NADINE'S POV "J-james?" tinapik ko siya sa balikat, nanonood siyang T.V , tumingin naman agad siya sa akin. "Bakit?" "Uuwi na ako" "Hatid na kita" sabi niya, tumayo na siya at dumiretso sa kwarto niya para magpalit ng damit. anong sabi niya? hatid niya talaga ako? at siya pa talaga ang unang nagsuggest na ihatid niya ako? ansaya naman. may bait naman pala talagang taglay tong si james eh. Nandito kami ngayon sa kotse niya, papunta na kami ngayon sa apartment na tinutuluyan ko, oo nga pala. tumila na pala ang ulan at nakaalis na rin ang bagyo. napakatahimik naman, masyado na akong nabibingi sa katahimikan. "Y-yung kanina nga--" Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita, ayoko ng ipaalala. "Sana hindi na maulit" hindi na siya sumagot pa sa sinabi ko.