Naghanda ng engrandeng salo-salo ang ama ni Maya para sa 60th birthday nito. Sa araw na iyon ay matatawag na ito na Senior Citizen. Maraming bisita. Karamihan ay nasa alta sa syudad. Siyempre hindi rin mawawala ang nga media. Sa Event hall ng RML Hotel na kapapatayo lang ng ama dinaos ang birthday nito. Sa mga initials nilang tatlo kasama ang anak ipinangalan ang hotel. Unti-unti ay natututo na siyang makipagsosyalan. Ngayon ay nakakaharap na siya sa mga bisita na may confident na ngiti sa labi. Wala na siyang pakialam kung mahahalata ng mga ito ang kanyang kapansanan. Wala siyang dapat ikahiya at itago. Simple lang ang suot niya sa kaarawan na iyon ng ama. Plain white dress lang na hapit sa katawan at na-emphasize ang kurba ng kanyang beywang. Pinarisan lang niya iyon ng pear earrings