NANIGAS ako sa kinatatayuan nang yumukod ito at inabot ang strap ng sandals ko. Sinubukan kong ilayo sa kanya ang aking paa kaya lang hinawakan ng isang kamay nito ang binti ko dahilan para manlaki ang aking mga mata.
"Don't move," he commanded.
Pigil ang aking hininga nang sinimulan nitong iikot-ikot ang strap sa binti ko at binuhol ang dulo. Bawat dampi ng daliri nito sa aking binti ay nagdudulot ng kakaibang elektrisidad na dumadaloy patungo sa aking tagiliran.
I swallowed hard. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang mga mata lalo na nang nag-angat na siya ng tingin sa akin.
"Your left leg, please," aniya kaya ibinigay ko iyon sa kanya habang nakabaling sa ibang direksyon ang aking mga mata.
Muli ko siyang tinignan. Abala pa rin ito sa pag-iikot ng straps ng sandals ko. Hindi ko alam kung mabagal lang ba talaga siya o gusto lang niyang masiguro na maayos ang pagkakatali niya.
"There you go..." anas niya.
Nakahinga ako ng maluwag nang bitiwan niya ang binti ko. Iyon ata ang pinakamatagal na limang minuto ng buhay ko.
"Thanks," I muttered and smiled.
Naagaw ang atensyon namin dahil sa sigawan na nang mga tao.
"Let's go? Sabay na tayo. Nagsimula na ang show," sabi niya.
Tahimik lang akong tumango at sumunod sa kanya.
"Hahatid muna kita!" bulong niya. Nagsisigawan na kasi ang mga tao sa loob.
In-escort-an kami ng bouncers sa designated seat ko. Ayoko nang makipagtalo at sabihing kaya ko naman. Hinayaan ko na lang siya. Nakuha tuloy namin ang atensyon nang mga kaibigan ko dahil kasama ko siya. Nasa VIP seats kami at ilang pulgada lang ang layo ng upuan nila Axel mula sa amin.
"Thank you!" sabi ko at umupo na. Umalis din ito agad matapos bumati sa mga kaibigan ko.
"Bakit magkasama kayo?!" bulong ni Cassy sa akin.
Naabutan ko ang makahulugang tingin ni Megan. I rolled my eyes.
"Nakasalubong ko sa labas! He's with his sister!" I replied.
Tumango lang siya. We all enjoyed the show. Lumabas ulit ang fangirling namin dahil sa favorite naming hollywood singer.
Niyakap ako ni Cassy at binulungan.
"We'll gonna eat daw muna bago umuwi."
I nodded. Pagdating sa labas ay tsaka nagsalita si Stacy.
"Saglit. Sila Axel," aniya.
Kumunot ang noo ko.
"Bakit?" I asked.
"Antayin natin. He chatted with me. He will treat us a meal, tutal magkakasama naman na tayo dito."
I didn't say a word. Wala namang problema kung grupo kaming lalabas. I was busy with my phone when I heard Megan.
"They're here. Nag-bathroom siguro ang kapatid niya."
Nag-angat ako ng tingin. Nagtama agad ang mata naming dalawa. Natabunan lang nang mauna ang kapatid niya.
"I'm sorry nag-antay kayo. She went to the bathroom," sabi ni Axel pero sa akin nakatingin.
Ngumiti ako at tumango. Binalingan si Cassy na busy sa cellphone nito.
"Let's go? May branch kami ng Axel's Cucina dito sa MOA. Twenty-four hours open. My treat," aniya.
"Wow, thank you!" Megan said.
Nagkatinginan ulit kami ni Axel pero sa iba ko binaling ang aking mga mata. Naiilang na ako talaga sa tuwing nag-aabot ang mata naming dalawa.
Kanya-kanya kaming sakay sa sarili naming sasakyan at sumunod sa kay Axel. Hindi naman ako nailang kumilos dahil may iba kaming kasama.
Nagtatawanan kami ni Mommy at Selena nang dumating si Shawn sa sala. It's Saturday at nasa Hacienda ako kapag ganitong araw.
"Oh my gosh! Do you like that boy? Mama's boy 'yon!" sabi ko kay Selena.
Sumimangot na tuloy iyong bunso namin kasi inaasar ko na.
"Ate Sofy, tunog ng tunog 'yong cellphone mo. Naiwan mo sa lamesa," ani ni Shawn at inabot ang cellphone sa akin.
"Oh! Nakalimutan ko na 'to!" Humagikgik ako.
Narinig ko pang nag-uusap sila Mommy at Selena sa aking tabi habang umalis si Shawn sa living area.
I frowned when I saw Axel's missed calls sa Instagrammy. Nakita ko na iyong ilang messages niya tuloy na hindi ko binubuksan noon pa. Nabasa ko na at nakita niyang na-seen ko na.
Axel: Hi, Sofy! Sorry for my missed calls. I was just trying to check if your account is still active. I want to ask if you could be my sugar and jam supplier since you are in the sugarcane business. Sugar is one of our main ingredients for best-selling desserts, such as Leche flan, creme brulee, and many more. I hope we can set an appointment to discuss this further. If you can't reach me on IGY, here's my phone number 09123-456-7890.
Napatayo ako sa upuan. We supply to some restaurants din talaga ng sugar. Isa ang pamilya namin sa pinagkukunan niyan. Ang pamilya Oraza ang nangunguna sa usaping sugar plantation at importation. Although may pareho kaming negosyo ay hindi naman magka-away ang pamilya namin. Minsan na akong nagturo sa anak ni Mr. Oraza kahit na magkaribal ang pamilya namin sa negosyo ay maayos naman ang pakikitungo sa isa't-isa. Welcome ako sa kanila at ganoon din sila sa amin.
Halos sila ang supplier ng karamihan kaya kapag may nagpapakita ng interes sa negosyo namin ay hindi ko maiwasang magtanong kung bakit napili kami. Tulad ni Axel. Kilala na ang restaurant niya. Akala ko nga may supplier na siya sa ganyan pero bakit ngayon nagtatanong siya. Posibleng nagmahal sa dating supplier at ngayon susubok siya sa amin.
Nakakahiya na siya mismo ang nag-reach out sa akin tapos hindi ko agad pinagtuunan ng pansin.
"Where are you going?" Mom asked.
"Upstairs. Tatawag sa client," sagot ko at nagmamadaling umakyat sa taas.
Nag-iwan ako ng message kay Axel. Kung hindi niya nabasa agad, tatawag na lang ako sa cellphone niya.
Me: Hello, Axel! Sorry for the late reply. I don't often check my Instagrammy. Thank you for reaching out to me. Regarding your inquiry, we can talk it out personally. How about this coming Friday, at 1 pm in your restaurant?
Iniwan ko 'yong cellphone ko sa ibabaw ng drawer at pumasok sa banyo para maghugas ng kamay at magtali ng buhok. Paglabas ko ay tumutunog na ang aking cellphone. Pagsilip ko... pangalan ni Axel ang rumehistro sa screen ng cellphone ko.