NADINE'S POV
Nagising ako ng maaga, siguro mga bandang 4:00 AM. dahil sa lakas ng ulan. nalaman ko rin na sinuspend muna ang pasok ngayon gawa sa bagyo, dahil nagtext si jessa sa akin na wala daw munang pasok. nandito parin ako ngayon sa sofa. nakahiga. pe-pero! wala ako sa sofa? nasa isang napakalambot na kama ako nakahiga. kinapa-kapa ko ang gilid ko kung may katabi, pero wala. kaya naman tumayo ako para hanapin kung san ba natulog yon si james.
Aha! nandito siya sa sofa? diba dapat ako ang nandyan sa hinihigaan niya ngayon? paano nangyaring nakalipat ako sa sofa? di kaya....di kaya tumayo ako mag-isahabang natutulog? ayyy. basta. siguro nilipat ako nito ni james. ayiiiiiiiie. umagang umaga kinikilig ang lola niyo! kahit naman pala papano eh may kilig bones parin itong si james kahit na 3-5% lang . hehehe.
Naisipan kong magluto ng breakfast naming dalawa.nakakahiya naman kasi kung di ko siya ipagluto noh? atsaka slave niya nga daw ako diba? kaya gagawin ko nalang ang trabaho ko bilang slave sa kanya.
Hmmmmm. habang nagluluto ako. naisip ko nanaman si mama. kamusta na kaya siya? antagal niya na kasing di nauwi. ang balita ko sa kanya ay lumipat daw ng bahay ang amo niya sa may batangas kaya di muna siya makauwi. tinatawagan din naman ako ni mama. Nakakamiss si mama. antagal na naming di nagkikita. bilib ako sa mama ko kase hindi parin siya nagsasawang magtrabaho para sa akin. para sa pag-aaral at pangangailangan naming dalawa. sayang nga eh. Mother's day pa naman ngayon. gustong-gusto kong yakapin si mama. lubos talaga ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa lahat ng ginagawa niya para sa akin. siguro kung buhay at nandito pa si papa masaya kami. ayyy. naluluha na ako teka. tama na muna ang pagdaday dreaming baka masunog ang span na niluluto ko.
Maya-maya natapos narin akong magluto at maghahain na ako. kukuha na ako ng pinggan ng bigla ko itong nabitawan dahil sa lakas ng kidlat. kasalukuyan ko ng pinupulot ang piraso ng mga nabasag na pinggan ng
"A-aray" ansakit. nabububog ako. nagdudugo ang kamay ko ngayon ata dali dali ko itong hinugasan ng biglang
"Napaka Clumsy kasi eh!" sabi ni james na halatang bagong gising
"Hindi ako clumsy, nagulat lang ako sa kidlat" totoo naman kasi eh. kung hindi dahil sa kidlat na yon . di ako makakabasag at mabubog ngayon. babalik na sana ako para ayusin ang basag na plato pero ikinabigla ko ng linis na ito.
"Nilinis mo na?"
"Hindi pa ba halata?" jusko! okay na sana eh! okay na okay na kilig na kilig na ako. kung hindi lang dahil sa mga bwiset niyang sagot!
"Kumain kana dyan! inihanda ko na" sabi ko sa kanya
"Sabay na tayo"
"A-ah eh. sasabay ako?" sabi ko sa kanya, hindi naman kasi ako makapaniwala, nakakapanibago lang talaga.
"Pwede ring hindi na!" Oh my gosh! bigyan niyo ako ng bola ni miley cyrus ipupukpok ko lang sa isang to!
Pumunta ako sa lamesa at umupo. katapat ko siya habang nakain.
"May problema ba sa mukha ko?" sabi ko habang patuloy parin sa pag nguya. Delisyoso. ang sarap sarap. nakakainis na tong isang ito ha? kanina pa tingin ng tingin sa mukha ko! may problema nga ba? Unti-unti niyang inilapit ang kamay niya sa aking mukha. ay este labi....LABI?? Pinunasan niya ang labi ko gamit ang daliri niya ketchup pala yun na nasa labi ko. shocks! kinikilig ang lelang niyo! pero hindi niya ipinunas ang daliri niya sa halip tinikman niya yun! Oh Em Gee! I Can't Breath na! jusko!
"Hoy! bat mo tinikman yon? andami dami namang ketchup dyan eh! yun ang lamutakin mo!" sabi ko sa kanya. pero ang totoo. namamatay na ako sa sobrang kilig!
"Trip ko eh!" Di ko na siya pinansin at tumayo na ako para ligpitin ang pinagkainan at hugasan na.
natapos ko ng hugasan ang pinagkainan namin at naulan parin sa labas! pano yan? siguro binabaha na ang bahay namin duon! nakita ko siya sa sofa nanunuod ng T.V
"Hoy slave"
"Bakit?"
"Halika dito!"
"Saan?"
"Dito!"
"Dyaan?"
"...." sigurado pag di na siya sumagot inis na yan kaya dali dali akong pumunta sa tabi niya at umupo.
"Bakit mo po ako pinapunta dito young master?" tanong ko sa kanya.
"Dito ka lang! samahan mo akong mag movie marathon!" sabi niya. hmm. mukhang masaya yun ah? hahaha
Nanuod kami ng Spiderman 2. kyaaaah. ang ganda. natapos namin yuna at nakailang palabas na ang napanuod namin. sarap na sarap kami sa panonood. di namin namanalayan na tanghali na pala at kailangan na naming magtanghaliang dalawa.
"Umm.. maghahain lang ako ha?"
"Sige"
Naghain na ako at kumain na rin kaming dalawa. okaaaaaay1 naaalala ko na naman ang nangyare kaninang breakfast. kyaaaaah! kinikilig ako!
"Bakit namumula ka?" tanong niya! OMG! anong isasagot ko?
"Ah? namumula ba ako?" sabi ko! buti naman at di ako nauutal.
natapos na kaming kumain at niligpit ko na rin ang pinagkainan namin. tumigil na rin ang ulan sa labas. kaya naman napagpasyahan ko ng maligo na at para na rin makauwi na ako.
"Young Master uuwi na ako" sabi ko sa kanya. sinabi ko sa kanya yon para maramdaman niya na hindi ko alam ang daan pauwi na sana ihatid niya ako.
"...."
"Young Master? pwede mo ba ak----""
Lumapit ako sa kanya atsa hindi ko inaasahang pangyayari eh hinalikan niya ako.