Iminulat ko ang mata ko at saka naupo sa kama ko at inikot ang paningin. Yeah, wala na nga pala si ate dito. Wala nang maninigaw sa akin kapag late na akong nagigising. Pumunta ako sa cr nang kwarto ko at saka naghilamos at napatitig sa salamin.
"Gagawin ko ang lahat para maging malakas. Kukunin ko si ate sa kanila." Desidido kong sabi sa sarili ko na nakaharap sa salamin.
Nakita ko naman ang mukha ng kasama ko sa nothingness sa salamin.
"Maging malakas ka at magbabawi mo si Acacia."
"Alam ko di mo kailangang ulitin." at nawala sya sa repleksyon ng salamin.
Pinunasan ko ang mukha ko ng malinis na towel at saka ko kinuha ang malaking bag at nagsimula nang mag impake. Nasa kalagitnaan ako ng pag iimpake nang biglang sumulpot si Meilin sa gilid ko.
"Alam mo pasalamat ka talaga kilala kita at mahal ka ng ate ko dahil kung hindi kanina ka pa nakabulagta jan. Kaya siguro minsan nauwi si ate nang badtrip dahil ginugulat mo."
"Hahaha. Pasensya na nakasanayan ko na to." tapos may inabot sya sakin "Yan na lahat ng papeles na kailangan mo. Nanjan na din pati ang schedule mo. Siguro naman marunong kang magpakilala di ba?"
"Nababaliw ka na ba? Sino bang hindi? Anong akala mo sakin tanga? Bobo? Hindi marunong? Aba tinuruan din naman ako ni ate ah! Eh pangalan lang naman ang sasabihin" Kainis tong lalaking to gawin ba naman akong bobo.
"Hindi naman iyan ang ibig kong sabihin. May paraan kasi ng pagpapakilala sa Taika's Academy. May kulang ka bukod sa pangalan mo." napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. "Sponsor's name. Magpakilala ka ganito. I'm Avaline Abia Lancaster, Sponsor Mister Meilin Dodgewar. Ganun."
Napairap naman ako, "Kailangan pa ba talaga?" pinanliitan ko naman sya nang mata at nag nod sya.
"Ganun na talaga doon simula pa noong nag aaral kami doon. Sige na alis na ako marami pa akong aasikasuhin ngayon sa city. Eto oh pang transpo mo. Sumakay ka ng express train para hindi ka malate at dalhin mo na lahat ng kailangan mo dahil dun ka na muna titira at pag aalis ka dito lock mo maigi ang pinto naayos ko na rin naman yun eh saka---"
"Teka nga ano ba kita ha? Tatay ba kita? Dinaig mo pa si daddy sa bilin mo eh! Oo na oo na gagawin ko na lahat yan daming satsat. Para kang si ate."
"Hahahahaha" at tinawanan pa talaga ako ah.
"Oh bakit ka natatawa?!"
Pero imbis na sagutin ako ay tumawa lang sya ulit at saka naglaho sa paningin ko.
Minsan napapaisip ako paano ba nainlove ang kapatid ko sa lalaking to? Napaka ingay, napaka kulit. Hindi ko alam kung anong gayuma ginamit nito para mapaibig si ate. At ang gago hindi sinagot ang tanong ko bigla na lang nawala sa harap ko, ibang klase talaga ang lalaking yun.
Tiningnan ko ang kamay ko at sobrang dami nang pera na nandito kaya naman napanganga ako. Seryoso? Pero kung sabagay mahal naman talaga ang express train iilan lang nakakaafford nun kaya karamihan nagtetake nang public land vehicle.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko at pagkatapos ay naligo na saka ako nag ayos. Pakirandam ko na hindi magiging maganda ang araw na to pag nagtagal pa ako sa bahay na to. Feeling ko may mangyayaring hindi maganda.
Sinuot ko ang simpleng damit at jeans saka jacket na may hood para iwas sa tingin ng karamihan. Kinuha ko rin ang eyepatch na ginawa ni ate sakin at saka ko ito nilagay sa left eye ko.
"Okay time to go." Sabi ko sa sarili ko at kinuha lahat ng tapang at lakas ng loob na meron ako saka umalis ng bahay.
"Narinig nyo ba ang balita? Hinahanap daw ng Lancaster elder ang natitirang anak ng mga makapangyarihang Lancaster" sabi ng isang babaeng nasa harapan ko at tawagin na lang nating girl one dahil hindi ko naman alam ang pangalan nila at wala akong balak malaman kung sino sila.
Mukhang ako rin ata ang laman ng chismis nila.
"Huh? May isa pang anak ang mga makapangyarihang Lancaster?" okay this is girl two
"Oo. Bukod kay Acacia meron pa. Hindi lang talaga nagpapakita ang batang yun pero balita ko sobrang lakas nya pero nakakapagtaka hindi nya man lang nailigtas ang ate nya mula sa kamay ng mga Denim"
"Kawawa naman si Lady Acacia"
Naiyukom ko na lang ang kamao ko, alam pala nila ang nangyari sa bahay? Ibinaba ko pa lalo ang hood ko para walang makakilala sakin kahit na hindi naman talaga ako kilala dito sa mukha depende na lang kung magpapakilala ako.
"Baka mapagkamalan kang Denim nyan sa ginagawa mo."
Tiningan ko saglit ang nagsalita at saka ko ibinalik ang tingin ko sa kawalan at itinago ang mukha ko. Tsk nandito pa lang ako may kumakausap na sakin. Hindi ko sya pinansin kahit na kinakausap nya ako at nakakaramdam na ako ng tingin nang tao sakin.
"Shut up." malamig at walang emosyon kong sabi at bahagya naman syang natigilan.
Buti na lang talaga at nagagawa ko to sa mga elders dahil kung hindi mahihirapan akong maging cold. Ayoko sa mga tao na nasa paligid ko kaya naman hindi ko sila binibigyan ng atensyon, pamilya ko lang ang mahalaga sakin at wala nang iba.
"Hey sandali!" takteng yan! Anong problema nitong lalaking to?! Bakit ba to nasunod sakin?! "Miss teka lang naman. Miss!" tumigil ako sa paglalakad at tiningnan sya ng masama.
"Shut up or I'll kill you. Stop following me." at mukha namang tinamaan dahil namutla.
Good. Mukha atang mahihirapan ako maging mag isa dito sa lugar na to ah puro kasi halatang friendly ang mga tao. Ito ang first time na makapunta ako dito sa Capital o mas kilala bilang City pero kabisado ko naman to kahit first time ko to. May mapa si ate at kabisadi ko yun.
Even the f*******n path here, I know it. Kaya para shortcut dun ako dadaan.
"Hey Miss bawal jan!" hindi ko sya pinansin at dumeretso lang ako sa paglalakad, "Miss hindi ka ba natatakot? Tara na balik na tayo sa talagang daanan." what a coward "Miss." Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
Iniharap ko sa kanya ang kamay ko at itinapat ang palad ko sa kanya saka nagliwanag ang palad ko at tuluyan na syang naglaho sa paningin ko, much better. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakarating na nga ako sa harap ng academy nang walang kahirap hirap.
Iteneleport ko lang naman sya papunta sa gate ng academy. Kaya ko rin naman mag teleport pero ayoko magsayang ng mana.
Sus sabi nila mapanganib daw dun hindi naman ni hindi nga ako nagalusan o nanghina eh. Baliw talaga ang mga tao. Naglakad ako papasok nang harangin ako ng guard at hinanapan ako ng pass at para hindi na ko magtagal sa maraming tao ipinakita ko kaagad.
Walang tao pagpasok ko sa school kahit saan wala. Pero naramdaman ko presensya nilang lahat sa mga silid ibig sabihib may klase na ngayon. Naglakad na ako papunta sa dorm at saka hinanap ang number ko and goodness buti na lang wala akong dorm mate.
This is it magiging malakas ako at babawiin kita ate.