Hindi makapagsalita si Maya sa naging rebelasyon na iyon ni Daniel. Tinawid nito ang pagitan nila. Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya upang patayuin siya sa kama. Pagkatapos ay mahigpit siya nitong niyakap. "It's always been you, Maya," anas nito. "Daniel . . . " Pinagdikit nito ang noo nila. Sari't-saring emosyon ang mababanaag sa mata nito. Pagsusumamo, pagsuyo - pagmamahal? She wasn't sure. She wasn't also prepared with his sudden burst of vulnerability. Nagmistula itong talunan. Tila ba natalo ito ng limpak na salapi sa isang sugal sa hitsura nito ngayon. Hindi rin niya natiis ang pagtaas ng kanyang kamay upang haplusin ito sa buhok. Nanatili sila sa ganoong puwesto. She felt warm and home. And she realized the need of security that only him can give. Buong akala niya ay tu