"Hey, Abia?" bored kong tiningnan si Jenny. Kakatapos lang ng isang subject namin at absent ang sunod na teacher pero di kami allowed lumabas ng classroom siguro may labanan na naman sa labas nito. Tsk, mga di na natuto kailangan ba talaga nila magsinungaling sa amin? Ginagawa naman ata nila kaming tanga. Sinong maniniwala sa mga palusot nilang walang kwenta? "Bakit?" Walang gana kong sagot sa kanya. "Bakit lagi kang may eyepatch sa left eye mo?" "Bakit sa tingin mo saan ko ba dapat ilagay ang eyepatch sa paa?" "Well then nice try sa pagjojoke Abia, di nakakatawa." bored nyang sabi saka nangalumbaba at napairap naman ako. Minsan na nga lang mag joke waley pa. Tsk. Tumingin ako sa labas ng bintana at naramdaman ko namang nakatitig pa rin sya sakin alam ko na naghihintay sya ng sagot k