ALICE DE RUSI MAKALIPAS ang isang linggo, may surprise pala na inihanda si Kleint para sa akin. Naalala niyang birthday ko at gaganapin ito sa Laguna. Niyaya niya kaming mag-rides at mag-sky camp raw kaming dalawa. Hindi naman ako masyadong takot sa heights. Lahat kami kasama sila mama at ang dalawa ko pa na nakakatandang kapatid. Hanggang ngayon hinihingi pa rin ni kuya Arnel at Misssy ang kapatawaran mula sa akin. Siguro, I will only take time to forgive them. Not now but I know I can forgive them soon. After all, they are still my family. Ang pamilya nagkakapatawaran at nagdadamayan sa huli. Hindi dapat na ako magtatanim ng galit dahil nakalipas naman na iyon. Ang mahalaga ay ang nangyayari ngayon. Masaya na kaming magkasama ni Kleint kasama ang anak namin na kambal. "Mom!" si