Chapter Twenty-five

1744 Words

"Good Afternoon po, Tito, Tita," nahihiyang bati ni Maya sa magulang ni Daniel. Day off niya ngayon kaya sinundo siya ng nobyo upang isama sa bahay ng mga ito. Suot niya ang bulaklaking bisteda na lagpas tuhod ang haba at ang sandal na binili ng nobyo. Nagsuot rin siya ng perlas na hikaw na nabili niya sa bangketa. At naglagay rin siya ng polbo at konting lipstick. Sa halos isang buwan na pamamalagi niya sa Maynila ay noon lang niya nakita ang sarili na naging presentable. Malaki na ang pinagbago ng pamumuhay ng pamilya ni Daniel. Bungalow na ang bahay at sagana na sa makabagong kagamitan ang loob. Bago pumasok ay nakita niya ang nakataling aso. Mabaliho. Hindi askal. Sa unang tingin ay mapagkakamalan na isang teddy bear, alam niya na hindi biro ang halaga noon kung bibilhin. Walang d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD