Napakunot-noo si Arthuro Alvarez nang biglang may kotseng humarang sa daan kaya awtomatikong napa-preno ang kanyang driver. Bumangon ang kaba sa kanyang dibdib nang may humarang din sa kanilang likuran, maging sa magkabilang gilid. Na-trap sila ng driver niya kasama ang nag-iisang bodyguard niya. Wala silang madaanan. "Sir, ina-ambush tayo!" Bakas ang kaba sa boses ng driver. Hindi bumababa kung sino man ang sakay ng mga kotseng nakaharang sa kanila ngunit nakatutok sa kanila ang mga headlights kaya kahit heavily tinted ang salamin ng kotse ay aninag pa rin sila sa loob. "Labasin niyo! Mga inutil!" Bulyaw ni Don Arthuro na sapilitang tinulak palabas ang kanyang bodyguard ngunit kinagitla niya ng hustong pagkababa ay kaagad nitong tinaas ang dalawang kamay na animo'y sumusuko. "Inutil