HINDI mawala ang ngiti sa labi ni Kleinton sa mga oras na papunta sila sa kinaroroonan ng pamilya ni Alice. Kung saan naroon ang kambal. Tinawagan kasi ni Alice si yaya Melda para tanungin kung nakakain na ang kambal. Ang sagot naman nito ay nasa cottage sila at kanina pa nakakain ang kambal kasalukuyan nasa pool na raw ang mga ito at enjoy na enjoy sa pagbababad. Habang nasa elevator silang dalawa kasabay ang dalawang guest ng hotel. Napapalingon na lang si Alice kay Kleinton dahil sa ginagawa nitong pagtusok sa tagiliran niya. Sinamaan ito ng tingin ni Alice. Pasimpleng ngumiti ang gwapong asawa ni Alice habang tinatakpan ang bibig nito. Nang makalabas, hinapit naman ni Kleinton ang kaniyang bewang. "Thanks for telling me. I was eager to see the twins. Do they look like me?" ngit