Ngayon ang araw ng pagdating ng ama ni Daniel na isang sea man at nagkataon na fiesta rin ng baryo nila kaya naghanda ng husto si Tita Delia. Nagpakatay ito ng dalawang baboy para gawing lechon. Maliban pa doon ay marami pang handang ulam. Tulong-tulong silang magkakapit-bahay sa pagluluto. Halos wala ng katapusan ang ginagawang paghihiwa ni Maya ng mga sangkap sa lulutuin. Maging ang nanay niya ay nandoon at nakikitulong dahil nagkataon na Sunday. Day off nito. Ito ang nakatuka sa pagluluto ng menuda. Habang ang kanyang Ate Mela na naroon din ay tumutulong sa pag-aayos ng mga mesa at upuan. Hindi sumama si Daniel sa pagsundo sa ama nito sapagkat ito naman ang nakatuka sa pag-aayos ang lahat. May isang na rin siguro itong nagpipihit sa kawayan ng lechon. Magpagayun pa man ay gumagawa it