Mahigpit ang hawak ni Daniel sa kopitang hawak. Naka-on ang T.V pero wala doon ang kanyang atensyon. Hanggang ngayon ay lutang pa rin siya sa mga nangyayari. Hindi siya makapaniwala na sinapit ni Maya. Napakasakit na wala siyang nagawa para mailigtas ito. Sa dinadami ng tao bakit ito pa? Kay buti ni Maya. Wala ito kailanman inagrabyadong tao. Bakit kailangan nitong sapitin ang ganoon kapait na kamatayan? Hindi man lang niya ito nakasama sa huling pagkakataon sapagkat kailangan nitong mailibing kaagad dahil sunog na sunog ito at malapit ng maabo. Dalawang araw na siyang parang mababaliw. Hinahanap niya ang presensya ni Maya. Tila naririnig niya ang boses at mga tawa nito sa loob ng Condo. Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay nakikita niya itong buhay na buhay. Nakangiti sa ka