CHAPTER FOUR - New environment

1484 Words
Magdamag na akong nakaupo sa kama ko habang nakatitig sa box na binigay ni ate, ano na ba ang pwede kong gawin? "Ano na ba ang mga pwede kong gawin ate?" hinigpitan ko ang pagkakahawak sa box at tinitigan ang singsing na nasa loob "Ate..." I really hate Taika, I hate this. Kung sana nasa normal na mundo ako. Napabuntong hininga naman ako saka ako humiga.  Ito na ba ang senyales para umalis ako dito? Napabuntong hininga na lang ako at pumikit. "Ano nang balak mo Avabil?" "Hindi ko alam." "Useless ka talaga pag wala ate mo no?" napatigil naman ako sa sinabi nya. Medyo masakit ah pero totoo naman eh.  "Yeah useless nga ako pag wala sya." "Pero may pwede kang gawin." "Ano?" "Iligtas sya. Malakas ka Avabil ayaw mo lang tanggapin. Malakas ka at kaya mo syang iligtas pinili mo lang maging mahina. Pumasok ka sa Academy para mas lumakas ka." "Nababaliw ka na ba? Mapapahamak sila dahil sakin!" Hindi ako pwede pumunta sa academy dahil g**o lang ang dala ng matang ito! Isa itong sumpa! "Hindi ka naman makikipag kaibigan para mapahamak sila di ba? Kaalaman ang kailangan mo doon hindi kaibigan. Ayaw mo nang kaibigan di ba?" Sandali naman akong natigilan sa sinabi nya. Yeah, hindi ko kailangan nang kaibigan. Iminulat ko ang mga mata ko at naramdaman kong may enerhiya na naman na dumadaloy sa katawan ko, bumalik na ang kapangyarihan ko! Nang maimulat ko ang mga mata ko ay kaagad naman akong umupo at sinandal ang likod at ulo ko sa headboard ng kama ko at saka ko tinitigan ulit ang singsing na nasa maliit na kahon at saka ko ito sinuot. Umilaw ang singsing nang masuot ko ito at nanlaki ang mata ko nang hindi ko na matanggal to.  Tsk. Ano pang magagawa ko hindi na din naman ito matatanggal dahil ako na ang bago nyang amo. I guess I need to be strong, strong enough para mailigtas sya. I want to save her, my ate.  Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang wallpaper, kaming dalawa ni ate. Kinuha ko rin ang papel na iniwan kanina ni Meilin at tinawagan ko sya. Malamang number nya ang nakasulat doon dahil bibihira lang magbigay ng mga numero ang mga top knight. Kadalasan mga kamag anak at malalapit lang nilang kaibigan ang nakakaalam ng mga numero nila. "Hello sino to?"  Napairap naman ako. Anong sino to? Dapat expected na nya na tatawag ako! Lalaking to! "Meilin?" "Abia? Ikaw ba iyan? May problema ba? Wait hintayan mo ako jan." Napataas naman ang kilay ko nang mag end call seryoso anong meron sa lalaking yun? Tumawag lang ako may problema na? Ang OA naman masyado.  Halos mapatalon naman ako nang bigla syang sumulpot sa harapan ko. "Shet!" sigaw ko habang hawak hawak ang dibdib ko, "Papatayin mo ba ako ha?" "Ah sorry nagmadali kasi ako dito. Ano may problema ba? Bakit ka napatawag??" "Wala naman akong sinabing may problema ako ah! Ikaw lang itong OA na akala mo may nangyari nang hindi maganda sa akin. Parang timang eh." Napailing naman sya sa akin at saka nagtanong ulit, "Eh bakit mo ako tinawagan?" "Di ba sabi mo kung may kailangan ako tawagan kita? Binabawi mo na ba?" Inis kong sabi at kaagad naman syang umiling kaya naman pinagpatuloy ko ang sasabihin ko, "Kasi gusto ko sana na maging sponsor kita." napakunot naman ang noo nya, umupo ako sa study table ko at tiningnan sya "Gusto kong maging malakas pa, gusto ko iligtas si ate. Pero para maging malakas kailangan kong mag aral. Alam mo namang hindi nakakapasok basta basta sa Taika's Academy pag walang sponsor di ba? Okay lang ba sayo? Kung ayaw mo okay lang din." Pero sisiguraduhin ko na walang Acadil na mauuwi sa iyo kapag nailigtas ko sya. After all ako pa rin ang pipiliin ni ate at kapag nalaman nyang hindi mo ako tinulungan alam mo na ang mangayayari. Gusto ko sana sabihin sa kanya yan kaso wala ako sa mood para magsalita pa ng mas mahaba.  "Syempre gusto. Matagal nang gustong maging sponsor ni Cacia sayo pero dahil sa nangyari ako na lang muna. Pero matanong ko, bakit nagbago isip mo?" "Like what I've said, I want to save her, I know na buhay pa sya. I want to become the strongest and lead the army to save her." Yes, army. Di ba kalaban namin ang demonioum dito? Malamang kailangan ko ng army para makalaban sila. Ano ako lang mag isa? Suicide ganun? Pano ko maliligtas si ate kung magsu-suicide ako.  "Whooa ang taas nyan ah yan agad gusto mo?" "Kung pwedeng General kukunin ko eh." Walang gana kong sabi. Napataas ako ng kilay nang makita ko syang nakangiti kaya naman napairap ako sa kanya. Like, seriously? "Paano mo nakukuhang maging masaya?" Out of the blue kong tanong. Nakakaya nya kasing ngumiti kahit na may nangyari kay ate. Alam nyo yun, yung parang wala lang sa kanya.  "Huh?" Hindi nya ata naintindihan ang tanong ko.  "Paano mo nakukuha ang ngumiti? They took my sister, your girlfriend and yet you can smile." "To be honest? Hindi naman ako masaya. Hindi naman kasi porque nakangiti masaya na. I am sad, mad. I want to kill every denim- everyone. But she doesn't want that to happen and she said that my smile is what she love the most so I keep on smiling." Napatitig naman ako sa kanya habang nakatitig naman sya sa picture namin ni ate na nakasabit sa pader. Indeed, he really loves my sister. Halatang halata kasi sa mga ngiti nya at sa titig nya na mahal nya talaga ang ate ko. Halatang wala syang balak na lokohin ang ate ko at panghabang buhay na ang gusto nya para sa ate ko. Masaya ako para doon.  Tumayo ako at naglakad papunta sa labas nang kwarto ko at sinundan nya naman ako at saka ako pumasok sa kwarto ni ate. Nagulat pa nga sya nang makita nya ang mga picture na nandito ay nagpapatunay na si ate ang may ari. Hinayaan ko syang tingnan lahat nang pictures at saka ako pumunta sa cabinet ni ate at kinuha ang isang bagay na nasa pinaka ilalim nang damitan nya. Napangiti naman ako nang makapa ko ito at kinuha ko. Lumapit ako kay Meilin at nakita ko ang lungkot at galit sa mata nya. Tiningnan nya ako at inabot ko naman sa kanya ang kinuha ko. "Kay ate yan. Nabanggit nya sakin ang tungkol sa album na yan pero hindi ko tinangkang buksan sabi nya kasi ikaw at sya lang makakabukas nyan." nakangiti kong sabi. "Wala naman dito si ate at alam ko na nangungulila ka na rin sa kanya kaya ibibigay ko yan sayo." At tiningnan ko sya. "Gusto ko rin malaman ang laman eh." Hindi naman sya nagsalita pa at kinuha sa akin ang box. Tama nga na silang dalawa lang ang makakapagbukas dahil walang kahirap hirap na nabuksan nya ang album at para syang batang inagawan nang lollipop dahil sa paghagulgol. Nang mapaupo sya sinilip ko konti ang mga nakalagay doon at hindi ako nagkamali sa kanilang dalawa nga iyon pero may nakita akong nalaglag sa album. "Meilin, I'm pregnant. Six weeks and you will be a daddy soon!" Napatakip naman ako nang bibig dahil sa nabasa ko at tiningnan ko ang isa pang papel at tuluyan na nga akong naluha. Agad ko tong binigay kay Meilin at saka sya mas lalong umiyak. Tumayo ako at iniwan sya mag isa sa kwarto ni ate, sinilip ko muna sya bago ko isara ang pinto. Naalala ko tuloy ang ilan sa mga nagbigay ng clue na buntis sya pero pinagsawalang bahala ko lang. "Ate may problema ba? Bakit ka nasusuka?" "Huh? Medyo hilo kasi ako sa pagod." Bakit hindi ko kaagad nalaman ang tungkol doon? Bakit hindi ko agad napansin ang tungkol sa pagduduwal nya? "Ang baho naman nyang niluluto mo Avabil." "Huh? Nababaliw ka na ba ate? Paburito mo to tapos nababahuan ka?" "Ah eh hahaha sige maya maya na muna ako papasok." "Ate seryoso mas gusto mo ngayon ang nilaga kesa sa tinola?" "Huh? Eh hindi ko alam eh." That time also shock ako na nababahuan sya sa tinola at mas nagustuhan nya ang nilaga na ayaw na ayaw nya. Hindi ako nagduda dahil pihikan naman talaga si ate sa pagkain at isa pa naka base sa mood nya ang gusto nya kainin. Ngayon alam ko na. Buntis si ate. Magiging tita na ako, magiging masaya na sana ako eh. Madadagdagan na sana ang pamilya na meron ako pero kinuha si ate kasama ang baby sa tyan nya. Tinitigan ko nang masama ang Demonious World. Nagmimistulang buwan ang Demonious World dahil sa sobrang lapit nito sa mundo namin.  "Kukunin ko ulit si ate sa inyo maghanda kayo. Kukunin ko ang ate ko at pamangkin ko." galit na sambit ko. "Abia?" napatingin naman ako sa tumawag sakin, "Kukunin natin sya. Bubuuhin natin ang pamilya nyo. Nandito lang ako hindi kita iiwan. Sabay nating kukunin ang ate mo." ngumiti naman ako at nag nod. "Ano nga pala nangyari jan sa kaliwang mata mo? Bakit parang hindi ko pa ata nakikitang minulat mo yan." "Ayoko. Mapanganib." "Aah. Sige na magpahinga ka na pupunta ako sa academy ngayon para asikasuhin ang pagpasok mo okay?!" nag nod naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD