Sunod-sunod ang businang ginawa ni Stella. Wala siyang pakialam kung mabulahaw man ang mga kapitbahay. Nanggigil siya dahil tumawag ang caretaker kagabi upang ipaalam sa kanya na muntik ng makatakas si Maya at nakasalisi pang tumawag sa cellphone nito. Kaagad niya itong inutusan na tanggalin at itapon ang sim card. Hindi siya kaagad nakabalik sa Batangas dahil inakaso pa niya ang kanilang negosyo na nagsimula ng magkanda-letse buhat ng bumababa sa puwesto si Daniel. Marami ng umatras na investors. At malaki ang binaba ng stocks. Kung magpapatuloy pa iyon sa mga susunod pang mga araw ay baka tuluyan na sila magdedeklara ng bankruptcy. Hindi niya akala in na mangyayari ang lahat ng ito sa isang iglap. She knew someone was manipulating the game. Mayroon tao sa likod ng unti-unti nilang pag