Nalulumo si Daniel nang malaman ang nangyari kay Aling Mercedes - ina ni Maya. Hindi siya makapaniwala sa sinapit nito. Napakasakit din sa kanya ang nangyari sapagkat itinuturing din niya ito bilang pangalawang ina. Napakabuting tao ng ina ni Maya. Ni minsan ay hindi niya nakitang nagalit, marahil ay dahil nagkaroon rin ng mababait at mabubuting mga anak. Ngunit kahit mga kapitbahay ay nagpapatunay kung gaano din kabait ito. Tatlong linggo niyang hindi makontak si Maya. Operator ang sumasagot ang sa bawat tawag niya. Wala din reply sa mga text niya kaya sobrang nag-aalala siya. Hindi pwede na wala siyang gawin lalo na't kinukutuban din siya ng masama. Nakakahiya man sa kanyang magulang ngunit ginalaw niya ang naipong pera ng mga ito para sa kanya. Bumili siya ng ticket pabalik sa kanila