"Oh anong gagawin ko dito?" sabi ng babaeng kasama ni Jenny, hindi ko sya kilala pero sabi ni Jenny sa ibang classroom sya. Dahil sa favor ko kay Jenny kailangan ko rin ang babaeng to. "I-generate mo ang mga nasa isip ko." deretsahang sabi ni Jenny at natawa naman ang babaeng kasama nya ngayon sa kwarto ko. Parang hindi maganda ang ugali ng isang ito ah. Malilintikan ito sa akin kung sakaling may ibang tao dito. "Bakit ko naman gagawin yan? Nababaliw ka na ba Jenny? Hahaha nahahawa ka na ata sa Lancaster na yan." sabi nang babae habang dinuduro ako. Nag cross arm naman ako, "Mag ingat ka baka magulat ka na lang putol na yang kamay mo." sabi ko at agad naman syang napaatras "Jenny." tawag ko. "Hmm?" "Kung ayaw nya hayaan mo sya dahil wala akong panahon makipag biruan sa kahit na s