ALICE DE RUSI NAKATALI ang mga kamay ko, may tapal pa ang bibig ko. Pinipilit kong makawala sa tali na itinali sa akin ni Kleinton pero hindi ko magawa dahil sa higpit nito. Habang gumagalaw ako ay mas lalo lang humihigpit sa kamay ko ang tali. Humahapdi na nga ito. Nakakasigaw ako pero impit lang hindi maririnig sa labas kung sakali man may dadaan sa room na ito. Ano bang nakain ng lalaking 'to at ginawa niya sa 'kin 'to? Ang kapal talaga ng mukha niya. Pagkatapos ng ilang taon na walang paramdam. Ganito lang ang gagawin niya sa akin sa una naming pagkikita. Nababaliw na ba siya? Hindi man lang siya nag-sorry sa akin. Baliw na nga talaga. Ilang minuto na siya sa banyo. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa at tumahimik na. Wala ng ingay ng shower. Hinihintay ko ang paglabas niya.