Napapangiti si Maya habang pinagmamasdan si Lance at ang kanyang pamangkin na si Jacob - panganay na anak ng Ate Mela niya at mas bata ng dalawang taon sa kanyang anak. Naghahabulan ang dalawa sa malapad na damuhan. Sumadya siya sa Batangas upang bisitahin ang kanyang kapatid. Ilang buwan na rin kasi itong hindi nakakaluwas ng Maynila simula nang magbuntis sa pangalawa nitong anak. Isa pa naging busy din siya sa takbo ng mga pangyayari. Ni hindi na nga niya nagawa pang sabihin dito ang tungkol sa pagpapa-secret marriage niya. Nagulat na lang ito nang i-anunsyo niya na isa na siyang Mrs. Yuzon. Naiintindihan naman nito ang paghingi niya ng pasensya at nang ipinawalanag niya ang lahat. In fact, lubos din ang kasiyahan nito para sa kanya. Kapapanganak pa lang nito sa second child nito. Fi