Chapter Thirty-seven

1903 Words

Bumangon ang galit sa puso ni Maya sa sinabi ni Daniel. "At sa tingin mo ba papayag ako?!" aniyang nakipagsukatan ng tingin dito. Gusto niyang iparating dito na hindi na siya ang dating Maya na mahina at walang kakayahan na lumaban. "Bakit hindi ba?" Umismid siya. "Hindi." "Dahil ba naghihintay sa iyo ang asawa mo?!" Dumilim ang mukha nito. Hindi siya sumagot bagkus muli niyang binuksan ang kotse ngunit bago pa man siya makapasok sa loob ay hinila na siya nito sa braso dahilan upang makulong siya sa bisig nito. Hindi siya nakahuma nang siniil siya nito ng halik. Nanlaban siya. Nagpumiglas. Pinaghahampas niya ito. Matagal na niyang pingarap na muling makulong sa bisig nito at matikman ang labi nito pero hindi sa ganitong paraan. Pakiramdam niya ay napakababa ng tingin nito sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD