Chapter One hundred Nakaidlip ako sa tent. Nakasuot na ako ng jacket dahil tumitindi na ang lamig. Walang tigil ang ulan kaya naman lahat na ng mga umiikot para maghanap ay in-pull out na. Mabigat sa dibdib ko pero kailangan tanggapin. May buhay rin sila na pwedeng malagay sa peligro kung patuloy silang mag-iikot habang malakas ang buhos ng ulan. Katatapos ko lang kumain kahit na wala akong gana. Hindi pumayag sila manang na hindi ko galawin iyong pagkain ko. Halos lahat ng mga ka-barrio ay umuwi na muna. Babalik daw sila bukas. Pero si Manong Ike, Pogi, at Tropa, ay narito pa. "Miss Lucinda, may pagpupulong po sa kabilang tent." Tumayo agad ako. Nakasuot na rin ako ng bota. Naka-medyas pa na sila Manang ang nag-insist. Inalalayan ako ni Felip na magtungo roon. Madulas din kas

