ALICE DE RUSI WALANG nagawa si Kleint kun 'di sundin na lang ang gusto ko. Kapag umalis pa kami, byahe na naman para sa hospital na pupuntahan namin. Nandito na rin lang kami bakit aalis pa kami? Ngayong nandito na si Benj. Ang doctor na mag-che-check sa braso namin. "So, anong problema? Bakit pareho kayong may bandage sa mga braso niyo?" tanong ni Benj. Umupo ito sa kaniyang swevil chair. Nagtanggal ng salamin at sinulyapan si Kleint. Ako naman ay nakaupo sa harapan niya. Handa na for check up. "Why do you even need to ask? Is it still the doctor's job to ask what happened? It's your job to treat and check our arm. "I was shocked by Kleint's answer. Napakainitin naman ng ulo ng lalaking ito. Nagtanong lang naman si Benj pero binara kaagad. Isang mahinang tawa ang ginanti Benj. "Re