JESSA “.... Sorry ulit ah?” Sabi ko sa katabi kong si Cyfer, binisita niya kasi ako, at ewan ko ba kung bakit tuwang-tuwa siya ngayon? Hindi ko naman birthday? At Sa pagkakaalam ko, Wala namang ibang magandang nangyari this past few days. “Okay nga lang, Hindi mo dapat sa akin sinasabi yan jessa, kay Nadine at James mo sabihin yan dahil sa kanila ka nagkaroon ng kasalanan” Sabi sa akin ni Cyfer. Tama nga naman, Sa totoo nga niyan, matagal ko ng gustong humingi ng patawad sa kanilang dalawa dahil sa nagawa ko, pero paano? Eh nandito ako sa City jail. Hindi man lang ako dinadalaw ng bestfriend ko.. Napabuntong hininga nalang ako, bakit ngayon pa? Bakit kung kailan may nangyari na tsaka ko lang naisip na sobrang mali pala ng nagawa ko, bakit kung kailan huli na ang lahat doon ko lang narea