"Happy birthday happy birthday happy birthday to you... Sige na blow mo na yung candle" Kanta ko sa kanya with palakpak pa. Pansin ko rin naman na kahit papaano ay nawala ng pagod niya, dahil sigurado ako, hindi naman siya sanay sa mga ganung kabigat na trabaho, kung ako nga eh, ayoko lang talaga na maging kargador siya dahil alam naman ng lahat na laking mayaman si james at hindi siya sanay sa mga ganyan, pero wala eh, wala naman kaming magagawa dahil saan kami makakakuha ng kita? sa pangaraw-araw na buhay namin? paano na kami? Ako nga, hindi ko nga alam kung galit na galit na sa akin sila lolo at mama, alam ko namang sa mga oras na ito ay sigurado akong nag-aalala na sila para sa akin, hindi ko nga alam kung paano ako napapayag ni james na sumama sa kanya eh, basta. mahal na mahal ko si