Chapter 5

1457 Words
pero ilang sandali lang ay wala naman akong  nararamdaman na may nakadikit sa akin kaya nabuksan ko ang mata ko at   WTH!! Tawa siya ng tawa halos mamatay na siya sa kakatawa. Jusko. Lupa? Nakakahiya! please lang lamunin nyo na ako oh? grabe nakakahiya. bat kase may papikit pikit pa akong nalalaman baka sabihin nitong lalaking to. gustong gusto ko siyang mahalikan! asa siya!   "HAHAHAHA! Nadine HAHAHA That was an Epic Face HAHAHAHA!" Sabi ni james sa akin habang hawak hawak ang tiyan niya sa sobrang tawa! ang sarap batuhin ng leche plan sa mukha dahil leche siya!   "Bwisit ka talaga" sabi ko at pinaghahampas siya sa kung saan saan gamit ang bag ko!   "Bakit ka nagagalit? dahil ba di ko tinuloy?" sabi niya na may halong pang-aasar.   "Tse. asa ka! ibibigay ko lang ang first kiss ko sa taong mamahalin ko at hindi sayo yon! Tss!"   "Deny pa talaga? ayaw mo pa kase akong diretsuhin na gusto mo ako"   "Ang kapal! kasing kapal ng encyclopedia sa library ang mukha mo sa kap--" di ko na natapos ang sasabihin ko sa kanya dahil,, dahil     *TSUP*    He stole my first kiss? Waaaaaaah! Ang first kiss ko!!!!!! Sabi ko, sabi ko sa taong mamahalin lang ako at sa mamahalin ko lang ibibigay ang unang halik pero   "BWISET !! BAKIT MO GINAWA YON ANG FIRST KISS KO!!" Sabi ko sa kanya na sobrang galit   "Ang ingay ingay mo kase eh"   "Eh paano akong hindi mag-iingay e--"   *Tsuuuuup*   Waaaah! hinalikan niya ulit ako for the second time! OMG! Is it real? is it real?  "BAKIT MO GINAWA ULIT YON?! KISSING MONSTER KA! NANGNANAKAW KA NG HALIK!"   "kung di ka tatahimik gagawin ko ulit sayo yun" pagbabanta niya sa akin, ang hilig talagang mangblock mail nito! kaya no choice ako kung hindi tumahimik!   "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH" Nandito ako ngayon sa apartment na tinitirhan ko at sa ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyare kanina. Ang First kiss ko ay wala na! at pati narin second kiss!? Eh pano na yan? pang third kiss nalang ang taong mamahalin ko ganon? nakakainis talaga yung james na yon!      Umaga na pala. ang bilis naman  ng oras! pero may pasok pa ako kaya di ako pwedeng umabsent. ayan so after how many years eh natapos na rin ako sa checheburetche sa mga katawan at FFTB na ako ngayon (FRESH FROM THE BATH) Pagbukas ko ng pinto para lumabas na ay "WAAAAAAAAAAAAH" sabi ko with matching super duper mega gulat na mukha , nagulat ako dahil nandito sa labas si james, muntik nanaman kaming magkiss dahil nandito siya sa mismong tapat ng pinto. buti nalang at di natuloy kase kung matutuloy man yon wala na ang third kiss ko!   "Oh bat ka nandito?" sabi ko sabay taas ng kilay at nakapameywang pa.   "Malamang Sinusundo ka!   "Bakit Naman? may paa naman ako!"   "Andami pang dakdak eh! tara na" sabay hila niya sa akin papasok ng sasakyan niya, kahit naman magpumiglas ako eh wala akong magagawa dahil malakas siya.    "Oy oy oy! san tayo pupunta?" sabi ko sa kanya, nag iba kase siya ng direksyon eh imbis na sa papuntang school.   "Sa bahay namin!"   -_____-   "Bakit naman? May pasok pa tayo ah ayokong sumama sayo kung gusto mo ikaw nalang" sabi ko sa kanya "Itigil mo ang sasakyan, bababa ako" dagdag ko pa. pero ayaw naman niyang itigil.   "Excuse ka nanaman, sinabi ko na kay ma'am kaya wag kang mag-alala" sigurado akong ginamit nanaman niya ang super duper mega powers niya sa mga teachers! -____-   Maya maya pa ay bigla niyang itinigil ang sasakyan sa isang napakagarang bahay na parang mansyon, ay hindi pala parang kundi MANSYON! bumaba na rin siya at hinihintay kong pagbuksan niya ako ng pinto pero 5 minutes ng nakalipas kaya naman lumabas na ako! napaka ungentleman naman talaga nitong james nato. nung lumabas na ako eh wala naman siya dito kaya pumasok na ako sa bahay nila at oh my god. napaka sosyal ng bahay ah? eto ang dream house ko eh! hinahanap ko parin si james hanggang sa nakarating ako sa second floor nila. walang tao sa bahay nila? imposibleng walang katulong dito!   "Nandito ka lang pala" napatalon ako sa gulat ng biglang nagsalita itong si james na nasa likod ko pala.   "San ka ba pumunta? at talagang iniwan mo lang ako sa kotse mo!"   "Sa tingin mo?" napakapilosopo talaga nito! -___-   'Ewan ko sayo! ano namang gagawin ko dito? ha? imbis na nasa school na ako eh"    "Maglilinis ka"   "Ako? bat ako maglilinis? yaya mo ba ako?"   "Hindi dahil slave kita"   oo nga pala. isang dakilang alila lang naman ako ni James na to!   "Eh anong lilinisin ko dito YOUNG MASTER? Anlinis kaya!" sabi ko sa kanya at inemphasize ko pa ang salitang young master.   "Di ka naman dito maglilinis eh! sa kwarto ko!" sabi niya sabay tuloy na sa paglakad at dumiretso na sa kwarto niya. nako. mukhang napakalinis din naman ng kwarto nito eh. buong bahay nga malinis, kwarto pa kaya diba?   Pagpasok ko sa kwarto ay       What the? bat ganito kagulo? Alien ba ang natutulog dito at lilinisin ko ang ganitong kagulong kwarto. pano ba naman kase hindi gugulo eh halos lahat yata ng basura sa buong bahay eh dito tinambak! grabe? natitiis niyang matulog dito?   "Linisin mo yan! matutulog muna ako, pag gising ko kailangan ayos na lahat! maliwanag ba?"   "Masusunod Young Master" sabi ko na umarteng nag bow pa at sumaludo! di man lang naasar? nahiga na siya pagkatapos nun at simbilis naman ni flash ang pagkilos ko inuna ko muna ang mga nakakalat na gamit at nilagay sa iisang lalagyan at marami pa akong ginawang m****o. malupit ang mga kalat dito!    Tatlong oras na ang nakalipas at tapos ko ng malinis ang bodegang kwarto ni james ay tulog parin siya tulog mantika ito! Kaya naman naisipan kong bumaba papuntang kusina at gumawa ng pancakes para sa aming dalawa. alangan namang sa kanya lang!   pero nakakapagtaka ah? bakit kay wala dito ang mommy o papa ni james at pati narin ang kapatid niya? nakakapag curios naman.   natapos na kong gumawa ng Pancakes pupunta na sana ako sa kwarto niya para ilagay itong ginawa ko na pancakes sa lamesa niya sa kwarto niya ng nakita ko siyang naglalakad sa may hagdan pababa na nagkukusot pa ng mata.   "Gising na pala ang hari" sabi ko sa kanya sabay balik sa kusina at nilagay ko na ang pancakes sa dining table. Pumunta ako sa ref nila para kumuha ng tubig, pagkabalik ko ay nagulat ako dahil kinakain na ni james ang pancakes at paubos na ito, di man lang ako tinirhan? ako gumawa non eh!   "Hoy! bat mo inuubos yan! WAG!" pero huli na ng sinabi ko yon dahil sinubo na niya ang huling pancakes. nakakainis talaga itong kissing monster na to!   JAMES POV   Nagising ako , dahil na rin nag alrm ang cellphone ko dahil isinet ko ito. pero laking gulat ko ng nakita ko ang laking pagbabago ng kwarto ko. grabe sobrang linis. di talaga ako magsisisis na ginawa ko siyang slave. hehehe. ang sama ko naman. Tumayo na ako at dumiretso sa may hagdan. nakita ko siya sabay balik ulit sa kusina. parang ang sarap naman ng hawak niya. pancakes? tamang tama dahil gutom ako. hehehe. Pumunta siya sa may ref habang ako ay nakain ng ginawa niyang pancakes, nung humarap na siya sa akin, nagbago bigla ang anyo ng itsura niya. grabe ang haggard ng face, feeling ko naguguilty ako sa iniutos ko sa kanya. di bale na nga lang, mapagtripan nalang. nakakatuwa maasar eh.   NADINE'S POV   Nakakainis talaga itong Kissing Monster na to! Wala na nga akong almusal kanina eh! bwiset! di man lang naawa sa akin. grabe na nga ang iniutos niya sakin di pa niya ako tinirhan ng pancakes. kaya ang ginawa ko kumuha nalang akong slice ng cake sa ref nila. meron kase eh. hmmmmm. ang sarap sarap delisyoso. Napatingin naman ako dito sa katabi ko na nagcecellphone. may katext yata. "Nga pala. Asan ang mama at papa mo?" tanong ko sa kanya, masama na bang magtanong ngayon? bigla siyang natigil sa pagcecellphone niya at napatingin ng deretso sa akin.   "Wala"   "Anong Wala"   "Business" ah? kaya? pero bat parang malungkot siya? diba dapat natutuwa pa siya dahil may mga trabaho ang magulang niya?    "Eh?May kapatid ka?"   "Wala  rin"   "Ha? panong wala?" ilang segundo o minuto rin ang lumipas bago siya makasagot sa tanong ko.   "Nasa states inaasikaso niya ang iba naming business don." sabi niya na sa tingin ko eh lubhang nalulungkot.   "Ah? so ikaw lang ang nandito ngayon?   "Lagi naman eh!" sabi niya na nakatingin parin ng deretso sa akin. "Alam mo? mahirap din pala ang buhay no? kahit na mayaman kami, mapera kami. nakakalungkot din...... dahil yung mga mahal mo sa buhay, nawalan na ng oras sa akin. miski nga birthday ko di na nila naaalala. ako nalang ang nagdidiwang mag-isa ng kaarawan ko."   "Im Sorry ha? kung natanong pa kita about diyan.Di bale, nandito naman ako oh? nasa tabi mo. kahit na minsan iba ang ugali mo. karamay mo pa rin ako.Friends tayo diba?"   "Ayoko ng friends lang tayo!"   "Ha? Ayaw mo non? friends na nga tayo ayaw mo pa? napakachoosy mo naman." deretso parin siyang nakatingin sa akin.   "Ayoko kasing maging friends lang tayo.Gusto ko kasing maging ako nalang dyan sa puso mo, Gusto ko........ Dito ka lang sa puso ko"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD