Kaagad na binagsak ni Daniel ang kanyang katawan sa sofa. Pagod siya. Pakiramdam rin niya ay umiikot ang paningin niya at nahihilo siya dahil ilang araw rin siyang walang sapat na tulog. Dalawang oras na siguro ang pinakamatagal na tulog niya. Nagigising kasi siya na tila naririnig ang boses ni Maya na humihingi ng tulong. Napa-paranoid na siya. Tanghali pa lang pero nagdesiyon na siyang umuwi sa condo sapagkat tumawag ang kanyang anak kanina upang ipaalam na half day lang ang klase nito dahil may biglaang meeting ang mga teacher. Umuwi siya dahil gusto niyang maka-bonding ang kanyang anak. Concern na kasi ang adviser nito sa pagiging malungkutin nito. Tumawag sa kanya ang teacher at ang sabi ay lagi raw gustong mapag-isa ang anak. Hindi na raw nakikihalubilo sa mga kaklase nito. At hindi