NADINE’S POV
"Ayoko kasing maging friends lang tayo. Gusto ko kasing maging ako nalang dyan sa puso mo, Gusto ko........ Dito ka lang sa puso ko"
"Ayoko kasing maging friends lang tayo. Gusto ko kasing maging ako nalang dyan sa puso mo, Gusto ko........ Dito ka lang sa puso ko"
"Ayoko kasing maging friends lang tayo. Gusto ko kasing maging ako nalang dyan sa puso mo, Gusto ko........ Dito ka lang sa puso ko"
"Ayoko kasing maging friends lang tayo.Gusto ko kasing maging ako nalang dyan sa puso mo, Gusto ko........ Dito ka lang sa puso ko"
Totoo ba to? yung sinabi niya? Feeling ko nananaginip ako ng gising ngayon, pero feeling ko lang yon dahil kinurot ko ang pisngi ko napa "Aww" naman ako. Oh my gosh! ano yung sinabe niya?
At hanggang ngayon nakatitig parin siya sa akin, deretso sa aking mga mata. at feeling ko namumula ako kaya napa iwas ako ng tingin. Ano kaya ang itsura ko nito? kamatis na yata ako?
Maya-maya ay bigla siyang tumawa ng malakas.
"HAHAHAHAHAHA! EP-HAHAHAHA EPIC!" Sabi niya with matching hawak pa sa tiyan! so ibig sabihin pinagtripan niya ako?
"Bwiset ka talaga panira ka talaga ng araw ko!" sabi ko sa kanya sabay talikod.
Nakakainis talaga siya! anlakas niya talagang mangtrip! ano bang problema niya? nakakainis talaga! Pumunta na ako sa kwaro niya kung saan nakalagay ang bag ko. kukunin ko na ito at uuwi na . wala na akong panahon para magstay dito! nabibwiset lang ako atsaka ang kapal talaga. matapos niya akong pahirapan sa mga pinagawa niya sa akin dito sa bodega niyang kwarto hindi man lang nagpasalamat? Nakakainis talaga yon! kasumpa sumpa ang araw nato! nakakainis. imbis na nasa school ako eh kung di lang dahil dito sa lalaking to!
Nandito na ako ngayon sa may gate ng mansyon nila, papalabas na sana ako ng biglang
"San ka pupunta?"
"Sa tingin mo? Edi uuwi na" sabi ko ng pasarkastiko.
"Sige, Uwi na! alam mo daan pauwi sa inyo?" Sabi niya. Aysssss. My God! di ko nga pala alam kung pano makauwi dahil una , di ko natandaan ang direksyon papunta sa kanila , pangalawa, wala akong pera pang pamasahe at pangatlo, di ko talaga alam kung pano umuwi dahil di ko alam ang lugar na to!
Isinara nba niya ang gate pero naipit ang daliri ko kaya binuksan niya ulit.
"tatanga-tanga kasi” ako pa ngayon ang tatanga-tanga? Eh kung tinitignan niya muna yung gate bago niya isara, masyado naman kasing nagmamadali ang isang ‘to.
Hindi ako makakilos dahil sobrang hapdi ng kamay ko, feeling ko pinuputol na ito. hindi naman sa maarte ako pero grabe masakit talaga maipit ang kamay .
JAMES POV
Nakita ko ang daliri nyang nagdudugo at nakaramdam ako ng konsensya at hindi ko na alam ang gagawin ko.
Ano ba namang ginawa ko? nag aalala ako sa kamay niya. may dugo kasing lumalabas eh. Pakiramdam ko tuloy naguguilty ako sa ginawa kong pang aasar at pang ipit sa kamy niya pero yung pag ipit sa kamay niya di ko talaga yun sinasadya. di ko naman alam na ihaharang niya ang kamay niya sa gate.
Dahil nga natataranta na ako ay dali-dali ko siyang binuhat papunta sa aking napakalinis na kwarto. Naawa tuloy ako bigla sa kanya pagod na pagod na nga siya dahil pinalinis ko sa kanya ang marumi kong kwarto. eto pa ang naiganti ko sa kanya?
Iniupo ko siya sa kama at kinuha ko kaagad ang first aid kit ko sa cabinet.
Nilagyan ko ng band aid sa parteng nasugatan. at hanggang ngayon ay iniinda niya parin ang sakit.
Nakapikit na siya habang naiyak. wala naman akong magawa kaya
Kaya hinalikan ko ang kamay niya dun sa parteng may naipit. nalaman ko yun sa mama ko dahil noon, noong hindi pa siya busy sa trabaho. nandito lang siya para sa akin. ginawa na rin sa akin ito ni mama noong ako ay bata pa. sabi niya na kahit papano mababawas bawasan ang sakit kapag hinalikan ito. wala namang masama kung ikiss ko ang kamay niya dahil nagkiss na nga kami
"Bakit mo ginawa yon?" tanong niya sa akin.
NADINE'S POV
Nagulat ako ng bigla niya halikan ang kamay ko. pero nagblush din ako kaya di ko nalang pinahalata. Bakit naman kasi napakagwapo nitong nilalang na ‘to.
"Bakit mo ginawa yon?" tanong ko sa kanya
"Ginawa ko yon kasi baka sakaling makatulong para mawala ng konti ang sakit" sabi niya
"San mo naman nalaman yon? nananatsing ka lang yata eh!" sabi ko sa kanya.
"Kay mommy ko nalaman yon. at pwede ba? hindi ako nananatsing sayo no!" sabi niya sa akin "Ako na nga tong nagmamagandang loob sayo" sabi niya pero di ko masyadong narinig ang sinabi niya.
"Anong sabi mo?"
"Wala! sabi ko magpahinga ka muna dito. dito kana magpalipas ng gabi. ang lakas ng ulan sa labas eh."
"ANO? DITO AKO MAGPAPALIPAS NG GABI?" sigaw ko, hindi pwede, marami pa akong assignments na gagawin.
"Kung ayaw mo! sige uwi na! tingnan ko lang kung makauwi ka pa ng ligtas dahil may pakidlat kidlat pa ang ulan" sabi niya. pinangkinggan ko naman ang tunog sa labas at oo nga malakas ang kidlat, nakakatakot. takot pa naman ako sa malalakas na kidlat.
"Oh san ka? bat nandito ka?" tanong ko sa kanya
"Kasi kama ko to! kaya kung ayaw mo akong makatabi! dun ka sa sofa!" sabi niya at deretsong higa sa kama niya. tumayo naman ako at pumunta sa sofa. dito nalang ako matutulog. kesa makatabi ko yon! mas sanay naman akong matulog sa sofa kesa sa malambot na kama noh?
JAMES POV
Nakatulog ako. maya-maya eh. nagising ako ng kusa. tinignan ko naman ang katabi ko pero wala. san kaya pumunta yon? tumayo ako at hinanap siya, nakita ko lang naman siya dun sa sofa ko. talagang pinanindigan ang pagtulog sa sofa.
binuhat ko siya ng dahan dahan papunta sa kama ko. iniayos ko ang pwesto niya sa kama ko at marahang kinumutan.
at dumiretso na ako sa sofa para dun ko ipagpatuloy ang pagtulog ko.