I was totally drunk and passed out. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa condo ko pero paggising ko kinabukasan si Megan at Jack ang nabungaran ko.
"God, my head is spinning..." daing ko habang nakahawak sa ulo. Kahit na nakaligo na at presko. Nagrereklamo pa rin ako sa sama ng pakiramdam ko.
"Hay salamat. I thought you're going to sleep all day. Aalis na kami ni Jack. May shoot pa ko mamaya," sabi ni Megan nang maabutan ko sa sala.
"Oh! Sorry! Nag-antay kayong dalawa." Napangiwi ako at tinamaan ng hiya. Tumayo si Jack at nginitian ako. Ang damit nilang dalawa ay iyong suot nila kagabi pa.
"You should've woke me up. Anyway, thank you, Meg and Jack, for taking care of me last night. Naistorbo ko pa tuloy kayo."
Umiling si Megan habang sinukbit na ang bag sa balikat nito. Pinatay ni Jack ang TV.
"No worries. You should thank Axel too. Siya naghatid sa'yo dito, Sofy. Nakasunod lang kami. Hindi tayo kasya sa car ni Jack kaya nag-offer siya na sa kanya ka isasabay. Naka-convoy lang kami," she said.
Napamaang ako pero agad ding nakabawi at pagkuwa'y tumango. Napatingin ako sa orasan. It's nine in the morning.
"Alright. Do you guys eat breakfast? Kumain kaya muna kayo. I'll cook—"
"No, okay na kami. Jack cooked our breakfast na. Pinakielaman na naman ang fridge mo. Nasa dining table na ang food. We gotta go. Uuwi pa kami sa pasay," aniya at nakipagbeso na.
"Oh, okay! Bye!" sabi ko sa kanya at niyakap rin si Jack bago sila hinatid sa pinto ng aking unit.
Hindi tuloy ako nakauwi sa Batangas dahil lasing ako kagabi. Ilang missed calls ang nakita ko sa cellphone dahil hinahanap ako sa amin. I ate my breakfast before I replied to them one by one.
Tumawag agad si Mommy.
"Hindi ka na nakapasok. You got drunk last night, ano?"
Ngumuso ako. Umalis ako sa harap ng camera matapos na isandal iyon sa lamp shade. Lumapit ako sa kama para ayusin ang mga nagkalat kong gamit.
"Mom, we partied last night. Birthday ni Cassy, what do you expect?" sabi ko habang pinapasok na sa bag ang wipes at lipstick.
"You're guilty. Tinatanong ka lang naman."
"I'm going home naman," sabi ko sa kanya at bumaling sa harap ng cellphone.
Nasa room si Mommy at mukhang nagpapamasahe kay Manang.
"Where? Dito?" she asked.
"Nope. Sa bahay ko," sagot ko.
Mom groaned.
"I don't know why you bought a house when our mansion is so big naman. Bibili ka tapos malapit lang din naman dito. You're wasting money, Sofia. We're not kicking you out of the house—Manang dito, sa kaliwa—medyo masakit," sabi ni Mommy at kinausap na si Manang.
Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng gamit. I bought a house in Batangas without them knowing. Ever since I have worked and earned money on my own. Gusto ko na lahat ng bagay na makukuha ko galing sa pinaghirapan ko. It's just that... for me it's fulfilling.
Hindi ako naka-invest or save ng money because of my parent's finances but because I worked hard for it. Galing sa sarili kong pinagkakakitaan. I value my assets and money more because of it, and I am happy.
"Mom, I want to have my own house and live alone."
"Whatever. Just come home and visit us today. Sige na, hindi ako mahilot ng maayos ni Manang. Bye!" paalam ni Mommy at pinatayan na ako ng tawag.
Umuwi ako sa Batangas sa araw na iyon. May pasok din kasi ako bukas. Ayaw pa ako paalisin ni Daddy at pinapatulog pa sa mansion.
"Dad, kung ganito ang gagawin ko na matutulog din ako dito. Anong sense nang pagbili ka nang bahay and trying to be independent?"
"Sofia, napatunayan mo naman na sa lahat na kaya mong mag-isa. Ang gusto ko sama-sama tayo dito dahil matanda na ako. I am happy seeing my children everyday. Sabay-sabay tayong kumakain."
I pouted.
"Dad, umuuwi rin ako dito kapag weekends."
"Iba pa rin 'yong araw-araw," hirit niya. Hirap na si Daddy na kumilos. Nanghihina ang katawan niya dahil sa kondisyon niya at lagi na lang nakahiga sa kama.
Tinignan ko si Mommy na tila ba nanghihingi nang saklolo.
"Enrique, hayaan mo na ang anak mo. Malalaki na ang mga bata kaya may sarili na silang desisyon. Namamasyal pa rin naman siya dito at malapit lang si Sofia. Kung na-mi-miss mo, sampung minuto lang pupunta agad siya dito," sabi ni Mommy pero nakasimangot si Daddy. Ayaw niya talaga ang ideya na bumukod ako.
Noon, okay naman. Pero siguro nga kapag tumatanda ka mas marami kang na-re-realize sa mundo. Mas nagiging sentimental ka at iyong noon na wala lang say'o ay big deal na ngayon.
Hindi nila ako napigilan na umuwi sa sarili kong bahay. Marami pang aayusin dito dahil pinapabago ko ang interior.
Nagkukoskos ako ng buhok habang nakatingin sa TV screen. Nanunuod nang international news nang tumunog at umilaw ang cellphone ko.
My eyes narrowed when I saw my socmed's notif.
Axel Montero sent you a friend request.
Napa-oh ako nang maalala iyong sinabi ni Megan sa akin. Hindi pa ako nagpapasalamat sa kanya. Nawala na sa isip ko!
May ilang messages akong na-received. Mayroon kay Rix na hanggang ngayon maski seen hindi ko ginagawa.
Megan: Nag-thank you ka na? Nakakahiya kay Axel. He can go home na sana but instead, he offered you a ride. Binuhat ka pa naman no'n hanggang sa unit mo. Super sa taas pa naman ang floor mo.
I don't know why Megan keeps on insisting me to contact Axel. Nakadalawang beses na siyang makaulit sa akin kung nakausap ko na ba.
Me: Ngayon pa lang. I'll reach out to him on Instagrammy.
Megan: Okay!
Pinindot ko agad 'yong profile ni Axel sa IGY. Hindi ko na nga nasilip iyong mga uploaded photos niya dahil sa send message agad ako nagpunta.
Me: Hi, Axel! This is Sofia Carillo. I heard from Megan that you drove and carried me to my unit because I was drunk. I didn't get the chance to say my thank you personally. By the way, thank you for your kindness.
Ibinaba ko ang cellphone at nag-blower ng buhok. Narinig ko pang tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na pinansin iyon dahil abala ako sa ginagawa. I did my usual night skincare routine before I went off to bed. Tsaka ko nasilip ang cellphone kong may reply na ni Axel pero one hour ago na iyon. He's still online. Naka-green pa ang gilid ng name niya.
Napatagal ako sa pagbabad ng facemask, eye at lip mask kaya imbes na makatulog agad. Inabot na ako nang matagal.
Axel: Not a problem at all. We're in the same city kaya ayos lang sa akin.
Napasulyap ako sa time sa cp ko. It's eleven in the evening. Gising pa siya nito?
Me: Oh, really? Saan ka dito?
Nakita ko agad na nagtitipa na ito. Ang bilis lang mag-reply? Sumandal ako sa headboard ng kama habang lumipat sa Metube para manuod nang mga videos. I turned off my TV kasi hindi ko rin naman naiintindihan ang palabas dahil na-okupa na ang atensyon ko sa Metube.
Nag-pop pa sa notification sa taas ang reply ni Axel habang nanunuod ako ng content ng isang sikat na vlogger.
Axel: Bel-air. You could visit Axel's Cucina if you're free. Dito sa Bel-air ang main branch namin. Just let me know if you're gonna visit my restaurant, so I can personally cook the carbonara for you.
I found myself replying to his message.
Me: Sure. Thanks for the offer! I'll check my schedule and try to visit your restaurant one of these days. Although I dined in your restaurant before, I didn't get the chance to try your carbonara. Susubukan ko sa susunod. Thank you, Axel.
After I replied, I put down my phone on the bedside table. Natulog na ako.
It's friday. Kapag ganitong araw ay nasa school ako para sa audit. Tapos uuwi ako ng Batangas dahil present ako sa lunch bukas sa Hacienda. Nasanay na sila Mommy na ganoon ang setup kaya hindi ako p'wedeng hindi sumipot kung hindi magtatampo na naman si Daddy sa akin.
My Dad always has plans for my life. Noon, sa gusto kong kurso, tapos sa trabaho. Hanggang sa gusto niya na akong ipa-date sa mga businessman ay hindi na ako pumayag. Ngayon, pati ang schedule ng pag-uwi ko, pagbili ng bahay. Pinapakialaman na naman niya.
"Bye!" Nakangiti ako habang nagpaalam sa mga staff ko bago lumabas nang building.
Nasa labas ang parking kaya kitang-kita ko agad iyong agaw pansin na sasakyan na nakaparada sa labas. I frowned.
I was about to open my car door when someone called my name.
"Sofia!"
Nilingon ko kung saan banda iyon at kumunot ang aking noo nang makita ang mukha ni Axel habang nakasilip sa bintana ng sasakyan nito.
"Going home?" he asked.
Tumango ako. Magsasalita pa sana ako kaya lang bigla itong yumuko tapos binuksan ang pinto. Napatingin ako sa loob. Guard lang naman ang nakakakita sa kanya. Sumilip ako sa taas—sa may bintana baka nakadungaw ang mga empleyado ko. Alam kong mamumukhaan ng ilan si Axel dahil nakita nila ang mukha nito sa social media. For sure, alam nilang asawa siya ni Mary Anne.
Nag-jog siya papunta sa akin habang pinaglalaruan ng daliri nito ang susi ng kanyang sasakyan.
"Are you busy? Pauwi na rin ako," aniya.
Nanuot sa ilong ko iyong panlalaking pabango niya. Hindi naman mabaho at alam kong mamahalin iyon pero hindi ko lang gusto ang amoy. I smiled while holding the car's door.
"Hindi naman. I'm going home na rin kaso sa Batangas. Thank you pala sa paghatid sa akin sa condo," I replied. Umihip ang hangin dahilan para mapunta ang ilang hibla ng buhok ko sa aking pisngi. Maayos kong inipit ang ilang buhok sa gilid ng aking tainga.
Pag-angat ko ng tingin ay nahuli kong nakatitig siya sa kamay kong nasa aking tainga. Bigla nitong binagsak ang paningin sa aking mga mata.
"Oh. That's quite far," aniya at para bang wala pa siyang planong umalis dahil halata ang interes sa kanyang mga mata.
I nodded.
"My hometown. Umuuwi ako every friday. Anyway, I wanna repay your kindness talaga. Nakakahiya na naistorbo kita last time..." I blurted.
He chuckled. Napansin ko tuloy iyong kapal ng kilay at pilik-mata niya noong tumawa ito. Mas makapal pa sa akin.
"If you really wanna repay me, you owe me a dinner. Ngayon lang ako free. I'm going to a convention tomorrow and sunod-sunod na ang appointments ko," sabi nito na napatingin pa sa lupa habang naka-angat ang gilid ng labi tapos ay sumulyap na sa akin.
I looked at the time from my watch. Maaga pa naman. It's five in the afternoon. Kung six ako uuwi wala namang problema. Wala naman akong pasok bukas pero may gagawin ako. Iyon nga lang p'wede namang late gumising.
"Alright, maaga pa naman."
Lumawak ang ngiti nito sa sagot ko. Sumakay ako sa sasakyan ko at sumunod sa kanya.
Malaki ang main branch talaga ng resto niya. They cater any celebration at laging puno ang dining rooms niya. Nauna akong pumasok. Binati agad kami ng empleyado niya.
"Good afternoon, Boss!"
Tinaas lang ni Axel ang palad na para bang bumabati sa mga empleyado nito. He escorted me along with his manager to the VIP room.
Hindi pa ako nakapasok dito. Mukhang pinagawa niya ito para family niya kasi mula dito sa kinauupuan ko ay tanaw ang kitchen. Glass lang ang pagitan. I have a feeling na pinasadya niya para makita siguro siya kapag nagluluto.
"I made it customized for my family. My Mom loved to see me every time I cooked. Since she's too old and weak to roam around the area. Pinasadya ko ito para kapag ako ang magluluto para sa pamilya ay nakikita niya ako. That kitchen is only for me. Walang ibang gumagamit kung hindi ako. Have a seat," sabi ni Axel at iniurong ang upuan para sa akin.
Ngumiti lang ako at umupo na. Binalingan nito iyong lalaking manager at inutusan para magdala na nang drinks para sa akin. Napatingin ako sa kay Axel habang nagtutupi ito ng manggas hanggang sa siko. He has a big and rough hands... very manly.
"I'll leave you here first. While you're waiting, you can order any food you want—the sky's the limit. It's all on me."
Umiling ako.
"Oh, no! I'll pay! I can pay," agap ko sa kanya pero tinawana niya lang ako dahilan para lumabas ang pantay at puting ipin nito.
"I don't let ladies pay, Sofia," sabi niya at bumaling sa bumalik na Manager. "This is Manager Conrado, if you need anything, just tell him. Sa kitchen muna ako," paalam niya.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil tinalikuran niya na ako at kinausap na ng Manager. Namili ako sa menu habang nilalapag ng waiter ang tubig sa aking lamesa.
"That's all for now. Thank you," sabi ko at maingat na ibinalik sa staff ang menu.
I was raised to be prim and proper. Hindi na mawawala ang kaartehan at tingin ko likas na sa babae 'yon. Nakaupo ako ng matuwid habang pinapanuod si Axel na nagsisimula na sa pagluluto.
Nakasuot na ito ng puting apron. Wala na ang coat nito at nakatupi pa ang manggas hanggang siko. This is the first time I saw a man cooking. Maski mga kapatid kong lalaki o si Daddy never naman nagluto kaya ngayon lang ako nakasaki ng ganito.
He was busy chopping the ingredients when he looked up at me and grinned. Imbes na ngumiti ako, automatiko akong napaiwas ng tingin. Biglang ganoon ang reaksyon ng katawan ko.
Binagsak ko ang mga mata nang dumating ang staff bitbit ang order kong snack. Hindi ako kakain nang heavy meal because I'll gonna have pasta. Mabigat na iyon sa tiyan kaya I ordered something light snack na lang.
Binaling ko ulit ang paningin kay Axel na nag gigisa na. Napatitig ako sa kanya partikular na sa matipunong braso nito. Every move he made was very manly to look at. Seryoso pa ito habang nagluluto. Para akong nanunuod ng international cooking show tapos Turkish ang chef. Ganoon na ganoon siya sa paningin ko.
I wonder why Mary Anne chose to be an unfaithful wife. Axel has everything. Siguro nga, may mali ang isa sa kanila. Kaya nakuha niyang tumingin sa iba. Siguro may mali kay Axel kasi nakuha nang asawa niyang magloko.
But whatever reason it is, cheating is a choice. There's no valid reason to cheat. Mali iyon. Maling-mali.
Hindi ko na namalayan na napatagal ang titig ko kaya nang bumaling siya sa akin at ngumisi ay biglang natauhan ako. Ngumiti ako at nanatiling nasa hita ang mga kamay. Nawiwili akong manood sa kanya dahil magaling siya sa kusina!
Nakakahiya naman pala kapag kunwari ipagluluto si Axel. For sure mataas ang standards nang dila nito kapag siya ang titikim. No wonder his resto is popular. Kung hindi sa ambiance, s'yempre sa masarap at kalidad na pagkain ang inihahanda niya para sa mga tao.
Namilog ang mga mata ko nang ilapag nito ang pasta sa harap ko. I swear, nagutom ako nang maamoy at nakita ang luto nito.
"I can't believe the owner cooked this for me for free," I giggled.
Hindi ko lubos maisip na makakasama ko siya for dinner. Noon kasi naiirita ako sa kanya tapos ngayon nakukuha ko siyang pakisamahan bigla.
"It's my pleasure. I cooked for my family and friends, Sofy. Kapag nandito sila kumakain. Ako talaga ang nakatoka sa kusina," sabi nito at umupo sa bakanteng silya sa harap ko.
Hindi ako nagsalita pero nakuha kong ngumiti at kinuha agad ang tinidor para tikman ang nakakatakam na carbonara niya. Marahan akong ngumuya at tumango-tango. Unang sayad pa lang nang pasta sa dila ko alam kong masarap na at nagustuhan ko. Hindi ma-creamy pero masarap talaga ang lasa.
I had never tasted an authentic carbonara before. Ang alam ko talaga may cream.
"How was it?" Axel asked while smiling. Nakasalikop pa ang dalawang palad nito at ang parehong siko ay nakapatong sa lamesa. Inaantay ang sagot ko.
"I like it! Masarap nga," I chuckled.
Ngumiti lang ito at kumain na rin. Sumubo ako ulit.
"I think I'm gonna crave for this na. Mukhang hindi iyong regular carbonara recipe ang hahanapin ng dila. Baka ito na," I giggled.
He grinned.
"Did you know that my food has a potion? Whoever eats the food I cook and serve on the table will be hypnotized."
Natigil ako sa pag-swirl nang pasta at natawa sa sinabi niya.
"That's true!" sabi pa nito dahil nahalata niyang mukha akong hindi naniniwala.
"I didn't say that it's not. So you mean, I will be hypnotized because I ate this pasta you cooked? Babalik ako dito para kainin 'to?" I chuckled.
"Let's see," he shrugged. Nakaangat ang gilid ng labi.
"Of course. That's true. Babalik ang mga kumain nang niluto mo hindi dahil nilagyan mo nang gayuma. We will surely come back because you cooked so good. I mean it. Natikman ko ang ibang recipe at binabalikan din namin ang resto mo dahil sa quality ng food," sagot ko at inabot ang baso na may tubig para uminom. Marahan ko iyong inilapag para ibalik sa lamesa.
"Thanks," he grinned while his eyes were on his plate.
Hindi ako sigurado kung alam ba ni Axel na may ideya ako sa status nila ni Mary Anne. I don't wanna sound chismosa pero somehow napapaisip ako kung kumusta talaga siya? Okay na kaya talaga siya?
Hinatid niya ako sa sasakyan and hindi ko binibigyan iyon ng ibang kahulugan. Everyone do that whenever they have guest. In-e-entertain of course at hinahatid din.
"Thank you so much, Axel. Hindi naman ako nakabawi. Ikaw naman ang nanlibre sa akin," I shook my head and look at my car.
"Libre mo ko sa susunod para hindi ka ma-guilty," aniya habang nakangisi at nakapamulsa.
I chuckled.
"Next time. Hindi ako sanay nang nililibre kaya magbabayad ako sa susunod. I should go now, malayo pa ang biyahe ko. Thank you... again," sabi ko. May gusto pa sana akong sabihin kaya lang hindi ko na tinuloy.
Kung sasabihin kong regards kay Mary Anne, edi mukha akong sinungaling. Kunwaring walang ideya na hiwalay na sila.
Pinanuod ni Axel ang sasakyan kong unti-unti nang lumayo mula rito. Hanggang sa hindi ko na rin siya natanaw.