"TOTOO BA?" nakatalikod na tanong ni Missy kay Kleinton. Halata ang mga hikbi nito habang nagtatanong sa kaniya. "Asawa mo pala si Alice? Hindi mo sinabi sa akin." patuloy na sabi nito habang nakatalikod sa kaniya. Pansin niya rin na pinupunasan nito ang mga mata. Niyakap niya ito nang patalikod. "I'm sorry, hindi ko kaagad na sabi sa 'yo. Yes, Alice is my wife. We got married because I got her pregnant." habang nakatalikod niyang yakap si Missy ay bulong niya sa tenga nito. Humarap ito sa kaniya. "Nabuntis mo si Alice? I-ibig sabihin buntis si Alice?" hindi makapaniwalang sabi nito. He just nodded. "I don't love her... pinakasalan ko lang naman siya dahil sa dinadala niya, sa magiging anak namin. Ikaw pa rin ang mahal ko, Missy." he said pleadingly. Tiningnan siya ni Missy sa k