NADINE’S POV Ilang araw na ang nakalipas pero ganun parin ang takbo ng buhay namin ni james, masyado niya akong pinapakilig tuwing umaalis kami, marami rin siyang ibinibigay sa akin, tulad nga nung isang araw eh, nagulat ako, kaya pala pumunta kami sa mall non, para bilhan niya ako ng Cellphone Apple 6 pa, sobra sobra ang tuwa ko non, nayakap ko nga si james nun nung binilhan niya ako, sa talambuhay ko kasi hindi ko pa nararanasan na magkaroon ng cellphone na may camera at touchscreen, nung una nga eh, hirap na hirap akong gamitin yung cellphone na ibinigay niya pero natutunan ko naman agad dahil tinuruan ako ng boyfriend ko, madali lang pala, parang hindi dumidikit yung daliri ko sa screen eh, sobrang soft touch. Thursday ngayon at papunta na ako sa school. Masaya na sana ang araw ko ng