KABANATA 9:
GUSTO ko na nga yatang maniwala sa sinasabi ni Axel noong nakaraan. After I tasted his carbonara recipe, hindi na nga iyon nawala sa isip ko. Hinahanap-hanap ng dila ko!
For me, it was so stupid. Kaartehan lang 'yon until nag-crave nga ako. I tried to order from another resto, and masarap naman. Kaya lang, hinahanap talaga ng dila ko 'yong galing sa Axel's Cucina. I didn't told him I'll visit his resto on that Friday night. Bago ako umuwi sa amin ay sige... pagbibigyan ko 'yong sarili ko na order-in ang pasta nila.
Napainom ako ng tubig.
"God... what's happening to you, Sofia?" bulong ko sa sarili. Kinain ko na 'yong version ng pasta nila. Dumayo pa ako dito sa resto pero bakit hindi ko malasahan iyong nalalasahan ko noong nakaraan.
Napatitig ako sa pasta. Parang may kulang...
Napakislot ako nang marinig ang pagtunog ng aking cellphone. My sister is calling me.
"Yes, Selena?"
"Ate, are you on your way home?"
"Pauwi pa lang. Why?" I asked. Nahagip ng paningin ko si Axel na kapapasok lang sa resto. Napatuwid ako ng upo at ramdam ko 'yong biglang pag-ahon ng kaba sa dibdib ko. Kaba na hindi ko alam bakit ko 'yon nararamdaman. Bakit ganoon agad ang reaksyon ng aking katawan.
"Can you buy me a mcflurry? Dito na sa malapit Ate para hindi matunaw agad."
"Selena, gabi na. Bukas pa ko uuwi diyan."
"Huh? Bakit sabi ni Mommy dito ka raw matutulog ngayon?"
I frowned.
"No. Uuwi ako sa bahay ko. Baka mali lang ang dinig niya. I told her na diyan ako mag-di-dinner nang sabado ng gabi. Not friday ng gabi." Nag-angat ako ng tingin. Umiikot na ang puwitan ko nang makitang tinuro ako ng Manager kay Axel kaya sinundan niya iyon ng tingin. Nataranta ako bigla.
Para akong nahihiya na nandito ako at naging totoo iyong sinabi niya dahil hinanap ko ang specialty nila. Mabilis akong umiwas ng tingin habang kausap si Selena.
"A-ano? What did you say?" hindi ko na naintindihan ang sinabi niya dahil sa pagkataranta.
"Sabi ko huwag na pala. Ako na lang bukas."
"Para kang buntis. Gabi na kaya tapos naghahanap ka nang ice cream," sabi ko pero naisip ko 'yong carbonara ni Axel na imbes umuwi ako sa Batangas ngayon ay narito ako sa restaurant niya ngayon. Sinubukan kong tumingin sa kanya at iyon na nga!
Dumoble ang kabog ng dibdib ko nang malawak ang ngiti nito at tinaas ang kamay na para bang binabati ako. Ngumiti ako bilang ganti. Nagsimula itong maglakad papunta sa table ko.
I took a deep breath.
"I just scrolled lang sa internet kaya nag-crave ako. Anyway, ingat ka pauwi. Bye!" she ended the call after.
Maingat kong binalik ang cellphone sa aking bag. Huminga ako ng malalim at tinignan si Axel na tuluyan nang nakalapit sa akin.
"You're here," aniya sabay bagsak ng tingin sa pasta na nasa aking lamesa.
Nag-init ang pisngi ko nang marinig ang tawa niya.
"You should've told me earlier so I could prepare the pasta for you," sabi niya.
Umiling ako at ngumiti.
"Okay lang. I don't want to disturb you so..." I chuckled and looked at my plate.
"I'll cook you another one. Hindi mo gusto ito," aniya at umiling pa ako para pigilan siya sana kaya lang tinawag na nito ang staff niya.
"Prepare the VIP room one for my guest. Ito, paki balik sa kitchen," aniya at ibinigay ang plato ko na may lamang pasta. Nakakatatlong subo pa lang ako doon.
"Hindi, Axel!" sabi ko dahilan para lingunin niya ako.
"M-masarap. Gusto ko..." mahina kong sambit pero hindi niya ako pinansin. Nilingon niya ang manager at tinanguan dahilan para tuluyan na itong umalis.
"You are lying. If you really like the pasta, ubos na sana siya bago pa kita lapitan. Sabi ng Manager nandito ka na kanina pa..." anito at sinilip ang relo sabay tingin sa akin, "thirty minutes na."
I looked away.
"Let's go? Before you go home, I'll make you another pasta you craved for. Sabi ko sa'yo iba kapag ako mismo ang nagluto."
Kinuha ko ang bag at tumayo. Pinapanuod lang ako ni Axel at nginitian nang nilapitan ko siya.
Axel is wearing a plain fitted gray shirt paired with khaki shorts and sneakers. Hindi ko maiwasang hindi pansinin dahil kahit na simple lang ang suot niya ay bakit ganoon? Agaw pansin pa rin.
Axel chuckled.
"Sorry, sinilip ko lang saglit ang resto. Galing ako sa condo," anito sabay kamot sa ulo dahil napansin niyang sinuri ko pa ang suot niya.
I chuckled to hide my nervousness.
Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ganito ang reaksyon ko. Gusto ko lang maging kumportable at hindi mukhang ilang na kasama siya. I get intimidated. I am trying so hard lang to act cool in front of him.
Hindi ko na nga matagalan tignan ang mga mata niya o ang mukha niya kasi iba ang pakiramdam ko.
"Okay lang," sagot ko at sinabayan siya sa pagpunta sa VIP room.
Hindi ko na naman maiwasang hindi siya panuorin sa kusina. Para siyang hari doon. Tila ba makapangyarihan sa kilos at tindig.
"Here..." aniya at nilapag sa lamesa ang bagong luto nitong carbonara.
Lumawak ang ngiti ko. Naamoy ko na naman ang luto niya. Nagkatinginan pa kami at nakangiti pa siya habang inaantay akong kumain. Marahan kong inikot ang tinidor sa kutsara at maingat na sumubo.
My heart is happy.
This is the exact taste I want. Ngiting-ngiti ako dahil natikman ko rin ulit ang lutong ganito.
Nag-angat ako ng tingin nang marinig siyang tumawa.
"See? You like my pasta, Sofia. Luto ko ang hinahanap mo," sabi niya at nagsimula na rin itong kumain nang luto nito.
I pouted.
"Bakit parang kulang ang sa gawa ng chef? There is a distinct taste na dito ko siya nalalasahan sa gawa ng chef mo. They look and taste the same... I mean... I don't know. Mas gusto ko 'to," naguguluhan kong sabi sabay turo sa plato.
He chuckled.
"Seriously. What did you put? Bakit hindi ganito iyong binigay sa akin kanina? You should teach them the secret. Mas lalong dadagsa ang tao kung ganitong luto ang pasta na sine-serve sa labas," I said.
He chuckled and wiped the side of his lips. Napatingin ako sa laki ng kamao niya habang hawak ang table napkin.
“I prefer the authenticity of my recipe. I made it especially for my friends and family so that they would remember something in me. Kapag natikman nila ‘yong luto ko. Masasabi nilang ako ‘yong gumawa no’n. Walang kaparehas.”
Tumaas ang kilay ko pero namangha ako sa sagot niya.
“Even if you’re the restaurant owner? Matatandaan naman ng tao na sa’yo ang recipe na ito kasi ikaw ang may-ari. Well, anyway, it’s up to you. I just can’t help but to say my opinion. I really love how this pasta is cooked, and I wanna spread to everyone how good this is.”
Axel shrugged while drinking his wine.
“Don’t mind me. I respect that you wanna preserve the recipe for your loved ones,” I whispered.
Sumubo ako ulit ng pasta. Hindi ko na nga namalayang naubos ko na. Sunod-sunod ang subo ko at hindi naman ako inistorbo ni Axel. Na-realize kong hindi ko na siya napansin habang sarap na sarap ako kumain.
“Sorry, ang tahimik ko. I wanna savored the taste. Baka kasi sa Friday pa ko ulit makakain dito,” sabi ko at natawa ng mahina. Inabot ko ang baso at marahang uminom dito.
Mula sa gilid ng aking mga mata ay alam kong pinapanuod niya ako.
“I can cook for you.”
Napaubo ako sa sinabi niya. Pulang-pula ang mukha ko dahil hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng tubig. Iyong boses pa ni Axel ay malalim at seryosong-seryoso pa.
Dinaluhan niya agad ako ng tissue.
“It’s okay. I’m sorry for the mess,” I whispered while elegantly wiping my lips. Kinuha ko ang tissue na inaabot nya at pinunasan ang aking palad na may kaunting talsik ng tubig.
“I didn’t mean to startle you.”
I shook my head.
“It’s fine,” sagot ko pero hindi makatingin sa kanyang mga mata.
“I was just trying to give what you craved for. Kung hindi ka makakapunta rito para kainin ang niluto ko. I’ll have it delivered in front of your doorstep.”
Dinaan ko sa mahinang tawa ang awkwardness sa paligid. I don’t wanna assume. Gusto ko itatak sa isip ko na he’s just kind lang to offer me that. Baka ganyan din siya sa ibang babae na kaibigan niya.
“That’s too much, Axel. Ayokong maka-istorbo. I’ll visit your resto na lang and inform you if I crave your pasta.”
Nilapag ko ang table napkin sa gilid ng lamesa.
“No. Okay lang. Palagi ka bang nasa Batangas?” he asked.
Napasulyap ako sa plato nitong ubos na rin pala ang laman.
I nodded.
“I work for my family's business. Kapag friday ako lumuluwas to Manila para silipin ang school,” sagot ko sa kanya at sinikap kong tignan siya sa mga mata habang sinasabi ko iyon.
Axel nodded and leaned on his chair while looking at me seriously.
“Wow, you are handling two businesses at the same time.”
I chuckled.
“Look who’s talking. Ikaw nga, marami na itong branches ang resto mo.”
Hindi nagsalita si Axel. Sa halip ay nginitian niya lang ako habang inaabot na ang glass wine sa lamesa.
“I’ll pay for my meal this time,” sabi ko at kinuha na ang bag sa aking tabi.
“Nah. I told you, hindi ko hinahayaang magbayad ang babae.”
I shook my head.
“This is your business. Baka malugi ka sa akin kung palagi mo akong nililibre. Isa pa, hindi pa ako nakakabayad sa’yo. I should be the one to treat you to a nice meal too, but it’s the other way around.”
Axel grinned.
He has this bad boy aura look na ayaw ko sa isang lalaki pero hindi ko alam bakit nandito ako ngayon. Kumakain at kausap siya tapos nakakabiruan ko pa.
A man with stubbles looks dirty to me. Pero sa kanya... bakit parang bagay?
Napapikit ako at napahawak ng mahigpit sa baso. Napailing pagkuwan.
“What’s the problem? Ayaw mong i-deliver ko sa Batangas ang carbonara mo?”
Natawa ako ng marahan.
“Nakakahiya at hindi na kailangan. I know you are a busy man. Maraming negosyo na inaatupag araw-araw at isa pa nakakahiya rin kay Mary Anne. Naiistorbo ko ang asawa niya.”
Hindi ko man direktang tinanong. I hope he could open up about her. I just want him to know na nirerespeto ko ang asawa niya at baka anong isipin ng iba sa aming dalawa dahil nag-o-offer na ito nang personal delivery sa bahay ko.
I find it strange. You wouldn't offer someone like that easily. Lalo na hindi naman talaga kami close. Kahit na isipin kong act of kindness lang. Hindi ko maiwasang baka maging malisosyo ito kasi sa paningin ng iba.
“We separated months ago. I mean—the annulment is currently ongoing.”
Mariin kong tinikom ang bibig at tumango. Malungkot ko siyang tinignan.
“Oh...” tangi kong nasabi.
Iniingatan ko iyong bawat salitang lalabas sa aking bibig. Although I knew about their separation. Ayoko namang malaman niya na alam ko. He would ask or wonder how that news came to me. Madadamay pa ang mga kaibigan kong medyo mahilig makisagap ng balita sa buhay ng iba.
“I am fine. I am totally fine. It’s just... it hurts my ego. Siguro nga kapag ang tao na nakagawa ng malaking kasalanan sa’yo. Doon mo malalaman kung hanggang saan ang pagmamahal mo para sa kanya. If you can swallow your pride and accept everything because the love you have for you partner is too deep that you can live like nothing happened.”
Nakatitig ako kay Axel habang sinasabi niya iyon. Titig na titig ito sa wine habang ginagalaw ang wine glass.
Hindi ko mabasa kung nasasaktan pa rin ba siya o talagang wala na iyong pagmamahal niya para sa dating asawa.
Para sa akin ay hindi ako naniniwala na nawawala iyon agad lalo na kung may pinagsamahan kayong dalawa ng matagal.
I don’t know about his feelings pero ayoko na ring magsalita ng opinyon ko dahil baka mali lang din ako.
Hindi ako nagsalita pero ramdam ko ‘yong awkwardness at hindi ko syempre alam saan ibabaling ang aking mga mata.
How can I believe that this man whom I had talked to for a second time would open up about his civil status.
It’s just... unbelievable. Ako kasi ang tipo ng tao na hindi basta-basta sasabihin ang pribadong buhay ko sa ibang tao. Unless... if you wanna prove something to him or her.
Hinatid niya ako ulit sa parking. Pinabaunan niya pa ako ng panibagong luto nito para raw makain ko bukas.
Megan: We’re all going to Shakira’s concert. We’re all waiting for you so I could buy VIP tickets na.
Kanina pa iyong chat nila sa GC. Hindi ko na napansin dahil na-busy na pag-uwi sa bahay. I took a bath and did my skincare routine before I check my phone again.
Me: Count me in. Kahit na may pasok ako o wala. I’ll come!
I giggled after I inserted some heart eyes emoji.
Cassy: Send me your bank details. I’ll transfer the money tomorrow.
Stacy: Ako rin. I’m gonna sleep na. May flight ako bukas. Goodnight girls!
Me: I’m gonna sleep too. I’ll wire the money tomorrow. Thanks, Megan!
Axel: Hi, Sofia. If you crave my pasta, just let me know. Goodnight!
Tinitigan ko ng mabuti ang message niya.
I chose not to reply anymore. Iba ang pakiramdam ko matapos nitong huling dinner namin na magkasama.
Sometimes women's instincts never fail and I’m going to trust myself again.
Kaya nang matapos kong ubusin ‘yong pasta na bigay niya. Sabi ko sa sarili ko na hindi na ko talaga magpapaka-addict sa pasta niya. Okay naman ako no’ng ‘di ko natikman ang luto niya. Kaya ko ulit ‘yon.
I ignored his messages. Nasundan kasi ‘yong message niya kagabi.
Now, I’m starting to feel like he’s trying to make a move. Wala akong ni isang in-entertain sa ngayon. I don’t like another headaches.
Rix would constantly hitting my inbox pero maski seen hindi ko ginagawa. Good thing I don’t upload photos kaya iisipin nila na hindi ako active sa socmed. I even turned off my active status sa Messages para hindi nila makita na online ako.
“Yeah, mag-pa-park na lang. You gotta wait for me, Stacy. Sandali na lang!” medyo natataranta ako dahil kanina pa nila ako inaantay sa entrance.
Na-late ako ng alis sa Batangas. Kahapon pa nila ako sinasabihang lumuwas pero hindi ako nakinig.
“I’m gonna pull your hair if the concert starts! Papasok na kami. You can come inside naman.”
Ngumuso ako at nagmamadaling pinatay ang makina nang sasakyan.
“Sige na nga,” sabay kuha ng sling bag.
Nagpaalam na si Stacy na papasok na sila sa loob kaya pinatay na rin ang tawag. Nagmamadali ako sa paglalakad.
Si Daddy kasi nag-emote pa kanina kaya ang tagal ko rin bago naka-alis. Nakapasok na nga ang lahat. Nakikiusap na sila Stacy na antayin ako dahil isasara na ang gates.
“Holy f**k!” Napapadyak ako ng bumaba iyong straps ng sandals ko.
Gustong-gusto ko ‘tong gladiator shoes ko kaya lang kapag naglalakad ako bumabagsak ang straps. Naiirita pa man din ako kapag wala sa ayos ang aking mga gamit.
I took a deep breath. Sinandal ko ang isang palad sa dingding at inangat ng kaunti ang hita para maabot ko ang tali. Maigsi pa man din ang suot kong black glittery dress. Hindi ako p’wedeng yumuko dahil makikitaan ako.
“Need help?”
Naibaba ko ang aking paa at lumingon. I was shocked to see Axel. Tinaas nito ang suot na aviators at napatingin sa paa ko.
Nakasuksok pa ang dalawang palad nito sa magkabilang bulsa ng pantalon nito.
“Hey!” bati ko. Medyo hingal ako kasi pinipigilan ko pala ang paghinga ko kanina habang sinusubukang itali ang straps habang nakatayo. Ang hirap pala.
“Ah, hindi na. Kaya ko na. Why are you here? Nakakagulat na nagkita tayo dito,” agap kong sabi nang humakbang ito palapit sa akin. Hindi ako magawa tuloy nasubukang itali kasi nanunuod siya. Nakakawala pa naman ng poise ang ginagawa ko kanina.
“I’m gonna watch a concert.”
Namilog ang mata ko.
“Really?” I chuckled. Manunuod siya ng concert ni Shakira?
“Don’t look at me like that. I’m with my sister. Sinamahan ko lang. Manunuod na rin ako dahil nandito na.”
Pinasadahan ko ang paligid.
“Where is she?”
“Nag-bathroom lang—”
“Kuya!”
Sabay kaming napatingin sa bagong dating. Iyong kapatid niya na mestiza-hin pero halatang bata pa. Umangkla agad ito sa braso niya at napatingin sa akin.
“She’s my sister, Rosie,” pakilala ni Axel.
Tumayo ako ng tuwid at nginitian iyong kapatid ni Axel.
“She’s Sofia, my friend,” sabi ulit ni Axel at napatingin sa akin sabay sulyap sa paa ko.
Nakita ko ‘yong marahang hila sa kanya ng kapatid niya sa braso. Halatang niyaya na siya umalis.
“You should go na. Nagsisimula na yata,” sabi ko dahil naririnig ko na ‘yong background music.
Humakbang ang kapatid niya pero naiwan si Axel sa posisyon niya.
“Are you sure you don’t need my help?”
Napatingin tuloy sa kanya ang kapatid niya. Tumango ako at ngumiti.
Pinanuod ko silang lumayo bago ko binalikan iyong strap ko. Gusto ko nang tanggalin na lang kaso hindi ako naglalakad ng naka paa!
“Damn!” Napamura ako nang hindi ko maibuhol ang tali.
Natigil ako ng makitang may huminto na sa aking harap. Pag-angat ko ng tingin ay si Axel na naman ang aking nabungaran.
Naibaba ko ang paa ko agad.
“Sabi mo kaya mo pero hindi. Let me help you this time,” aniya at nagulat ako ng unti-unti itong lumuhod sa harap ko at hinawakan ang strap ng sandals ko.