines are branded. Rusty ang interior lang ng kitchen dahil sa bricks wall niya and ang lights are quite dim kanina. Binuksan lang niya iyong malaking ilaw kaya sobrang liwanag na.
"You can eat that. My pasta will be ready after thirty to forty minutes."
Tumango ako.
"Nasaan ang ibang kasama ko? Ako lang mag-isa?" I asked. Paano kasi sarado na ang pinto. That means kami lang dalawa dito? Ako lang ang titikim ng niluto niya?
"We had per batch. Natapos na kaninang umaga. Nagpa-schedule sila nang umaga lahat."
"Oh, really? You didn't mention anything to me," sabi ko at nag-cross legs.
Nasa harap ko ay cake and ice tea.
"Hindi na kita sinabihan kasi ayoko rin maistorbo ang trabaho mo. P'wede naman na hapon."
Tumango ako at nagpangalumbaba na lang habang pinapanuod siyang nagluluto.
"How was your day?" he asked while chopping the ingredients.
"Quite tiring," I chuckled.
Tumingin siya sa akin bago muling pinagpatuloy ang paghihiwa nang rekados.
"Old routine makes you tired, huh?" he asked.
"Yeah... but I will still choose it over and over again because having my own school is my dream."
Natigil ito sa ginagawa at nag-angat ng tingin.
"Why?" Ngumiti ako habang ito ay titig na titig na siya sa akin.
"Teaching is your passion," he said as if he was sure that was my answer.
I nodded.
"Gusto ko talaga. I know what's your question next. Kung bakit hindi ako naging license teacher or nagtuturo sa private or public school?"
Nagbaba ito ng tingin at ngumisi. Nagpatuloy sa ginagawa.
"Yeah," he said.
"Well, typical rich daughter problem. Kaya ako kumuha ng business course but end up teaching pa rin kasi gusto ko talaga magturo but this time 'yong tingin ko na something na connected sa akin. That's why I push din na magkaroon ng school. Hindi ko pa rin iniwan ang business ko kahit na full-time na ko sa negosyo namin. I hope I answer your questions well," I chuckled. Umayos ako ng upo at kinuha ang ice tea.
Nanunuod pa rin sa kanya habang sumisimsim sa straw.
"Yes, thank you," he whispered and looked at me. Ngumiti siya sa akin.
"You can share some stories while I'm cooking," he said while turning on the stove.
"What kind of pasta ba you are trying to cook?" tanong ko habang nagi-scoop ng marahan sa cake gamit ang kutsarita.
"Baby squid pasta," he said.
Tumango ako at ninanamnam ang chocolate cake na sinubo ko.
Nagkwentuhan kami ni Axel habang nagluluto siya. Somehow, hindi ako nakaramdam nang boring. Na-realize ko na sa tuwing nakakausap ko siya. Hindi ko 'yon nararamdaman. Palagi kaming may topic. No dead air.
Ibinaba ni Axel ang hat niya matapos na ilapag sa harap ko ang isang plate na may laman nang baby squid pasta.
"I'm gonna put some parmesan cheese... and on top of that is... parsley," sabi niya matapos ilagay iyon pasta ko.
Tuwid na tuwid ang upo ko nang umikot si Axel sa banda ko. Natigilan ako bigla. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang tumabi siya sa akin.
Binagsak ko ang mga mata sa plato. Nakaramdam ako ng excitement dahil sa presentation at amoy ng pasta niya na niluto niya. Hahawakan ko na sana ang fork kaya lang nauna si Axel. Tinusok niya agad sa pasta.
Natigilan ako at napakurap-kurap. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong sobrang lapit na nang upuan niya sa akin. Mas tumindi ang paghuhurumentado ng puso ko. Tila ba nakikipagkarerahan sa kabayo.
"What are you... doing?" halos hirap kong sabi.
Pinapanuod ko siyang iniikot ang fork para makakuha ng noodles. Napatingin ako sa likod. Kung saan ang VIP room. Sarado naman ang pinto.
"They say that the food is tastier when someone feeds you," aniya at pareho kaming nakatitig sa inangat niyang tinidor na may pasta.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Halos hindi ako makapagsalita. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Tila ba na-magnet na. Kung malakas ang pandinig niya malamang ay maririnig niya ang matindi kong kaba.
Ibinuka ko ang bibig para magsalita pero walang ibang lumabas doon. Napatingin ako sa tinidor at kamay nitong handang nakasalo na sa pasta na nasa tinidor kung sakaling mahulog. Nakaabang na sa aking bibig.
Nag-init ang buong mukha ko at umiwas ng tingin nang ibinuka ko ang aking bibig. Mabilis kong tinikom ang bibig nang ipinasok niya na ang tinidor sa loob ng aking bibig.
"How was it?" he asked. Kumuha siya ng tissue at inabot sa akin.
Tumango-tango ako. Totoong masarap pero hindi ako makapag-focus ng maayos dahil naghuhurumentado ang dibdib ko dahil sa sobrang lapit niya. Amoy na amoy ko nga ang pabango niya.
"Masarap," tangi kong nasagot at tinanggap ang tissue.
He chuckled. Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo siya at umikot ulit at kumuha ng tasa.
"Sa sobrang excited ko na matikman mo ang luto ko, nakalimutan ko 'tong i-serve sa'yo," aniya at nakita kong naglagay siya ng tubig at nang-squeeze ng kaunting lemon.
Tipid akong ngumiti. Hindi maalis sa utak ko 'yong eksena kanina. Para bang naiwan ako sa moment na 'yon. Hirap akong maproseso.
"Here, drink this," aniya at nilapag sa harap ko ang tubig.
Tahimik kong tinanggap iyon at doon lang ako nakatitig. Ayoko nang tignan ang mukha niya dahil alam kong pulang-pula ang pisngi ko.
"She cheated."
Natigil ang balak kong pag-inom. Nakadikit na ang tasa sa aking labi pero agad din akong nakabawi. Siguro... siguro naman, alam niya na minsan nang pumunta ang asawa niya at ang lalaki nito sa school ko. May alam ako pero hindi ko sinabi sa kanya. Hinayaan ko siyang magmukhang tanga.
Marahan kong ibinaba ang tasa. Kahit na natataranta at nagkakabuhol-buhol ang mga salita sa aking utak ay pinili kong maging kalmado sa labas. Aral pa rin ang bawat kilos at hindi magsasalita nang hindi ko napag-isipang mabuti.
Nakatukod ang magkabilang-palad ni Axel sa island counter. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Sinubukan kong basahin kung anong laman ng utak niya pero bigo ako. Masyadong misteryoso. Mahirap basahin. Hindi ko alam kung nasasaktan pa ba siya dahil mahal niya si Mary Anne o hindi na.
I tried to open my mouth but failed to say any words... again.
Binagsak ko ang mga mata sa pasta at sinikap na maging kalmado habang iniikot ang tinidor sa pasta.
"She's been with this guy for four months already. She cheated me for a long time, and I didn't... know."
Huminga ako ng malalim. I don't know why suddenly he open it up to me. Siguro, he found me a trusty person or comfortable na siya to say these things to me. Maybe din na wala siyang napagsasabihan.
Ibinaba ko ang pasta. Ang pangit kumain nang nagkukwento nang pagkasawi sa pag-ibig ang kasama mo.
"Sorry, I don't want to ruin your mood to eat," he chuckled. Lumayo siya sa island counter at tinanggal ang apron.
"How did you know?"
Matagal bago ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Kung dapat ba na magpanggap akong ngayon ko lang ito narinig o sasabihin ko na may alam ako.
Sa huli, pinili kong itanong kung paano niya nalaman iyon.
"A friend told me, and I saw it with my two eyes, Sofia. She's cheating on me for a top networking agent."
My jaw dropped when I heard his revelation.