CHAPTER THREE - The demon is back

1255 Words
"Now, now." nakangising sambit ng demonyo at para akong tinakasan ng dugo ko sa pamumutla. "Ate!" sigaw ko at saka tumayo. Hindi ko alam ang gagawin ko! "Alis jan!" dagdag ko pa. "Maswerte ka Miss Lancaster." napayukom naman ang kamao ko dahil sa inakbayan nya si ate pero ang pinagtataka ko bakit hindi sya lumalaban? Di ba malakas sya? "Maswerte ka na kaya nyang isakripisyo ang sarili nya para lang maligtas ka;" sakripisyo? "Naalala mo ang sinabi ko? Pag nalaman kong kilala mo si Adisson mamamatay ka? This older sister of yours really loves you and sacrificing herself just to save you? Be happy with that." Be happy? Sino pinagloloko mong demonyo ka? "Ate..." mahinang tawag ko sa kanya pero binigyan nya lang naman ako ng malungkot na ngiti. "I'm sorry for letting this happened Avabil, I dont want to hurt you." "Neither am I." bakit? Bakit di ko magamit ang taika ko? "Let go of my sister!" "Sorry kid but Miss Adisson is now belong to us." sabi nya pa. Belongs to you? No! She is only belongs to me! Kinuha ko ang katana ko pero nagulat ako ng harangan ako ni ate.  What the hell is she doing? "Wag mo na ako pahirapan pa Avabil just let this go. Just let us go." "What the f**k are you talking about?" "Avabil you will understand soon." Hindi ko na nakayanan at napasalampak na lang ako ng unti unting maglaho ang katawan ni ate at ang katawan ng demonyong yun at kasabay nun ang malakas na halakhak nya.  What the hell?  "ATE!" Naramdaman kong may nagtakbuhan papasok ng bahay ko at nakita ko ang mga kaparehas na uniform ni ate at hindi ko alam pero galit ako. Galit na galit. Agad kong sinugod ang babaeng nasa pinaka harap at hinawakan ang collar nya. "Ikaw kasamahan ka ni ate di ba? Pati kayo di ba? Bakit late kayo? Bakit?" at tuluyan na akong nanghina kasabay nun ang pagpatak ng luha ko "Kinuha na ang ate ko." "I-I'm sorry." I can feel her pain with her sorry words pero wala akong pakialam doon. "Hindi mo kailangan magsorry Irine wala naman tayong kasalanan." Sabi ng isang lalaki at tapos ay tumingin sya sakin ramdam ko yun "Huli na nang malaman namin ang plano ni Cacia." Really that girl. Ayaw nya talagang may nadadamay sya kaya sinasarili nya. Nakakainis bakit ba wala akong nagawa para iligtas sya? Sinuntok ko ang sahig hanggang sa dumugo ang kamao ko at pinigilan ako. "Ang hina ko! Ang hina ko di ko sya naligtas!" naiiyak kong sabi. Dapat hindi ko na lang piniling maging walang kwenta. Dapat nagpakatatag na lang ako at tinanggap itong sumpang ito!  "Hindi ka mahina." "MAHINA AKO! I SEALED MY OWN TAIKA!" Sigaw ko na ikinagulat nila "I'm afraid that Acadil will leave me, that we will be apart, so I sealed my own taika." nanghihina kong sabi. Yeah that's right. I'ts not her fault that she sealed it. Kasalanan ko na naseal iyon and because that was what I wanted to happen. She just obey what I want. I'm so selfish. "Shh..." Mas lalo pa akong mapaiyak nang maramdaman kong may yumakap saking lalaki, he had the same smell as my sister kaya mas lalo akong napaiyak.  Its my fault. Kasalanan ko ang lahat ng nangyayaring ito. Kung nakinig lang sana ako kay ate edi sana hindi mangyayari ito. Edi sana hindi ako pabigat sa kanya.  'Avabil wake up!' 'Avabil its already late.' 'Avabil.' "Ate..." Napatitig ako sa kisame habang nakataas ang kamay ko at parang may inaabot. Yeah, I forgot they take my sister away from me.  I cry over and over again, and its all my fault anyway. Wala akong ganang tumayo, wala akong ganang gawin ang kahit ano, wala akong ganang lumabas ng bahay o kahit ng kwarto ko man, wala akong gana na mabuhay pa. Tinitigan ko ang kamay ko habang nakahiga ako at bumubuhos ang luha ko. May malakas nga akong taika pero di ko naman nagamit para protektahan ang nag iisang pamilya ko, may cursed eye nga ako di ko naman magamit. Im such a useless brat. "Abia? Bumangon ka na ang elders ng pamilyang Lancaster gusto kang makausap." Napakagat naman ako ng labi, sila na naman? Ilang beses ko bang sasabihin sa kanila na ayaw ko sa kanila? Sila, isa sila sa dahilan kung bakit nawala ang kuya ko sa amin.  Yeah, may kuya kami ni ate Acadil pero namatay dahil sa sumama siya sa elders ng Lancaster famiglia. Hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit sya namatay pero isa lang ang alam ko. Isa sila sa dahilan kung bakit nagkanda-watak-watak na kaming magkakapatid at kami na lang ni ate ang naiwan sa mundong ito. "I don't want to talk to anyone. Get out here! Get out to my house!" sigaw ko at hindi na ako nagulat ng makita kong sumabog ang pinto ng kwarto ko. "You will going with us." sabi ng isang elder. Tatlo ang elder ng pamilya namin at sa totoo lang hindi lang naman ako ang nag iisang Lancaster sa mundong to kundi marami kami. Ipinikit ko ang kaliwang mata ko. "Ayoko! Hindi ako sasama sa inyo! Hindi nyo ako mapipilit na sumama sa inyo!" "Huwag nang matigas ang ulo mo Abia." -elder uno "Hindi ako sasama sa inyo!" "Wala ka nang magagawa dito!" "Meron! Babalik si ate! Hindi ako aalis dito!" "Hindi na sya babalik dito! Patay na sya!" "HINDI PA PATAY ANG ATE KO! KAHIT ANONG SABIHIN NYO HINDI AKO AALIS DITO SA BAHAY NA TO! DITO LANG AKO! ITO LANG ANG BAHAY KO! ITO LANG ANG BAHAY NG PAMILYA KO!" Hindi ko alam kung bakit pero naiyak ako ngayon, hindi naman ako iyakin pero bakit ngayon? Hindi ko rin alam kung bakit nanlambot ang mga mukha nila. Hindi na sila nagsalita at saka ako napaupo sa sahig nang makita kong wala na sila sa harap ko. "Paano mo nagawang sigawan sila?" tanong nang lalaki. "Sino ka?" ngumiti naman sya sakin. "Ako si Meilin Dodgewar" napatingin naman ako sa kanya. Dodgewar? Meilin? Parang pamilyar. "Kasintahan ng ate mo." Kaagad naman na may sumagi sa isip ko dahil sa sinabi nya. So sya pala ang isa pang nagpapasaya sa ate ko. 'Ate bakit parang lagi kang ayos na ayos? May lakad ka ba lagi?' 'Hahaha oo may date ako' 'De-date?what? Ate kanino?' 'Sa isang makisig na Dodgewar. Meilin Dodgewar ang pangalan nya' "Alam mo Abia? Hangang hanga ako sayo base sa mga kwento ni Cacia sayo" napatingin naman ako sa kanya, "Alam mo ba na ang sabi nya sakin na ikaw ang pinaka magaling sa lahat? Natalo mo na nga daw sya sa pisikalan eh. Ikaw din daw ang pinaka malakas sa lahat. At alam mo din ba na pinapili ko sya isang beses at kahit gaano nya ako kamahal ikaw pa rin ang pinili nya?" "Bat mo sinasabi sakin yan?" walang emosyon kong tanong sa kanya.  Hindi ko kayang makipag kwentuhan sa kanya ng masaya kagaya ng sinabi ko kay ate noon kapag nakilala ko sya. Hindi ito ang tamang oras para doon.  "Kasi parehas lang kami ni Cacia ng gusto mangyari sa buhay mo, Abia. Gusto ko rin na maging malakas ka, gusto ko rin na alagaan ka. Para sakin isa ka na ring kapatid. Pwede mo kong tawaging kuya kung gusto mo." "Hindi ko kailangan ng kahit sino," Tama.  Hindi ko nga kailangan ng kahit sino dahil kung sino man ang napapalapit sakin napapahamak siguro nga mas okay kung mag isa lang ako. Mas okay nga siguro kung ganun wala naman akong ibang aasahan kundi sarili ko lang. "Umalis ka na hindi kita kailangan." sabi ko pa at narinig ko ang pagbuntong hininga nya. "Okay aalis ako pero kung sakaling may gusto kang gawin o kaya may kailangan ka tawagan mo lang ako." at umalis na sya pero bakita ko ang papel na iniwan nya sa may kama ko. Napaiyak na naman ako sa hindi ko malamang dahilan. Okay Avabil this gonna be your last cry umisip ka nang paraan para mabawi si ate Acadil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD