JAMES POV Nandito ako ngayon sa mall. Nagpaalam kasi ako kay Nadine kanina nung nasa tagaytay kami na tinawagan ako ni mama at may iuutos sa akin, pero ang totoo naman ay hindi si mama ang tumawag kundi si Venice. Ang sabi sa akin ni Venice kanina, kung pwede ko raw siyang samahan sa mall dahil wala daw siyang kasama, Hindi naman ako makatanggi dahil baka magsumbong pa siya sa mommy niya. Ang totoo naman talaga ay ayokong maipakasal dyan sa venice na yan, sinabi ko nga noon pa na hindi ko siya mahal. Si Scarlet lang talaga ang tinitibok nitong puso ko, pero sa ngayon, naguguluhan na ako dahil sa tingin ko, may nagugustuhan na akong iba. Hay. Kung hindi lang kasi ako nagloko noon pa, edi sana hindi ako maipapakasal dyan sa venice na yan. Dati kasi marami akong pinapaiyak na babae noon,