NADINE Kakatapos lang naming kumain at naglakad na kami, nakakita kasi kami ni James ng Room for rent na nakapaskil sa kabilang poste. “Good Afternoon po, Saan po ba si Mrs. Kunsabagay?” Tanong ni james sa babaeng medyo may katabaan na may buhat na mga baboy. Ibebenta niya siguro. “Ako ba ang hinahanap nyo? Bakit? Ano ba ang maitutulong ko sa inyo?” Tanong ni ano bang pangalan nun? Ah! Basta, nakalimutan ko na. “Opo, nabasa po kasi naming yung nakapaskil sa poste don, may pinapaupahan pa po ba kayong kwarto ngayon?” Tanong ni james sa ale. “Ah oo, Meron akong kwarto sa taas, kayo ba ang tutuloy?” tanong ng babae sa amin “Opo” “Halikayo, sumunod kayo sa akin sa taas” Sumunod kami ni james sa ale hanggang sa makarating kami sa tapat ng pinto ng kwarto. “Ito ang magiging kwarto niyo,