Lunes. Magkasama silang pumunta sa University ni Daniel. Mabilis lang naman ang pagproseso nito sa natitirang dokumento kaya wala pa siguro isang oras ay nakalabas na ito sa office at nagtext na hihintayin siya sa Canteen. Kung kaya papunta siya doon. Kaagad nakita ito nakita ni Maya na nakaupo sa sulok. May klase pa siya mamayang hapon pero nagdesisyon siyang um-absent muna sa sapagkat ipapasyal siya ni Daniel. Susulitin niya ang oras na magkasama sila. Sinabi niya dito na doon na ang sa canteen sa kumain para makatipid. Baka rin kasi hindi magkasya ang dala nitong pera. Doon kasi presyong estudyante ang mga pagkain. May combo meal na tinatatawag na sa halagang trenta pesos ay may kanin at ulam na. Sinalubong siya ng nobyo - yes, opisyal na sila na dalawa ng kababata - giniya papunta s