NADINE Kauuwi ko lang galing sa mall, nagpasama kasi sa akin si cyfer kahit tinatamad ako, nakakahiya naman kasi na tumanggi ako sa kanya, siya na rin yung kasa-kasama ko sa araw-araw, tinatanong ko nga siya minsan kung bakit siya dikit ng dikit sa akin, ang sabi niya sa akin lagi "Wala lang, dahil masaya ako kapag nakikita kita" Yan lang naman lagi yung sinasagot niya eh. kanina, nanood rin kaming sine ni cyfer. pansin ko na parang may sumusunod sa amin ni cyfer simula nung nakain kami. pati sa paglalakad namin, pansin ko na may sumusunod nga talaga sa amin ni cyfer, dahil nung lumingon ako, nakita ko yung lalaki na nakatingin sa amin tapos nung nakita niya akong lumingon, yumuko agad siya, nakahood siya eh, at may suot na jacket. hindi ko naman siya kilala. Nasa loob na kaming sinehan