NAGHAGIKGIKAN ang mga katulong nang ilabas isa-isa ang mga regalo galing sa malaking box. Nakahalukipkip ang isa kong kamay habang ang isa ay nasa aking bibig—nakatakip.
"Senyorita, mukhang pangkabuhayan showcase ang regalo mo! Kumpleto na po sa gamit. May mga pinggan, utensils, airfryer..." sabi ni Manang.
"At puro ginto! Pupunuin ka sa ginto, Senyorita," sabad naman nang isa naming katulong.
Napailing ako. Until now, I don't know who's the sender. I got a feeling it's from Rix. Kasi siya 'yong huling nagpadala sa akin, but he didn't reach out to me yet.
Nagulat ako sa mga pinadala. Puro gamit sa bahay. Hindi ko alam kung matatawa ako o mata-touch sa regalo.
"I'll take a bath. Kayo nang bahala dito," utos ko.
Baka naman kay Cassy galing, kasi sabi niya before. Isusunod niya ang regalo niya for me. Natapos na kong maligo at magbihis ay nag-aayos pa rin sila ng mga regalo ko. This time, iba namang regalo ang binubuksan nila at nililigpit.
"So, what's inside the big box? Talagang appliances mga laman?" I chuckled. Kapag naiisip ko na iyon ang regalo sa akin ay hindi ko maiwasang matawa. I appreciate the gift. It's very useful. Ngayon lang ako nakatanggap nang ganoon kadami na pakiramdam ko ikinasal ako kahapon.
"Opo, Senyorita. Baka po akala niya ikinasal ka na. Wedding gift po pala ito, hindi birthday gift." Humagikgik si Manang.
Napailing na lang ako at kinuha ang ibang regalo para tulungan silang ilagay sa tabi. Ang iba kasi ay iiwan at ang iba ay dadalhin ko sa condo.
Nakiusisa pa si Mommy sa mga regalo at kinakantyawan ako sa binigay sa aking mga gamit sa bahay.
"Hindi ko kilala. I swear," sabi ko sa kanya habang kinukuha ko na iyong gamit ko.
Uuwi rin ako sa condo ngayon dahil may pasok ako bukas.
"Nakakatuwa kasi may mga gamit ka na sa bagong bahay. You're planning pa naman na bumili ng bahay hindi ba? That's perfect for you. Less gastos." Humagikgik si Mommy.
"Sofia, consider handling our business. Tumatanda na ako. Hindi ko na maantay si Selena," singit ni Daddy habang nakahalukipkip.
"Dad, hindi ko p'wedeng pabayaan ang school. May mga empleyado nang umaasa sa akin."
"Like how many? Sofia, makakahanap pa sila ng trabaho. Give their severance pay—"
"Bakit hindi na lang si Shawn," I cut him off. Naglakad ako palapit sa kanya. Si Mommy nakikinig na lang sa amin.
Paulit-ulit kami sa ganito. Sa tuwing uuwi ako sa amin, bukambibig ni Daddy ang sugar plantation.
"We both know he's irresponsible."
Napangiwi ako.
"Hindi siya makakahanap ng trabaho at magiging license engineer kung hindi siya magaling," sabi ko at sinabayan nila akong lumabas sa kwarto.
"Anak, ikaw ang nakikita kong kayang humawak nang negosyo. If you don't want to handle the business, at least marry a businessman. I will set a date for you and Jeremy."
"Enrique, hayaan mo na ang anak mo. Kaya mo pa 'yan. Isang taon na lang p'wede mo nang ipagkatiwala kay Selena ang negosyo at mag-retire ka na. Your Dad really wants to retire, Sofy." Napapailing na sabi ni Mommy.
Ngumuso ako. Pagod na siya sa pagtatrabaho at ang gusto ay i-enjoy ang buhay. Kaya naman niya, but the problem is. Hindi pa dahil ako ang gusto niyang humawak. May mga posisyon namang p'wede sa mga kapatid ko kaya lang mga hindi nila gusto talaga ang negosyo. Si Selena lang ang may chance dahil sumusunod siya sa kung anong sinasabi ni Mommy at Daddy.
"Kaunti na lang, Daddy. Antayin mo na si Selena."
Hindi niya ako napilit. Ulit.
Pagdating ko sa condo tsaka ko nasilip ang phone at kumunot ang noo sa numerong hindi pamilyar sa akin. Kinabahan akong kaunti nang makitang si Rix iyon.
Hi, Sofy! This is Rix. I got your number from Marcus. I hope you won't get mad at me for getting your number. I really want to reach out to you—belated happy birthday. I am sorry for not putting any letter in the big box I sent you for your birthday. Sana nagustuhan mo.
Sabi ko na nga ba siya. Kung sino-sino na ang pinaghinalaan ko. Nag-message pa ko kay Cassy na baka sa kanya galing at pina-prank ako. Iyon pala kay Rix talaga galing.
Hindi ko na na-reply-an dahil sa tawag ni Cassy sa akin.
"Wait, I'll change clothes muna. Kauuwi ko lang sa condo!" sabi ko habang naka-video call kami.
"Okay," she answered. Nakita kong nasa labas siya at kumakain. Maliwanag sa background niya at gabi naman na dito sa Pinas.
"I'll call you back na lang. Hindi ko kaya, malagkit!" sabi ko kaya kahit hindi na siya sumagot sa sinabi ko ay pinatay ko na ang tawag niya.
"Let's see each other on Wednesday. Mapapaaga ang uwi ko. Sunduin mo ko, Sofy," sabi ni Cassy na akala mo driver niya lang ako kung maka-demand.
"Busy ako," I rolled my eyes. Kumuha ako ng slice ng apple at kumain habang nasa harap ng camera.
She pouted.
"You have favoritism, ha? Si Stacy, sinundo mo. Ako hindi. Wala sila Kuya pag-uwi ko."
"You have a boyfriend. Sa kanya ka magpasundo," biro ko. Natatawa na ako sa reaksyon niya.
"Are you bullying me?" She rolled her eyes.
I burst out laughing.
"Sige na. Susunduin na. Nagyaya din si Megan. How about Stacy?" I asked.
"She will stay in Milan for another two weeks. Iyon ang nasabi niya."
Tumango ako at uminom ng orange juice.
"So, it's just the three of us. Okay..." Nag-usap pa kami tungkol sa kung anong oras ang flight niya at kung ano-ano pa.
"She dropped her class," sabi ni Teacher Elle.
I remained silent. Nakutuban ako sa kung anong dahilan pero pinili kong manahimik.
"Hindi ko na nga nakita kahapon. Sinundo 'yong kapatid. Anyway, iyong si Becca. She's the daughter pala ni Senator Lacsamana."
Umalis ako sa pantry habang nag-uusap pa rin sila. Ganito ang ganap sa pantry kapag snack break.
I frowned when I saw my phone blinking. Someone is calling me. I realized it's Rix. Naalala ko 'yong last number niya at hindi ko na nagawang reply-an noong nakaraang araw.
"Hello," bungad ko. Natigil ako sa pagtitipa sa laptop dahil sa tawag niya.
Hindi muna nagsalita sa kabilang linya. Tumikhim muna ito bago ko narinig ang pamilyar niyang boses.
"Hi!"
Tumaas ang kilay ko. I feel him weird. Normal naman talaga iyon dahil bigla-bigla na lang niya akong kokontakin.
"Uh, this is Rix. Sofia?" he sounded skeptical.
"Yes. I got your gift. Thank you," I said.
He chuckled.
"Do you like it?" he murmured.
"I appreciate it, Rix. I like all my gifts naman. But why are you sending me gifts and flowers these past few days? And now you are calling me? What's with this paandar?" I asked.
"Sofy, maybe... maybe we can give it a try? For the second time? Uh, I heard you're still single. Ako rin! I broke up two months ago. Alam kong nakakagulat pero after we broke up. Naiisip pa rin kita. I didn't pursue you again because I know you have plans, and you're very dedicated to it at hindi naman ako kasama doon. Maybe... This is a perfect time, Sofy. Can I court you... again?" paputol-putol niyang sabi.
Umangat ang kabilang kilay ko sa deklarasyon niya pero natatawa ako dahil humurous iyon para sa akin. Para kasing sa tinagal, bigla-bigla mo akong sasabihan ng ganyan. For me, it's not convincing. For me, it's like... you just don't have option lang. Not sincere.
"I'm sorry, Rix. I am not ready for any commitment. Hindi ako tumatanggap pa ng manliligaw sa ngayon, eh. That's uh... not my priority pa," sabi ko agad sa kanya. Natahimik ang kabilang linya pero agad ding nakabawi.
"Well, kung ayaw mo pa talaga. Maybe... maybe we can be friends? Can you accept me on your socmed accounts?"
Nanliit ang mga mata ko. Alam ko na kung anong kasunod nito kapag ganyan na ang sinasabi niya. Nahihiya naman akong i-turn down kung talagang friends lang naman ang pakay niya na dahil sinabi kong ayaw ko pa ng manliligaw.
"Sure pero hindi ako active din sa socmed. But, I'll accept you for sure."
Narinig kong nakahinga ito ng maluwag.
"That's still good to hear. Thank you, Sofy," he whispered.
"Thank you sa gifts, Rix. I like it. I need to end this call na rin. Nasa work kasi ako... thank you ulit," sabi ko. Nagpasalamat muna ito bago pinatay ang tawag.
I already had an idea pero iba pa rin kapag narinig ko na mismo sa bibig niya. Na may balak nga siyang manligaw sa akin. Pag-uwi ko sa condo, nakita ko na ngang in-add niya talaga ako. I keep my promise.
There's no harm naman. Friends lang daw at wala akong plans talaga to entertain him. The moment I clicked accept. Sunod-sunod na ang pag-like, at heart niya sa mga post ko. Lalo na sa mga photos. Mga luma naman. Hindi ako mahilig mag-post. The latest post I had was a three weeks ago.
Nakita ko na agad ang pangalan ni Rix sa inbox. Hindi ko na binuksan. Alam ko naman he's trying to strike a conversation. Tapos ano? Friends na mauuwi sa panliligaw. Um-oo lang ako sa pag-accept sa kanya sa socmed accounts ko pero it doesn't mean I'll chat or reply to him palagi.
Months have passed, mas dumami ang enrollees namin. Nagdagdag ako ng teacher dahil effective ang campaign and ads namin. Ito 'yong career na gusto ko. Na unti-unti ko nang nararamdaman ang pag-angat ng negosyo ko. Before, pumupunta pa ako sa bahay nang mga students ko.
Ngayon, sila na ang pumupunta sa akin kahit pa na VIP.
"Your Dad is sick. Come home, anak. Give up your career and handle the Hacienda this time. Hindi ako nangungulit noon, Sofia. Ngayon lang. Your Dad wants you to take over our business. Ikaw ang panganay at nakikita niya ang potential sa'yo, Sofia. Alam niyang nasa mabuting kamay ang negosyo kung ikaw ang hahawak."
"M-mom... nakikilala na ang negosyo ko. Hindi ko basta-basta bibitiwan 'to."
"Kahit na ganito? Na-o-hospital na ang Daddy mo at dina-dialysis?"
Napapikit ako ng mariin. Dad can't no longer work because of kidney failure. Three times a week ang dialysis niya. I love my Dad. Ayoko na magkasakit siya at nag-aalala ako sa status niya ngayon pero mahal ko ang negosyo ko. Na pinaghirapan kong buuin at ngayon nakikilala na nang mga tao. Malapit na ko sa taas pero ngayon... mukhang bibitiwan ko pa.
Huminto na rin si Shawn sa trabaho nito para tumulong sa akin. Si Seth ay tine-train na rin para kaming magkakapatid ang magkakasama rin sa pagpapatakbo ng sugar plantation.
Ako, hindi ko binitiwan ang Etiquette School of Manila. Kung mapagsasabay ko. Gagawin ko. Ayokong bitiwan ang negosyong ako mismo ang nagpakahirap na bumuo.
Naging Batangas na tuloy ang present address ko. Once a week akong pumapasyal sa Makati para lang tingnan kung anong nangyayari sa school. I bought a house in Batangas. Galing iyon sa ipon ko.
"Cheers!" Humalakhak ako nang maitaas ang aking baso.
It's Cassy's birthday. Present kaming apat at nagpa-yacht party si Cassy. Maraming invited. Sabi ko nasa stage na ako na gusto ko na lang intimate pero ang mga kaibigan ko hindi pa. I'm not KJ so sasama ako sa kanila. I thought I need a break din. Kung busy ako noon na hawak ko lang ay iyong school. Mas lalo na ngayon. Na kahit sabado, iniintindi ko ang trabaho.
I'm still familiarizing our business. Kaya mahirap pa sa akin. Nag-a-adjust pa rin ako. Kaya ngayong gabi, iinom ako ng marami. I want to have fun! Kasi bukas, o sa susunod na araw, hindi ko na 'to magagawa. Subsob na ko sa trabaho. Pinili ko 'to. Kakayanin ko.
"Happy birthday, Cassy!" I hugged her tightly.
It's ten in the evening at naka-kalahating oras na rin kami sa yacht. Gabi niya naisip i-celebrate ang birthday niya dahil gusto niyang maypa-fireworks pa.
Nagsimula na kami sa buffet dining. Ang ingay-ingay sa yate dahil sa pop music. Nagsasayawan na nga ang iba. She rented a big yacht for her birthday. Parang gusto ring full blast celebration since broken hearted siya. Si Stacy at Megan lang ang masaya sa lovelife. Ako? It's not my problem. Ang pagod at sabay-sabay na trabaho ang dinadaing ko.
I should be grateful, alright. I am proud of myself for handling all these and that. I am grateful naman. It's just that, a part of me is not contented. Hindi ako naghahangad pa nang mas maraming pera o mas maraming negosyo. Ang gusto ko sa buhay iyong magawa ko ang passion ko.
Kaya pinagsasabay ko. I would still sometimes teach. Kahit isang oras sa isang linggo. Mas naging perfectionist at iritable nga ako sabi nang mga kasamahan ko.
"I want a new one, thank you."
Binalik ko sa waiter iyong baso na inabot sa akin. Gusto ko nang bago dahil naamoy ko pa 'yong dishwashing liquid doon. Kung katulad lang ako ng iba. Malamang ay inaway na ang staff at pinatawag na ang manager nila.
This is an expensive party. Everyone here is rich. Hindi p'wedeng papalpak ka pagdating sa gamit dahil nakakahiya. But I don't want to make this a big deal.
"Thanks," I smiled as the waiter handed me the new glass cup.
"You made it! Akala ko hindi ka makakarating! Oh, hi!"
Nilingon ko ang banda nila Cassy at nakita kong kasasampa lang nang bagong dating niyang bisita. Mga models din ang bisita niya pero nahagip nang paningin ko ang tila ba pamilyar sa aking mga mata.
"What is he doing here?" bulong ko sa sarili habang naglalakad na palapit sa lamesa nila Megan. Nagtatawanan na sila ni Stacy at hindi napansin ang bagong dating.
"Are they close friends na?" I asked Stacy—pointing out to Axel, who was talking to Cassy together with the three arrival guests.
"Oh, he's here! Oo, Sofy. Axel helped her to be in Winter fashion week in L.A this December."
Napa-Oh ang aking bibig.
"Is she going to celebrate Christmas abroad? How about our vacation?" I asked. Tinusok ko ng tinidor ang hiniwa kong asparagus bago sinubo.
"I don't know. Let's ask her later. Nasabi niya lang sa akin kahapon. Hindi kami nakapag-usa ng maayos because I was busy.
"Stop it!" Megan giggled.
Napatingin kami sa kanya at napairap na lang ako dahil sa kalandian nila ng boyfriend niya. He's happily in love with her Aussie boyfriend. Si Stacy naman ay boyfriend pa rin si Sandler—na ngayon kausap nila Cassy at Axel.
Pagdating nang bagong bisita ni Cassy alam mo agad na businessman sila. Mga naka suit pa kasi. Masyadong pormal. Mukhang kagagaling lang lahat nila sa opisina. Sila lang ang naiiba.
Naituro ni Sandler ang direksyon namin habang natatawa pa ito at katabi na si Axel. Mabilis kong binagsak ang mga mata sa sarili kong plato. I don't know kung bakit bigla akong na-conscious.
"I think he moved on. Mukha naman siyang masaya. Nakakangiti siya," bulong ni Stacy.
I shrugged. Nagpatuloy ako sa pagsubo. Narinig ko na ang boses nila Cassy na papalapit na sa amin.
"You can join us at our table," sabi ni Cassy sa tatlong bagong dating.
"I'll walk you to the buffet table," dinig kong sabi ni Sandler. Napatingin ako sa kanya. Mula sa gilid ng aking mga mata ay alam kong nakatitig na sa akin si Axel. Napatingin na ako sa kanya at ngumiti bilang pagbati. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya dahil tinabunan nang katawan ni Sandler at niyaya na ang mga ito sa buffet table.
"Get a room! Kanina pa kayo, ha?" masungit na sabi ni Stacy pero tinawanan lang ni Megan at nabulungan pa sila ng boyfriend niyang si Jack.
Cassy chuckled. Kinakausap siya kanina nang isang bisita nito kaya hindi kami makausap. Kaya nang umalis na ay tsaka kami binalingan.
"Sa una lang 'yan masaya," sabi ni Cassy.
Natawa na rin ako.
"Base from experience?" I asked while grinning. Hawak ko na ang wine glass sa aking kanang kamay.
Cassy shrugged. Natawa na lang din si Stacy.
"Stop being ampalaya!" reklamo ni Megan na tinawanan lang din namin. Hindi naman 'yan mapipikon dahil magkaka-ibigan kami. Sanay na.
"What's ampalaya, babe?" Jack asked.
Nagpaliwanag pa tuloy si Megan sa boyfriend niya tungkol sa sinabi niya. Tinawag naman si Cassy nang ibang bisita nito kaya kami ulit ang naiwan. Nag-angat ako ng tingin sa aking katabi.
"Can I sit here?" Axel asked—looking at the seat beside me. May hawak pa siyang plato.
"Sure!" Napatango ako at binalingan ang sariling pagkain. Naramdaman ko na iyong pag-upo niya sa aking tabi. Binati pa siya nila Megan at Stacy habang ako ay nakikinig lang sa tabi.
"I am thinking of expanding my business in Cebu..."
Nagsimula na silang mag-usap tungkol sa negosyo. Tahimik lang akong kumakain pero nang pasimple kong pinasadahan ang mga kasama ko sa table. May kanya-kanya silang kausap. Si Megan sa boyfriend niya. Si Stacy kay Sandler. Iyong tatlo na bagong dating sila-sila nag-uusap sa negosyo. Paminsan-minsan nakikisali si Sandler.
Sumimsim ako ng wine. Napatingin ako sa katabi ko na sinisimulan nang galawin ang pagkain niya. Napaiwas pa ako agad ng tingin nang mabilis siyang napasulyap sa akin.
I heard him chuckle. Hindi man siya nagsalita pero ramdam kong pinapanuod niya ang galaw ko. Kaya mas lalo akong na-conscious.
"You like carbonara."
"Huh?" Napasulyap na ako sa kanya. Nakatingin ito sa plato ko sabay bagsak sa mga mata ko.
"Ah..." sagot ko sabay tawa nang mahina.
"How did you know?" I asked. Nagpahid ako nang dumi sa gilid ng aking labi habang kausap siya.
"I saw you one time in a resto. You are smiling while eating that pasta," sabi niya.
"Saan?"
"Sa may Finestra Italian Steakhouse in Solaire. Hindi na ko lumapit. I guess you were with your boyfriend that time."
"Boyfriend? When was that?" I frowned. Inaalala ko kung kailan ako kumain sa Solaire."
Napangisi ito at hinawa ang steak habang nagsasalita. Ako naman itong nakatitig na sa ginagawa nito sa pagkain.
"Last year," aniya.
"Oh, yeah. I'm with my ex," sagot ko dahilan para mapangisi ito lalo.
Binaling ko ang mga mata sa wine glass at uminom saglit. Naiilang ako na katabi siya. We're not close, alright. At naalala ko pa na naiirita ako sa kanila ni Mary Anne noon pero hindi naman na ngayon.
"Ex..." sambit nito kaya napasulyap ulit ako sa kanya. Binalingan niya ako.
"You should visit my restaurant in Makati. At least try my carbonara recipe. The authentic carbonara has no cream, yet it is still tasty. It's one of our best sellers," aniya at sumubo ng steak.
Axel owns a resto that has multiple branches in the country.
"Wow, thank you. I'll visit your resto if I have time," sabi ko sa kanya. Napatingin ako sa adam's apple nito. Masyadong matulis. Umakyat-baba nang lumunok ito. Napabaling ako kay Stacy na parang asong nakangisi sa amin.
"You're in Makati, right? I heard na nagtayo ka ng school. Cassy mentioned it to me," sabi niya dahilan para makuha nito ulit ang atensyon ko.
"Uh, yeah..." tangi kong nasagot. Binagsak ko ang mga mata sa wine glass na hawak ko. Hindi ako makakain na kahit na gusto ko 'yong nakahain. Para bang nahihirapan akong lunukin iyon.
Biglang sumagi sa isip ko 'yong tungkol sa asawa niya. Na nagpupunta ito sa school ko kasama nang kabit nito. Tapos hindi ko man lang nabanggit sa kanya. Siguro... siguro may ideya siya na sa school ko nagkakasama ang dalawa.
"That's nice. Teaching is your passion too?" Axel asked.
Saglit akong natigilan. Naalala ko kasi ang ex niya na teacher din. Tumango na lang ako. Hindi siya sumagot pero nagpatuloy sa pagkain. Tsaka ko nagalaw ang pagkain ko nang kinausap siya nang katabi niya.
Dumating din si Cassy para makisali sa amin. Hanggang sa nagsimula nang mag-inom ang lahat. Nakailang shots din ako at nakaramdam na nang pagkahilo at kalasingan.
"Happy birthday, Cassy!" I laughed.
"You're drunk!" puna ni Megan.
Namumungay na ang mga mata ko habang nakatingin sa kalangitan. Hindi ako maingay na tao pero lumalabas siya kapag nakainom na ko.
"I can handle myself, relax," bulong ko at humagikgik.
Nahawakan na ako ni Sandler sa braso dahil mukha akong masusobsob na sa sahig.
"Oh, f**k! Tell them to stop this f*****g yacht! It's moving!" reklamo ko.
"Sofy, hindi umandar ang yate. Talagang gumagalaw 'yan kasi nasa tubig," bulong ni Cassy at inalalayan ako sa sofa.
I crossed my legs at fold my arms. Nakatitig ako sa sahig.
"You wanna go home? Ihahatid ka namin ni Jack," Megan offered.
Ipinikit ko ang mga mata. Nahihilo ako at nasusuka sa tuwing titignan ko ang sahig at pakiramdam ko talaga mas inaalon ako.
"I wanna sleep..." I murmured.
Wala na akong sapat na lakas para magsalita o gumalaw. Sa tinagal nang panahon. Ngayon lang ako nalasing ng ganito. Narinig ko pa ang tawanan kanina nang mga kaibigan ko dahil kahit lasing na raw ako. Nakuha ko pa daw ayusin ang necktie nang kasama nila Axel dahil tumagilid.
I want everything in a perfect place. I want everything done according to my plan. Kaya kapag ang plano ko hindi nangyayari. I get frustrated. I am an organized person. Kaya kapag may nakita akong mali. Hindi ako mapakali hanggat hindi iyon naitatama.
Naramdaman ko ang presensya nang tao sa harap ko pero hindi ko na makuhang imulat ang mga mata.
"Can I have... a pillow, please?" mahina kong sambit. Nanatiling nakapikit.
Ayokong humiga sa sofa nang walang malambot na unan man lang. Naramdaman kong may nagpatong nang blanket sa aking hita. Nakasuot kasi ako nang dress na hanggang tuhod at kung mapapamali ako ng upo ay makikitaan ako.
"You should go home now. You're drunk."
I groaned. I have no energy to talk. Unti-unti akong napahiga sa sofa pero imbes na malambot na unan ang aking naramdaman. Bigla akong umangat mula sa upuan.