Kanina pa nagmamatyag si Stella sa labas ng ICU kung saan naroon ang kasama ni Maya sa kotse na himalang nabuhay dahil iniligtas ng napadaang motorista. Hinihintay niyang lumabas ang doon ang nag-iisang bantay nito bago pumasok. Naka-disguise siya. Nagsuot siya ng mahabang wig at makapal na salamin sa mata. Naglagay rin siya ng pekeng nunal sa kanyang pisngi. Kailangan na hindi siya makilala dahil sa bulsa ng laboratory gown na suot niya ay naroon ang syringe na may laman na lason. Balak niya iyon i-inject sa pasyente para tuluyan na itong mawala sa mundo. Sa ganoong paraan ay nakatulong pa siya dahil tinuldukan niya ang paghihirap nito. Balita niya ay maliit lang ang tsansa na mabuhay ito pero inilagay ito sa mamahaling hospital na iyon ni Daniel at ni Rafael Alcantara sa pagbabakasakal