"WHERE IS MY WIFE?" kaagad na hanap ni Kleinton nang makapasok sa kanilang rest house sa Baguio. Kaharap niya ang kaniyang dalawang bodyguard at ang isang lalaki na naka-taxi uniform pa. "Sino 'to?" turo niya sa lalaking naka-taxi uniform. "Binayaran lang namin boss. Isang taxi driver." sagot ng isa niyang bodyguard. Kaagad na pinasadahan niya ng tingin ang taxi driver. "Hindi niyo ba kaya ang pinagawa ko at kumuha pa kayo ng isa pang tutulong sa pinapagawa ko." sermon niya sa dalawa bago niya binalingan muli ang taxi driver. "Just make sure my pregnant wife wasn't hurt when you kidnapped her." paalala niya sa taxi driver. Ni-kurot at pananakit ay hindi niya nagawa kay Alice dahil inaalala niyang dinadala nito ang kanilang magiging baby. Pagkatapos sapilitan pa nilang dinala