MADILIM ANG PALIGID habang nagmamadaling naglalakad at tinatahak ng dalawa ang kubo na kanilang pansamantalang masisilungan. Mabuti na lang at may dalang cellphone si Kleinton para silbi nilang ilaw sa daan. Mas lalo pa lumakas ang ulan. Kulog at kidlat na rin ang kasabay nito. Kanina lang ay ulan lang ito pero ngayon may kasama ng kulog at kidlat. Hanggang sa marating nila ang maliit na kubo. Mas lalong nakaramdam ng lamig si Alice dahil basang-basa na siya dahil sa lakas ng ulan. Niyakap niya ang sarili gamit ang kaniyang mga braso. Kahit madilim ay pansin niyang maliit lang ang kubo na sinisilungan nila ngayon ni Kleinton. Medyo masikip para sa kanilang dalawa. Halata na rin dito ang pagkakarupok ng kahoy ng kubo na kinaroroonan nila ngayon. Nanginginig siya habang niyayakap