Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Maya na nasa labas lang ang kanyang kababata. Natutulog sa sala. Binigyan lang nila ito ng kumot at unan. Iisa lang kasi ang kuwarto nila na may dalawang kama. Magkatabi sila ng kanyang kapatid at solo naman naman ang kanyang ina. Nandoon ito ngayon dahil sabado, day off nito. Kanina, pinagsaluhan nila ang lechon manok ni Daniel na magkasama pa nilang binili sa bayan. Bago umuwi ay pinasyal muna siya ng kababata at nangako ito na muli siyang ipapasyal bago ito bumalik sa Maynila. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin siya makatulog. Nagtatalo ang utak niya kung babangon ba siya upang silipin ang kababata o manatili na lang sa kuwarto niya at hintayin ang pagsikat ng araw? sa huli ay pinili niya ang nauna. Buong ingat siyang bumangon at kum